Abel's Pov
Nandito kami ngayon sa office ni Jobel at siya lumabas mo na para gawin ang rounds niya. Nakaupo lang ako dito sa loob at naglalaro sa phone ko. Alam ko kaseng matatagalan siyang bumalik kaya maglalaro na mo na ako.
* KNOCK KNOCK *
Rinig kong katok galing sa labas kaya tumayo ako at binuksan ito.
" Good morning po. Andyan po ba si Doc?." Tanong ng nurse.
" Wala ehh. Nag rounds pa bakit po?." Tanong ko dito pero ngumiti naman ito at nag pa cute pa. Malalagot ako nito pag nahuli ako ni love.
" Ibibigay ko lang po sana to " sabi nito at ang lapad talaga ng ngiti ahhh.
" Kunin ko nalang at ako nalang ang mag bigay sakanya mamaya " sabi ko at binigay naman niya sakin.
" Thank you po " sabi nito at umalis na napakamot naman ako ng batok dahil don.
" Lapad ng ngiti ng nurse sayo ahh " halos mapatalon ako sa gulat ng may nag salita.
" Love naman. May balak ka bang patayin ako sa gulat " sabi ko dito at napahawak sa dibdib ko.
" Talagang nagulat ka ahh. Takot mahuli?." Sabi nito at agad ng pumasok nakita ko namang nag aayos ito ng gamit niya.
" Love naman. Akala ko kase ikaw kaya binuksan ko nilock kokase kanina yong pinto. Di ko naman alam na nurse pala yon at pinapabigay yan kaya ako nalang ang kumuha." Sabi ko pero wala parin itong kibo kaya lumapit na ako at niyakap siya.
" Sorry na " sabi ko dito.
" Bitawan mo nga ako nag aayos ako. Hatid mo narin ako sa bahay at kailangan ako ni papa " sabi nito kaya di nalang ako nag salita pa at pagkatapos niya mag ayos ay umalis narin kami.
Pagdating namin sa kanila ay agad ko namang nakita ang mga kaibigan ko na nandun.
" Ginagawa niyo dito?. " Agad kong sabi sa kanila ng makita ako.
" Dumaan lang kami boss. Bored kami sa mga bahay namin kaya pumonta nalang kami dito." Sabi ni Carlos.
" Ito na ohh. Capt. Dito ka pala" sabi ni Nicole na may dala dalang bola.
" Mabuti pa Bel maglaro nalang tayo. Kami magkakampi ni Ej ay kayo naman ni Carlos " sabi ni Mark kaya wala nako nagawa kundi pumayag nalng kesa naman magmukmuk ako dito ng walang ginagawa.
" Ready na ahh. Ako na taga score lugi ako ehh. Wala akong partner" sabi ni Nicole kaya natawa kami at sinimulan na ang laro.
Masaya naman laro namin kahit paminsan minsan may nga errors pero natatawa nalang kami kase nga di naman to competition. Kasiyahan lang.
Hapon na ng naisipan naming umuwi na sana ng pigilan kami nina mama at papa. Dito naraw kami mag palipas ng gabe at baka raw mapanu kami sa daan. Kaya wala na Kaming nagawa pa at pumayag nalang.
" Don na kayo sa guest room dalawa naman kama don sa loob " sabi nito kaya tumango nalang kami at sumunod na ako sa kanila papunta don ng mag salita ulit ang papa ni Jobel.
" Abel anak. San ka pupunta?. Don ka na sa kwarto ni Jobel at baka di na kayo mag kasya dyan " sabi nito at tumingin kay Jobel na busy sa phone niya kaya ngumiti ako.
" Ok lang po pa. Dito nalang ako kasama sila. " Sabi ko at nakita ko namang parang nalilito ito.
" Nag away ba kayo?." Tanong ng mama nito.
" Hindi po ma. Gusto ko lang na katabi sila na miss korin po kaseng makasama ang mga to. Minsan lang kami magka day off pero lagi di namang balik trabaho na agad " pagpapalusot ko at sana naman makunbinsi sila.
" Siya sige. Kung yan ang gusto mo. Kayo na bahala." Sabi nito kaya agad narin kaming pumasok sa loob.
" Capt. Ok lang ba kayo ni Doc?." Tanong ni Nicole sakin at nakita ko naman na sakin silang lahat nakatingin. Kaya bumontong hininga ako at kweninto lahat ng nangyari kanina.
" Kaya naman pala. Nag seselos yon " sabi ni Carlos.
" Oo nga. Kami kaseng mga babae. Kahit di namin sabihin nasasaktan rin kami. Kaya yong nararamdaman ni Doc naiintindihan ko siya. Mahal ka kase non kaya siya nagiging ganun. Kase ang gusto lang naman namin ay samin lang palagi nakabuntot ang mga mata ng mga mahal namin. Tanging samin lang yong tipong kahit humubad na saharap mo yong mga yon ay tanging samin lang nakatingin ang mga nila. " Sabi nito kaya napabuntong hininga nalang ako.
" Magiging ok rin kayo. Matulog nalang tayo para bukas maaga tayong gigising. Ang mahuli siya mag huhugas ng pinagkainan bukas " sabi ni Ej kaya ang mga loko nagsi unahan na sa paghigda.
Si Ej at Nicole sa kama nalang sila at ako sa sofa nalang natulog. Malaki naman kase yon at kasya ang dalawang tao kaya ok lang. Pero kahit anong galaw ko ay di ako makatulog inaalala ko si Jobel. Ganun naba talaga kalaki kasalanan ko para umasta siya ng ganun?. Seguro kong ako nasa kalagayan niya ganun rin siya. Bahala na nga at makatulog may trabaho pa ko bukas.
-
Kinaumagahan ay maaga kaming lahat nagising at saktong sakto naman na pinayagan kaming kahit bukas nalang pumasok. Salamat nalang at pinayagan kami pero may kapalit naman. Hinayaan nalang namin yon dipa naman sinasabi kong ano yon kaya di nalang namin ipinagkaabalahang isipin.Wala kaming ibang ginawa sa araw nato kundi ang maglaro ng maglaro. Busy naman si Jobel ehhh. Halos di na nga ako pinapansin at naka focus lang lagi sa phone niya. Iniisip ko nalang na baka trabaho lang kaya ganun o di kaya stress o di kaya pagod. Hay naku nalang talaga. Sumasakit na ang ulo ko sa babaeng yon ehhh. Pero kahit ganun yon. Mahal na mahal ko parin yon. Di ko ipagpapalit.
* KNOCK KNOCK *
Rinig kong katok sa pinto agad namag tumayo si Mark para buksan kong sino. Nasa kusina kase sina mama kaya kami lang dito sa sala at si Jobel naman ay umakyat na mo na saglit.
" ATE " napalingon ako sa nag salita at nagulat ako na makita ang kapatid ko na umiiyak.
" Anong nangyari?. Bat ka umiiyak?. May problema ba may nanakit ba sayo?. Ano?." Sunod sunod kong tanong pero umiiyak lang siya. Niyakap ko naman ito at nagaalala na ako sakanya.
" Binastos nila ako " mahinang sabi nito na sapat lang para marinig ko.