Jobel's Pov
" May pera po akong naitabi at pwedi ko po itong gamitin para makapag tayo ng negosyo para kahit sa ganung paraan maibigay at mabigyan ko ng magandang buhay ang anak ninyo at di ko maipapangakong di iiyak ang anak ninyo pero gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng magandang buhay " napapatingin lang ako kay Abel habang sinasabi niya ito. Talagang disidido siya sa mga pinagsasabi nito at nakakataba ng puso na handa niyang bitawan lahat kahit ang unang minahal niya para sakin. Na kaya niya akong ipaglaban sa magulang ko.
" Kong ganun. Binabati kita bata talagang pinatunayan mo saamin na kaya mong ipaglaban ang anak namin kahit saming magulang niya. Pina believe mo ako bata. Ngayon nasayo na ang basbas namin para sa anak namin. Basta ipangako mo lang na wag na wag mo siyang sasaktan dahil ako ang makakalaban mo pag sinaktan mo ang princess namin." Sabi ni papa.
" Makakaasa po kayo sir ma'am aalagaan ko po ang anak ninyo" sabi niya dito.
" Mama at papa nalang anak. Total magiging kayo rin nama ng anak namin." Sabi ni mama kaya malapad ang ngiti nitong katabi kong tumingin sakin.
" Maraming salamat po si- papa at mama " sabi nito kaya natawa ang mga magulang ko.
" Tara na wag ka ng kabahan at kumain na tayo. Nag luto kami ng marami kase ang sabi nitong anak namin ay pupunta ka kaya tara na " sabi ni papa at nauna na silang pumonta ng kusina.
" Oh?. Ok kalang ba?." Tanong ko dito at natatawa sa itsura niya.
" Grave kinabahan ako don ahhh. Pero mabuti nalang at pumayag sina MAMA at PAPA" talagang diniinan pa ang mama at papa ahh. Pero ok narin yon at least approved na siya sa magulang ko. Sakin nalang hindi HAHAHA.
" Let's go na. Gutom na ako " sabi ko dito.
" Sadinami ng kinain mo kanina gutom ka parin?. Grave may anaconda kabang alaga dyan?." Tanong nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
" Sabi ko nga Tara na at masamang pinaghihintay ang pagkain " sabi nito at nauna na napapailing nalang ako sa kakulitan nito pero mahal ko siya at ang lahat sakanya. Kaya nakangiti akong sumunod na sakanila bago pa ako batuhin ng nanay ko HAHAHA.
Napuno ang hapag ng masaya at puno ng kwentuhan close na agad si Abel at ng pamilya ko kaya masaya akong tinitingnan sila. Walang ilangan at walang hiyaan sakanila.
Dinaman nag tagal si Abel at nag paalam na itong umuwi. Inalok pa siya nina mama na dito nalang matulog pero tumanggi ito dahil sa may trabaho pa ito bukas ng umaga at sasusunod nalang raw pag naging kami na. Kaya hinayaan na siya nina mama na umalis. Pagkaalis nito at tiningnan naman ako ng mga magulang ko.
" Anak ayos ang manliligaw mo ahhh. Pinilit kapa talagang harapin kami. Kaya sagutin mo na agad yon " sabi ni papa at naupo nasa sala para manuod ng tv.
" At wag mong sasaktan sa nakikita ko matino siya at di kagaya don sa una mong masama ang ugali " sabi ni mama kase ditalaga nila gusto si LA dati dahil sa kayabangan nito.
" Magkaiba sila ni Abel ma. Responsible si Abel at mapagmahal nasaksihan ko na po lahat ng yon lalo nanong namatay ang mama niya. Siya rin ang papa aral sa kapatid niya at ilang taon na ang lumipas ng bumukod na ito ng tirahan malayo sa pamilya niya " sabi ko at napatingin sila sakin.
" Nag ka roon ng Brain Hemorrhage ang mama niya at nakitaan namin ng dalawang tumor sa utak nito kaya dina kinaya ng mama nya at bumigay na ito. Halos gumuha Ang mundo ni Abel non kase nga Mama's girl siya at malaki ang binago nito simula nong namatay ang mama niya. Bumalik lang ito ng mahalan niyang mahal ko rin siya. Para siyang nabunutan ng tinik sa puso at nakahinga ng maayos " sabi ko at napatango lang ang magulang ko.
" Grave pala ang napagdaanan niya " sabi ni mama.
" Kaya wag mo ng pakawalan yan. Mahirap ng makahanap ng ganyang tao ngayon " sabi ni papa.
Nagkwentuhan lang kami ng kong ano ano don hangang sa matulog narin.
Kinabukasan maaga akong nagising at nag handa pag baba ko mas nagulat ako kase may taong mas nauna pa sakin sa baba.
" LA?. anong ginagawa mo dito?." Sabi ko dito.
" Sinusundo ka " sabi nito. Kaya tiningnan ko naman si manang.
" Nagpumilit anak ehh. Gusto ka raw makausap. Wala naman dito sina Sir maaga pumonta sa brgy. Dikuna napigilan" sabi nito.
" Kahit kailan talaga dikana marunong rumispito. Napaka sama parin ng ugali mo " inis kong sabi dito.
" Masama na kong masama Jobel pero gusto lang talaga kitang makausap. Gusto kong ibalik natin yong dati. Bigyan mo lang ako ng isang pagkakaon Jobel pangako nagbago na ako " sabi nito at akmang hahawakan ako pero umatras ako.
" Pwedi ba??. Umalis ka na at wag ma wag kang lalapit sakin. Dahil nasusuka ako sa pagmumukha mo " sabi ko dito.
" Bakit??.. siya ba???. Siya ba ang ipinalit mo sakin??. Ang walang kwentang police nayon???." Sabi nito kaya nasampal ko siya.
" Ikaw ang walang hiya LA lakas pa ng loob mong pumasok sa mamahay namin at ano??. Para ipamukha mo sakin yan?. Wala ka na talagang kaseng sama at OO si Abel ang mahal ko dahil sakanya ko naramdaman na mahalin ng totoo alagaan at sakanya ko lang naramdaman na karispi rispito ako na. Kaya umalis ka na bago pa kita itawag ng brgy. " inis at diin kong sabi dito ng bumukas ang pinto.
" Narinig mo ang sinabi ng anak ko. Umalis ka na sa pamamahay ko bago pa dumilim ang paningin ko at mapatay kitang hayop ka " sabi ni papa at kasama nito sa Abel. Tiningnan naman ako ni LA at tiningnan ng masama si Abel tsaka umalis.
" Ok kalang ba?. May ginawa ba siya sayo??. Sabihin mo sakin " pagalala ni Abel pero umiling ako.
" Wala siyang ginawa sakin at ok lang ako " sabi ko kaya nakahinga ito ng maluwag.
" Pano ba nakapasok ang hayop nayon dito?." Galit na tanong ni papa.
" Nag pumilit na pumasok pa " sabi ko at pinakalma naman siya ni mama at baka atakehin pa si papa.