Chapter 18

55 3 0
                                    

Jobel's Pov

Isang lingo na ang lumipas at panay parin ang pamimilit ni Abel kong sino ang nag donate sakanya ng dugo para narin makapa salamat siya. Pero walang sino man ang sumasagot sakanya. Lagi nilang iniiba ang usapan para di na maitanong ito ni Abel pero sa ngayon talagang nagpupumilit na talaga siyang malaman.

" Sabihin niyo kaya sakin kong sino??. Aalis narin naman tayo dito sa hospital ayaw niyo pang sabihin. May tinatago ba kayo sakin?." Seryosong tanong nito kaya nagkatinginan sila.

" Sagutin niyo nga ako. Umamin kayo sakin kaninong dugo ang dumadaloy ngayon sa katawan ko?. Huling tanong kuna to kaya sumagot kayo" seryoso nitong sabi kaya yong mga kaibigan niya nagsitigil sapag liligpit at naupo.

" Sino " paguulit nito.

" Sakin " sabi ng kong sino mang biglang pumasok kaya nakita ko ang pagiba ng mukha ni Abel para siyang bulkang sasabog sa galit.

" IKAW. " Sigaw nito at akmang susugurin ito ng agad siyang hinarang at pinigilan ng mga kaibigan niya.

" Oo ako ang nag donate ng dugo sayo. Dahil diko kayang nakikita kang nahihirapan kaya kahit alam kong gulo ang magiging kahantungan nito ay nagpumilit ako madugtungan lang ang buhay mo " sabi nito kaya natawa si Abel.

" Talaga??. Utang na loob ko pa pala sayo yon ganun ba???. KONG ALAM KO LANG NA DUGO MO ANG DADALOY SA KATAWAN KO SANA HINAYAAN NIYO NALANG AKONG LAHAT NA MAMATAY DI KO KAILANGAN NG DUGO MO AT LALONG DI KITA KAILANGAN DAHIL MATAGAL NA KITANG PINATAY. MATAGAL NA KITANG PINATAY SA PUSO AT ISIP KO " gigil nitong sigaw sa ama niya.


" Kahit ano pang sabihin mo Abel ama mo parin ako kaya wag na wag mo akong pagsabihan ng ganyan dahil anak lang kita " sabi pa nito.

" ANAK??. NARIRINIG MO BA ANG PINAGSASABI MO????. WALA KANG ANAK NARINIG MO AKO???. WALA. DAHIL KONG MAHALAGA KAMI SAYO DI MO KAMI IIWAN NA PARANG BOLA. DI MO KAMI HAHAYAANG NAHIHIRAPAN. AKALA MO BA NAGING MADALI ANG BUHAY NAMIN PAGKATAPOS MO KAMING IWAN??. ALAM MO BA ANG DINULOT MO SA NANAY KO DAHIL SA GINAWA MO??. NAGKASAKIT ANG NANAY KO AT HALOS ITAKWIL AKO NG PAMILYA NG NANAY DAHIL SAYO. NG DAHIL SAYO MUNTIKAN NG MAMATAY ANG NANAY NOON. TINAWAGAN KA NAMIN HINANAP KA NAMIN KONG SAN SAAN PARA HUMINGI NG TULONG PERO ANONG GINAWA NG PAMILYA MO SAMIN???. PINAGTABUYAN KAMI NA PARANG BASURA AT NGAYON ANG LAKAS NG LOOB MONG MAGPAKITA SAKIN NA PARANG WALANG NANGYARI??. NA PARANG WALA KANG GINAWA AT ANO??. AKALA MO DI KO MALALAMAN NA KAYA MO KAMI TINALIKORAN DAHIL MAY BAGO KA NG PAMILYA?. AT AKALA MO BA DI KO ALAM NA MINAMANMANAN MO SI ALEX?. ITO LANG ANG SINASABI KO SAYO PAGSINUBUKAN MONG LUMAPIT SA KAPATID KO. PATAWARIN AKO NG DIOS AT BAKA MAPATAY KITANG HAYOP KA " sigaw nito para namang binagsakan ng langit at lupa ang ama nito at nakikita ko ang galit na umaapoy sa mga mata ni Abel nakakatakot.

" Anak " parang iiyak na ang ama nito pero si Abel parang walang naririnig.

" WAG NA WAG MO AKONG TATAWAGING ANAK. DAHIL WALA AKONG AMA NA KAYANG IWANAN AT PABAYAAN ANG PAMILYA NIYA. SESEGURADUHIN KO SAYO NA KONG MAGKAPAMILYA MAN AKO DI AKO GAGAYA SAYO AT SESEGURADUHIN KONG MABIBIGYAN KO NG MAGANDANG KINABUKASAN ANG PAMILYA KO KAHIT MAGHIRAP PA KAMI NA HALOS WALA NG MAKAIN DI KO IIWAN ANG PAMILYA KO KAGAYA NG GINAWA MO. KAYA UMALIS KA NA " Sigaw nito kaya wala ng nagawa ang ama nito kundi umalis.

" BITAWAN NIYO AKO " sigaw nito kaya binitawan siya ng mga kaibigan niya.

"Pano niyo nagawa sakin to?. Mark??. Bakit??. Bata palang tayo alam mong halos isumpa ko ang taong yon. Pano mo nagawang pumayag sa gusto niya " inis nitong sabi.

" Wala na kaming nagawa Abel. Buhay mo ang nakataya dito di kami papayag na pati ikaw mawala samin. Abel ayukong mawala ka iniwan na nga tayo ni Aya tas ikaw iiwan mo rin ako???. Ayuko ng ganun at kahit alam kong magagalit ka ay nilunok ko ang pride ko. Para sakaligtasan mo para mabuhay ka. Ngayon kong tingin mo samin dito ay masama bahala ka ginawa lang namin ang alam naming mas nakakabuti sayo " sabi nito.

" Ede sana hinayaan mo nalang akong mamatay. Dahil mas tatanggapin kong mamatay kesa patuloy na dumadaloy ang dugo ng walang hiyang yon sakin. Alam mo ang nangyari samin Mark saksi ka kong panu kami ituring na parang hayop saksi ka sa mga panahong halos halikan na ng mama ko ang paa ng pamilya niya para lang tulungan kami. Akala ko pa naman dahil sa ikaw ang mas nakakakilala at nakakaintindi sakin mauunawaan mo ako. Akala ko naiintindihan mo ako pero nag kamali ako. " Sabi nito at tiningnan isa isa ang mga kasama niya.

" Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo " sabi nito at tumalikod na at umalis.


" Abel sandali " habol ko dito at pinigilan ko siya.

" Pwedi ba. Hayaan mo mona ako?. Gusto kong mapag isa. Kailangan kong mag isip kailangan kong makahinga ng maayos " sabi nito at tumalikod na. Di ko na siya sinubukan pang habulin at binalikan nalang ang mga kaibigan niya na naiwan.

" Kasalanan ko to ehhh " sabi ni Mark at sinuntok ang kama.

" Wag na tayong mag sisihan. Isipin nalang natin kong panu tayo mapapatawad ni Abel. Kilala natin siya. Hayaan mo na natin siya ngayon na makapag isip tsaka tayo gagawa ng hakbang. Mapapatawad rin niya tayo guys. Wag lang kayong mawalan ng pag asa " sabi ni Nicole at tinapik ang mga kaibigan niya.


" Doc pasensya na po sa nangyari" sabi ni Ej

" Drop that doc thingy jobel nalang. At naiintindihan ko. Pero kailangan niyong sundan ang boss niyo at baka ano pang mangyari don kakalabas lang niya ng hospital at ako naman pipatawag ni bessy Dahil may sasabihin daw siya sakin na importanti kaya di ako makakasama sainyo" sabi ko at tumango naman sila.

" Di naman kagaya ng iba si Abel. Di pupunta yon kong saan. Uuwi lang yon sa bahay niya dahil don ang isa sa mga comfort zone niya " sabi ni Mark.

" Mauuna na mo na ako. Kayo na muna ang bahala sakanya" sabi ko at tumango naman sila kaya umalis na ako at kailangan ko pang puntahan ang kaibigan ko. Ano naman kayang mahalaga ang sasabihin niya.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon