Jobel's Pov
Maaga akong nagising dahil sa katok ni papa sa pinto ng kwarto ko. Umaga na pala di ko namalayan dahil sa pagod ko kahapon. Bago pa ako ulit akyatin ng tatay ko at buhusan ng malamig na tubig ay bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko. Bago ako bumaba ay nag message mo na ako sa mahal ko at bumaba narin. Naabutan ko naman ang magulang ko na nakaupo na sa mesa nandun rin ang kaibigan kong nauna pa sakin at ako nalang ang hinihintay kaya umupo narin ako.
" Anak sa brgy. Nalang natin hintayin ang mga inimbitahan ko para tumulong sayo mamaya. Mabuti nayong marami silang natututunan para naman masecure natin ang bayan natin " sabi ni papa. Isa kase siyang bgry. Captain dito samin kaya gusto niyang maging oblegado ang lahat ng mga tanod niya.
" Sino sino ba sila pa?." Tanong ko pero ngumiti lang sila kaya di nalang ako nagsalita at kumain nalang.
" Tara na at baka naghihintay na sila satin don" sabi ni papa at sumakay na kami sa kotse ko at nag maneho pa papunta sa brgy. May nakita naman akong pamilyar na kotse na nakaparada malapit lang sakong san ako pumarada.
" Teka. Kilala ko ang kotse nato ahhh " sabi ko
" Tara na. Kong ano ano pa ang nakikita mo dyan. Mamaya sabihin ng may are sinisilip mo ang loob ng kotse niya " sabi ni mama at hinila na ako hanggang sa makarating kami ng brgy.
Pagpasok namin ay mas nagulat ako kase sina Abel ang nandon at magsisimula na ata sila sa gagawin nila.
" Good morning po " bati nilang lahat samin.
" Good morning everyone seguro nag tataka kayo kong bat may mga police ngayon na nasa harapan ninyo. Sila ang tuturo sainyo ng mga kailangan ninyong matutunan sa pamumuno ng aking manugang na si Captain De Leon kaya dapat makinig kayong mabuti sakong anong sasabihin nila maliwanag?." Sabi ni papa.
" Yes Capt." Sagot naman nila. Nakatingin lang ako kay Abel na nakangiting nakatingin sakin.
" Capt. Ikaw ng bahala " sabi ni papa at tinapik ang balikat nito.
" Magandang umaga salahat ako nga pala si Police Captain Abel De Leon dapat lima kaming nandito sa harap niyo pero yong dalawa may hinabol pang mission pero wag kayong mag alala dahil sisiguradohin namin sainyo na di matatapos ang araw nato na wala kayong matututunan." Sabi nito nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya.
" Gaya naming mga police kayong mga tanod may malaki rin kayong responsibilidad para panatilihin ang kaayusan ng barangay. Hindi natin alam kong kailan ang mga sakuna aksidente o krimen kaya dapat lagi tayong handa. At kong may mangyaring krimen saating barangay wag nating tangkaing hulihin ang suspect tulad ng baril kutsilyo o kahit ano mang bagay na tangkaing mapanakit sainyo. Hayaan niyong ituro namin sainyo ang tatlong bagay na maari ninyong matutunan. Pero kailangan natin don sa labas para malawak at makakagalaw tayo ng maayos." Sabi nito at nag ok naman ang tatay ko kaya lumabas na kami at sakto namang dating ng dalawa pa nilang kasamahan. Kaya itong katabi ko parang ood.
" Capt." Sabay nilang sabi at sumalodo pa.
" Anong ginagawa niyo dito?. Diba dapat na sa mission kayo?." Sabi nito.
" Capt. Alam mo naman basta kaming dalawa ni Mark ang mag trabaho mabilis at malinis kagaya ng tinuro mo samin " pagmamalaki ni Carlos.
" Kaya sumunod kami agad dito para matulungan rin kayo. Ano Capt?. Pwedi pa ba kami dyan?." Sabi ni Mark.
" Syempre naman. Tamang tama lang at mas mabuting marami tayo para mas mabilis silang matutu. At siya nga pala ma pa ang dalawa ko papong kaibigan si Mark at Carlos guys mga magulang sila si Jobel " Pagpapakilala nito kaya nanlaki naman ang mga mata nila.
" Magpapaliwanag ako mamaya. " sabi ni Abel at hinila na sila papunta sa loob ng gym.
" Unang ituturo sainyo ay Disaster Management at si Mark at Carlos ang mag eexplain sainyo. Pangalawa dahil may Disaster di mawawala ang First Aid kailangang kailangan natin yan kong sakaling may nangangailangan ng tulong natin at si Doc Jobel ang magtuturo sainyo and last ay ang self defense ako at si Ej ang magtuturo sainyo." Sabi nito ng may biglang mag reklamo.
" Tulungan ko na kayo sa self defense guys " sabi ni Nicole ng sabay sabay na mag react ang mga kasama nito.
" HINDI " kaya lahat kami ay nagulat sapag sigaw nila.
" Kailangan talaga sabay sabay?. Nag usap usap ba kayo???." Reklamo ni Nicole.
" Wala kang ibang gagawin kondi ang eh assist si Doc. Wag ka na sa Self defense at baka lahat ng tanod imabalian mo pa ng buto. Samin pa ngalang para na kaming naparalyzed sakanila baka di nila kayanin " sabi ni Ej kaya sinamaan siya nito ng tingin.
" Wag ng maraming reklamo Nics. Baby ka namin kaya sumunod ka nalang kong ayaw mong don tumambay sa kusina para mag luto " sabi ni Abel kaya nagtawanan naman sila.
" Wow ha napaka galing niyo" sabi ni Nicole.
" Guys tama na napipikon na ang ating baby damulag baka mamaya lapain tayo niyan. Nangangagat pa naman yan kaya kayo mag ingat kayo dyan ahhh. Nakakamatay ang rabies nito" sabi ni Carlos ikinatawa ng lahat pero si Nicole namumula na sa inis. Kaya binuksan niya ang bag nito na siyang ikinalaki ng mata nila.
" Nics nagbibiro lang naman kami ehhh. Tama na relax ka kalang. Baka mamaya matakot sila sayo." Sabi no Ej
" Ayuko ko nga???. Kayo nga kanina iniinis ako diba?. Kaya gaganti lang ako." Sabi nito.
" Sige na magluluto na ako para mamaya wag mo lang yang ituloy " sabi ni Abel ano kaya ang mga sinasabi nila?.
" Sinabi mo yan Capt.ahhh " sabi nito at tumango naman si Abel bilang sagot.
" Tara na guys masyado ng mainit kaya kailangan nanating magpalamig. Baka mamaya maging barbeque tayo pag maingay tayo " sabi ni Mark na agad naman silang nagsikilos pero inis na inis parin si Nicole.
" Madadali lang naman ito guys pero kailangan niyong tandaan dahil para rin sainyo ito." Sabi ni Abel at inayos na ang mga gamit nila.
" Love paki dala naman nito please " sabi nito sabay abot ng bag siya. Subrang bigat naman pala nito. Ano kayang laman nito.