Chapter 7

95 5 0
                                    

Abel's Pov

Kakaupo lang namin pagkatapos naming tingnan si mama ng may dumating na taong ayaw kong makita.

" TINGNAN MO ANG GINAWA MO SA NANAY MO ABEL. DAHIL DYAN SA MGA PINAGAGAWA MO NAPAHAMAK ANG KAPATID KO." sigaw nito sakin. Kaya napa yukom ang kamao ko at inis akong tumayo at binalibag ang upuang inuupuan ko.

" ANO LALABAN KA NA SAKIN???. DAHIL ANO??. DAHIL ISA KA NG POLICE NGAYON GAGANYANIN MO NA AKO??. WALA KANG UTANG NA LOOB BAKIT??. KONG DI DAHIL SAKIN DIKA MALALAGAY SAKONG ANONG MERON KA NGAYON " ng dahil sa sinabi nito at tumaas ang dugo ko sa mukha ko at nasuntok ko ito. Kaya agad akong napigilan ni Meg at Deng nahawakan naman nina Mark ang walang kwentang kapatid ni mama.

" NAPAKA KAPAL NG MUKHA MONG PUMONTA DITO SA BUROL NG NANAY KO. AT ANO???. DAHIL SAYO??. P******* MO. ANO BANG GINAWA MO HA???. PURO LANG NAMAN PANG IINSULTO AT MURA ANG INABOT KO SAYO AHHH. NI PISO WALA AKONG NATANGGAP SAYO KAYA WAG MONG SABIHING DAHIL SAYO. SI MAMA LAHAT ANG NAG PAKAHIRAP PARA MALAGAY AKO SA KONG SAN AKO NGAYON AT WALANG IKAW DON. ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO???. SIMULA PALANG NOON SUBRANG LAKI NA NG GALIT MO SAAKIN. INAANO BA KITA HA??. DI MO NA BINIGYAN NG RESPITO ANG BUROL NG KAPATID MO. MAHILIG KA PARING GUMAWA NG SKANDALO PARA MAPANSIN KA NG LAHAT. KONG MAY DAPAT LANG NA SISIHIN DITO AY IKAW YON. DI MAG KAKAGANYAN ANG NANAY KO KONG DI DAHIL DYAN SA MGA KAWALANG HIYAANG GINAWA MO. SIMULA PALANG NOON ANG NANAY NA ANG LAGING TAGALINIS NG MGA KALAT MO KAYA NAG KAKASAKIT SIYA AT UMABOT NA SA POINT NA MUNTIKAN NA SIYANG MAMATAY. KAYA WAG NA WAG MONG ISISI SAKIN ANG LAHAT. DAHIL UMPISA PALANG IKAW NAMAN TALAGA ANG MAY MALI. LUMAYO NA NGA AKO DIBA???. PERO ANO???. KAHIT WALA NA AKO AKO PARIN ANG SINISISI MO AKO PARIN ANG DINIDIIN MO KAYA WALANG TAONG NAGMAMAHAL SAYO DAHIL DYAN SA UGALI MO " sigaw ko dito at akmang susuntukin niya ako ulit ng kaladkarin na ito palabas nina Mark. Napahilamos nalang nalang ng mukha at napatingin sa kabaung ng nanay ko.

" Be tara na gamutin natin yang kamay mo " sabi ni Deng tumango lang ako at sumunod na sakanila.


Jobel's Pov

Nakakagulat at di inaasahan ng lahat ang mga nangyari. Ngayon ko lang nakitang ganun si Abel.

" Ate pasensya na po sa nangyari ahh. Matagal na kaseng tinitimpi ni ate ang pasensya niya don ehhh." Sabi ni Alex at umupo sa tabi ko.

" Ganun ba magalit ang kapatid mo?." Tanong ko pero umiling ito.

