Abel's Pov
Hinatid ko na sa office si Jobel at may mgs rounds pa raw ito. Masarap sa feeling na mahal ka rin ng taong mahal mo. Nakangiti akong bumalik sa HQ namin at nakikita kong nagulat ang mga nasa loob lalo na yong mga kaibigan ko.
" Wag na kayong magulat guys. Ayaw niyo ba na ganto ako??." Tanong ko sakanila.
" Teka boss. Anong nangyari?. May nangyari ba sayo?. May nakain ka ba?." Tanong ni Ej
" Oo nga Capt. Sinong gumayuma sayo na ganyan ang ngiti mo?." Tanong ni Nicole.
" Hindi sino. Kundi ano HAHA " Sabi ko at kunot noo nila akong tiningnan.
" Mahal rin ako ni Doc " sabi ko at wala man lang silang reaction.
" Mahal lang r-" nahinto si Mark sa sasabihin niya ng mag hiyawan silang lahat.
" OMG TOTOO NGA " tili ni Nicole pinagtitinginan naman kami ng mga kasamahan namin pero wala Kaming pakialam no.
" Wag nga kayong maingay " sabi ko sakanila at tumigil naman sila. Para akong matatawa sa mga itsura nila na nagpipigil ng tawa HAHAHA.
" BACK TO WORK " nakangiti kong sigaw na agad naman nilang ginawa. Umupo ako sa table ko na nakangiting inaalala ang mga nangyari kanina.
Kinahapunan ay sinundo ko sa office si Jobel at kagaya ng inaasahan andun nanaman ang mukong nayon. Pero di ko ito pinansin.
" Hi " masayang bati ko dito.
" Excuse me. Let's go" sabi nito at humawak na sa braso ko. Masaya kaming lumabas ng hospital hanggang sa makasakay kami ng kotse.
" San mo gustong kumain?." Tanong ko dito.
" Ikaw. Kong san mo gusto " sabi nito kaya ngumiti ako. Dinala ko naman ito sa kainan ni Ate Baby dahil sa special guest niya kami dito ng mga kaibigan ko may sarili kaming kainan.
" Let's go" sabi ko dito ng pagbuksan ko ito ng pinto.
" Ate Baby magandang hapon po " bati ko dito at ngumiti.
" Magandang hapon naman sayo Abel. May kasama ka atang magandang binibi" sabi nito.
" Ate Baby si Doc Jobel ngapo pala. Nililigawan ko po " masayang sabi ko na ikinagulat nito.
" Talaga???." Masayang sabi nito kaya tumango ako. Masaya naman para samin si Ate Baby.
" Doc di kana lugi dito kay Abel. Mabait na responsible pa. Segurado akong di ka nito pababayaan " masayang sabi nito.
" Jobel nalang po ang itawag niyo saakin " sabi nito kaya mas lalong napangiti ito.
" Siya. Sige na pumonta na Kayo don at ako ng bahala sainyo." Sabi nito kaya dinala ko na si Jobel sa pwesto namin.
" Maganda dito presko ang hangin " sabi nito.
" Talagang naka serve lang ito para samin. Walang pinapayagang makapasok dito si ate except samin " sabi ko ito at nakangiti lang ito.
"Pano mo natuklasan to?." Tanong nito sakin.
" Dati kasama ko ang trupa ng mapadpad kami dito. Tinulungan rin namin si ate baby noon sa mga taong sapilitang kinukuhaan siya ng buwis dito sa mismong lupa niya. Di pa ganto dati ka laki ang kainan ni ate Baby kakasimula palang niya noon. Kaya nong nangyari yon ay palagi na kaming andito kase masarap ang mga luto dito " sabi ko ng biglang dumating ang pagkain namin.
Sarap na sarap si Jobel sa mga kinakain niya nag order pa nga siya ulit ehhh. Masaya akong makita siyang sarap na sarap sa mga niluto ni ate Baby. Ng matapos kaming kumain ay agad narin kaming umalis.
" Abel segurado ka na ba sa gusto mo?." Tanong nito sakin.
" Oo naman. Gusto kong kunin ang basbas ng mga magulang mo para mas lalong tumibay Ang relasyon natin" sabi ko kaya inirapan ako nito.
" Segurado kana ahhh." Sabi pa nito.
" Oo nga. Kulit mo talaga tara na nga " sabi ko at hinila na ito papunta sa harap ng bahay nila at kumatok. Binuksan naman ako ng pinto ng matandang babae.
" Good evening po ma'am " bati ko dito at tiningnan kaming dalawa ni Jobel.
" Pasok kayo " sabi nito.
" Good evening po sir" bati ko sa matandang nakaupo habang nanunuod ng tv. Pinatay naman niya ito at nagmano naman si Jobel sa kanila.
" Anak may kasama ka pala " sabi ng papa nito.
" Maupo mo na kayo" sabi nito kaya umupo kami sa harap nito.
" Ma pa si Abel po. Manliligaw ko po " sabi ni Jobel at nakita kong naging seryoso ang mukha ng mga magulang nito kaya nag salita na ako.
" Ma'am sir nandito po ako sa harapan ninyo para po sana pormal ko pong hingin sainyo ang kamay ng anak niyo. Mahal na mahal ko po siya at kong ipapahintulot po ninyo. Gusto ko po sana siyang ligawan" sabi ko at kahit kinakabahan ay kailangan kong maging maayos na humarap sa kanila.
" Talaga bang mahal mo itong anak namin?. Nagiisang anak lang namin to at ayaw naming makitang nasasaktan ang anak namin. Minsan na siyang nasaktan at ayaw naming makikitang nasasaktan nanaman ito." Sabi ng mama nito.
" Opo ma'am. Subrang mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Lahat po gagawin ko para sakanya " sabi ko.
" Police pala ang trabaho mo. Captain De Leon Panu kong sabihin kong iwan mo ang trabaho mo para sa anak ko?." Sabi ng papa nito kaya napatingin ako sakanya.
" Pa " sabi ni Jobel.
" Di ikaw ang kinakausap ko Jobel. Ano?. Kaya mo ba?. Dahil kong hindi mabuti pang umalis ka nalang at layuan ang anak ko." Sabi nito pero bago pa ako mag salita ay hinawakan ko muna ang kamay ni Jobel kaya napatingin ito sakin.
" Kagaya ngapo ng sabi ko. Lahat gagawin ko para sa anak ninyo. Kong kinakailangan kong bumitaw sa serbisyo para lang pumayag kayo gagawin ko po. Dahil ganun koka mahal Ang anak ninyo " sabi ko.
" Anong ibubuhay mo sa anak namin kong bibitaw ka sa serbisyo di naman pweding ang anak pa namin ang bubuhay sayo " sabi ng mama nito.
" May pera po akong naitabi at pwedi ko po itong gamitin para makapag tayo ng negosyo para kahit sa ganung paraan maibigay at mabigyan ko ng magandang buhay ang anak ninyo at di ko maipapangakong di iiyak ang anak ninyo pero gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng magandang buhay " sabi ko. At nagkatinginan naman ang mga magulang niya.