Hanggang dito nalang po ang storyang ito. Pero hindi pa dito nag tatapos kase meron pa itong karugtong di pa seguro sa ngayon ilalabas pero ongoing na po siya. Maraming salamat sa ng tyagang basahin ito.
*
Jobel's Pov
Nag stop over kami saglit kase nakakaramdam na kami ng gutom. Hinayaan ko na silang mag order don at ako nalang ang natira sa table namin. Ng may waiter na lumapit para ilapag ang mga inorder nila.
" Alam niyo po ma'am. Kung totoong mahal ka po niya. Babalik po siya sainyo kahit gano man po yon katagal. Kahit ganu man po niya kayo nasaktan o kung gano moman siya nasaktan. Babalik at babalik po siya sainyo ng walang alinlangan at walang pagdududa." Nagulat ako sa sinabi niya at agad na itong umalis ng di manlang ako pinagsalita. Pano niya nalaman na yon ang iniisip ko?.
" Jobs ok kalang?." Tanong ni Mark ng makaupo.
" Ok kalang ate?. Anong sinabi sayo ng waiter nayon?." Tanong ni Alex.
" Inaway ka ba bess?. Halika at resbakan natin " sabi ni bessy ko pero umiling ako.
" Wala. Wala siyang sinabi " yon lang ang nasabi ko sakanila kase alam kong di nila ako titigilan kong di pa ako nag salita. Nasasanay narin sila sakin na ganto ako at hinahayaan ko nalang mabuti na yong ganun.
" Ok " sabay nilang sabi at kumain narin.
" Sana nga kuya mag dilang angel ang mga sinabi mo. Sana sakin parin siya babalik at ako parin ang uuwian niya kahit anong mangyari " tanging nasabi ko lang sa isip ko bago ako kumain.