" Hindi po. Mas lala pag nagalit ang ate. Namumula po ang mata pag subrang galit na ito" sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

" Bata palang ang ate di na maganda ang pakikitungo non sakanya. Hanggang sa makatapak ng college si ate panay mura insulto at kong ano ano pa ang sinasabi nito kay ate. Nong naging police na si ate ay mas lumala ang mga nangyari kaya napilitan si ate na lumayo. Kahit ayaw ni mama nagkasakit pa nga non si mama pero kay ate parin ang sisi non. Tanging si mama lang ang kakampi ni ate sa lahat ng bagay. Alam kong nahihirapan si ate lalo na at Mama's girl yon di nakakatulog yon pag di tinatabihan ni mama hanggang sa tumanda si ate ganun siya. Nakakatulog lang yon sa gabi pag umiinum siya ng pampatulog na gamot. " Sabi nito kaya nakaramdam ako ng awa kay Abel kaya pala ganon nalang ang iyak nito.

" Bakit parang wala lang sayo ang mga nangyayari?." Tanong ko.

" Ayukong pinapakita na nahihirapan rin ako ate. Kase kung ikumpara koman ang sarili ko kay ate. Subra subrang nasasaktan si ate. Lalo na ngayon na ganito ang nangyari ayukong dumating sa punto na masisiraan ng bait ang kapatid ko. Kaya ayukong maging mahina dahil sa ngayon kailangan ako ng ate ko. Kailangan kong maging malakas para sakanya. Double ang sakit na nararamdaman niya ngayon lalo na po nong araw na pupunta sana siya Sayo " sabi nito kaya kunot noo ko itong tiningnan.

" Ang makakapagsabi lang nito sayo ate ay ang ate ko. Kong may gusto kang malaman sakanya mo nalant po itanong ayukong manghimasok sainyo. Pero mas ok po seguro na kong matapos muna ang libing ng mama dahil kong ngayon po. Di kapo makakalapit sakanya hanggat nandyan si ate Meg at Ate Deng." Sabi nito

" Bakit sino ba sila?." Tanong ko kase subrang close nilang tatlo.

" Mga pinsan po namin sila. At subrang close sila ni Ate. Nagkalayo lang sila nong kailangang pumonta ng manila silang dalawa para mag aral. Pag may problema si ate dito lumilipad sila pauwi para damayan ang ate at ganun rin si ate sakanila kahit nasa mission pa ito " sabi nito kaya napatango lang ako.

" Alex " tawag sa mula sa likod namin.

" Ate Deng " sabi nito.

" Hi " bati nito sakin kaya tinakpan ni Alex ang Mata nito.

" Ate Deng yang mata mo ahhh. Humanap ka ng sayo. Kay ate yan " sabi nito kaya napangiti ako.

" Ano ka ba Alex gusto ko lang magpakilala at alam ko namang sa ate mo yan. Yon pa ba?. Walang minutong di nag kwekwento yon " sabi nito kaya nahiya tuloy ako.

" Hey wag kang mahiya. Ganun talaga si Bebe. I'm Deng Robles pinsan ng poging si Abel " sabi nito at nilahad ang kamay niya kaya tinanggap ko ito.


" Jobel Santos and I'm a doctor" sabi ko ito.

" So ikaw pala ang naging doctor ni tita." Sabi nito kaya tumango ako.

" Yes " sabi ko at tumango lang ito.

" Maraming Salamat sa pag asikaso kay tita ahhh." Sabi nito kaya ngumiti ako.

" Wala yon. At isa pa trabaho ko rin naman yon" sabi ko at ngumiti ito.


" Siya nga pala Lex san nga pala damit ng ate mo?. Halos wala na akong makitang damit sa kwarto niya. Papalitan sana namin basang basa na siya ng pawis niya."sabi nito.

" Kumuha ka nalang don sakin ate. Pero wag mong guluhin mga gamit ko ahhh. Isasako talaga kita." Sabi nito kaya inirapan lang siya nito.

"Mas mabango parin gamit ng ate mo kesa sayo no. Sige na para mapatulog nanamin ang baby damulag mong ate. Alam mo naman yon masyadong nasanay kay tita kaya kailangan pa naming tabihan ni Meg ang ate mo. Bye doc " sabi nito at umalis napailing nalang si Alex sa ate Deng niya. Di naman ako nag tagal at umuwi narin ako. Don rin naman ang mga kaibigan ni Abel para tumulong sapag aasikaso sa burol ng mama nito. May trabaho pa kase ako. At baka sa libing nalang ako babalik ulit.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon