Chapter 25

57 3 0
                                    

Jobel's Pov

Natapos ang gabi na puro kasiyahan lang ang nangyari. Nag inuman sila at nalasing sina Abel kaya nag decide si papa na dito nalang sila sa bahay patulogin at baka mapanu pa sila sa daan. Umuwi narin ang mga bisita namin at mga kapatid ni Abel akay akay naman namin sila pauwi at nakasunod lang samin si Max ang aso ni Abel.

" Dito nalang seguro sila sa sala anak. Mahihirapan na tayo kong dadalhin pa natin sila sa taas." Sabi ni papa kaya sumang ayon naman ako subrang bigat kaya ni Abel.

" Kuha lang ako ng mahihigaan nila." Sabi ni mama at umakyat na.

" Grave ang laki palang aso niyang alaga ni Abel" sabi ni papa nakahiga lang kase ito sa tabi niya.

" Pero mabait naman siya pa. " Sabi ko ng dumating na si mama at inayos namin ang mahihigaan nila. Pero si Max sa tabi lang talaga ito ni Abel humiga at nakatingin lang ito sakanya. Umakyat na kami sa taas para mag pahinga.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba kaya ginawa ko ang morning rituals ko bago ako bumama. Naabutan ko naman silang lahat sa sala na nagtatawanan habang hinihila ni Mark ang kumot ni Abel at binabalik naman ito ni Max na nakahiga sa taas ni Abel.

" Boss gising na " sabi nito at hinila ang kumot tinahulan naman ito ni Max at binalik ang kumot.

" Boss tanghali na " sabi ni Ej at hinila ulit ang kumot pero binalik lang ito ni Max at hinigaan ulit.

" Ayaw pa niya kaseng gisingin niyo ang amo niya " sabi ni papa na ng tawa.

" Anak gising ka na pala" sabi ni papa kaya umupo ako sa tani nila pumonta naman sakin si Max kaya hinawakan ko ang ulo nito. Mabilis namang bumalik ito kay Abel at humiga sa taas nito habang hinihila nila Mark ang kumot ni Abel na siya namang balik ni Max dito.

" Hoy Max, naiinis na ako sayo ahhh. Ano ba?. Wala ka bang balak gisingin yang amo mo?. Aba tanghali na po at may mga pasok pa po kami mamaya " inis na sabi ni Carlos na namewang pa tinahulan naman siya nito na nagpatawa samin.

" At sumasagot ka na ahhh. Gusto mosakalin ko yan???." Sabi nito at akmang sasakalin si Abel ng magalit na itong si Max.

" Max tama nayan. Umalis ka na dyan at ambigat bigat mo na. " Sabi ni Abel na sinunud naman agad ni Max.

" Boses mo talaga ang batas " sabi ni Mark kay Abel.

" Sige na kumilos na kayo dyan at ng makakain na tayo " sabi ni mama at pumonta na sila ng kusina ni papa.

" Good morning love " sabi nito sakin at hinalikan ako sa noo. Tumahol naman si Max.

" Aga aga kase lumalandi. Yan pagalitan mo Max " sabi ni Carlos.

" Selos ka na agad niyan?. Ikaw talaga " sabi nito at tinop ang ulo ni Max.

Tinulungan ko na sila sapag aayos at kumain narin kami. Maaga silang umalis dahil sa may mga pasok pa sila samantalang si Max naman ay dito mo na sa bahay naiwan at ako nalang ang uuwi sakanya mamaya dahil sa wala naman akong pasok ngayon.

Pagsapit ng hapon ay inuwi ko na si Max pag dating namin sa bahay ni Abel ay dumeretso agad ito sa cage niya at don humiga. Pinapalabas ko pero ayaw naman niya seguro nasanay na siya kaya hinayaan ko nalang. Maya maya uuwi narin si Abel kaya nag handa mo na ako ng makakain niya mamaya.

Habang nag luluto ako ay bigla akong nagulat ng may mga kamay na pumulopot sa bewang ko naka back hug ito sakin kaya napangiti ako ng maamoy ko ang perfume nito.

" Bango naman niyan " sabi nito.

" Magbihis ka na mo na don at tamang tama mamaya pagkatapos mo ay tapos na tong niloloto ko " sabi ko na agad naman niyang sinunud pero bago payon ay ninakawan mo na niya ako ng halik bago umalis.

" Hello buddy " rinig kong sabi nito seguro pinuntahan niya si Max bago ito unakyat sa taas.

Matapos kaming mag dinner ay naisipan kong dito nalang matulog kase ayaw naman akong pauwiin ni Abel dahil gabing gabi na kaya dito nalang ako matutulog.

" Dito ka na love sa kwarto ko at don nalang ako sa sala " sabi nito at kumuha na ng kumot at unan.

" Dito ka na matulog tabi nalang tayo " sabi ko pero tingnan lang ako nito.

" Dito ka na " sabi ko pa.

" S-segurado ka?." Sabi nito kaya tumaas ang kilay ko.

" Bakit?. Ayaw mo ba akong katabi?." Tanong ko dito na nakataas ang kilay.

" Di naman sagun. Ayuko lang naman na di ka maging comfortable " sabi nito kaya hinila ko ito pahiga at umunan ako sa dibdib nito.

" Dito ka na tabi na tayo" sabi ko dito bumontong hininga naman ito at tumango kaya ngumiti ako.

" Matulog ka na may pasuk kapa bukas diba?." Sabi nito.

" Ikaw rin naman ahhh " Sabi ko.

" Binigyan nila ako ng isang araw na leave regalo daw nila sakin" sabi nito kaya tumango ako.

" Sige na. Pahinga ka na." Sabi nito.

" Good night " sabi ko dito at hinalikan siya sa labi na nagpangiti sakanya.

" Good night po I love you" sabi nito at hinalikan ako sa noo.

" I love you more" Sabi ko at pumikit na habang yakap yakap siya. Nakatulog naman ako agad dahil sa hinahaplos nito ang buhok ko.

Kinabukasan maaga akong nagising at napangiti nalang ako ng makita ko ang maamong mukha ng katabi ko. Hinalikan ko naman ito sa noo at dahan dahang bumangon at bumama para magluto ng breakfast namin.

Ng matapos na akong magluto ay umakyat na ako  para sana gisingin si Abel pero may nauna na sakin at nakita kong hinihila ni Max ang kumot nito.

" Max 5minutes please " sabi nito ng nakapikit pa ang mata. Pero tuloy lang ito.

" Max please wala akong pasok " sabi nito pero di parin tumitigil si Max kaya nilapitan ko na ito at umupo sa tabi niya.

" Baby wake up na po breakfast is ready " sabi ko at hinalikan ito sa noo. Hinila naman niya ako kaya napahiga ako sa ibabaw niya.

" Pwedi bang ikaw nalang ang breakfast ko?." Sabi nito at nakangiting nakatingin sakin kaya nilayo ko ang mukha nito.

" Mag ayos ka na hihintayin kita sa baba. Dami mong kalokohan " sabi ko at agad ng bumaba nakasunod lang sakin si Max. Walang hiyang Abel yon bumilis ang tibok ng puso ko don ahhh.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon