Jobel's Pov
Pababa na ako ng may narinig akong ingay sa baba kaya binilisan ko at naabutan kong yakap yakap ni Abel si Alex na umiiyak.
" Binastos nila ako" yan ang narinig kong sabi ni Alex at nakita ko ang pagbabago ng mga mukha nila lalo na si Abel.
" Anong ginawa sayo?. Sino??." Mahinahon pero nakakatakot na sabi ni Abel. Maski ako ay kinabahan sapag salita niya.
" Ikwento mo samin ang nangyari Alex " mahinahong sabi ni Mark pero nakakatakot ang mga mukha nila. Si Alex umiiyak lang at parang sanay na siya sa mga ito.
" Kanina nong pinuntahan kita sa bahay mo para sana ayain ka mamasyal kase nabobored ako sa bahay pero wala ka. Ang sabi sakin ni Bunoy umalis ka raw kahapon kasama si Ate kaya naisipan kong pumonta dito pero hinarangan nila ako. Mga nakainum sila at pinipilit nila akong samahan sila pero nagpumiglas ako. Tinulungan naman ako ni bunoy pero pinag initan lang siya ng mga ito nakawala ako sa mahigpit nilang pagkakahawak sakin at nilapitan si bunoy ng bigla akong hinila ng isa at pinalo ako sa pwet tsaka hinawakan ako sa dibdib ng lalaking yon " sabi nito na umiiyak nakaramdam naman ako ng awa sakanya. Nakita ko ang pagbabaga ng mga mata ni Abel at ganun rin sa mga kasama niyang tahimik lang.
" Sino ang walang hiyang yon " tanong nito.
" Di ko siya kilala ate. Malaki siya at mahaba ang buhok. Parang bago lang siya don satin " sabi nito ng biglang kumalas si Abel at pinunasan ang mga luha ni Alex.
" Ok. Ang ate na ang bahala. Dito ka na muna " sabi nito at tatalikod na sana ng pigilan siya nito.
" Sasama ako " sabi nito. Napabuntong hininga nalang si Abel at tumango.
" Ok. Pero sa kotse kalang maliwanag?." Tumango naman ito at napatingin sakin si Abel.
" Alis na mo na kami mahal ko." Sabi nito at lalabas na sana ng mag salita ako.
" Sasama ako " sabi ko at hinila na palabas si Alex at sumakay sa kotse ni Abel. Bago sila tuluyang umalis ay nakita kong naguusap mo na sila at tsaka pumasok si Abel.
" Seatbelt guys please " sabi nito at umandar na kami paalis.
Pagdating namin sa subdivision nila ay talagang makikita mo ang mga taong nakatambay malapit sa bahay nila. Pinark ni Abel ang kotse niya sa loob at agad na lumabas.
" Dito lang kayo " sabi nito na ma authority kaya wala na Kaming nagawa. Nakita naman namin na may kinuhang baseball bat si Abel sa may locker niya dito sa parking at lumabas sa takot ko na baka ano ang gawin niya ay sumunod kami.
Abel's Pov
Paglabas ko ay nakita kong nakahandusay na sila sa lapag. Kaya lumapit ako at umupo sa upuan.
" Alam niyo sa lahat ng ayaw ko ay yong binabangga ako." Sabi ko at hinihimas himas ang hawak ko.
" Bakit sino ka ba?." Sigaw nito.
" Ako?. Kapatid ko lang naman ang binastos niyo. Sa tagal ko ng naninirahan dito niisa wala pang bumangga sakin. Pero kayo na mga bagong salta lang dito kapatid ko pa ang napili niyo. Pano kaya kong basagin ko yang mga pagmumukha niyo?." Inis kong sabi pero tinawanan lang ako ng loko. Kaya tumawa narin ako at pinalo siya sa tyan ng hawak ko.
" Di ako nakikipag biruan sayo. Dito samin mapabata o matanda niririspito. Dumating lang kayo ginulo niyo na ang mga tahimik na naninirahan dito " sabi ko at kwenilyuhan siya. Ng mag sigawan ang mga tao na kanina papala nanunuod samin.
" Bigyan ng leksyon yan " sigaw nila.
" Tama. Wala silang pinipili kahit bata binabastos nila. Si bunoy malala ang tama dahil sa kanila " sigaw pa ng isa.
" Capt. Basagin na ang mukha ng mga yan " sigaw pa ng isa at kong ano ano pa. Nakita ko naman ang takot sa mga mukha nila.
" Maawa po kayo samin. Magbabago na po kami " sabi ng isa.
" Siya lang naman po ang nambastos sa kapatid niyo po. Wala po kaming kinalaman don. " Sabi pa ng isa.
" Opo. Siya lang po talaga. Maawa po kayo samin" sabi pa nong isa.
" Kahit patayin mo ko wala akong pakialam " sabi nito kaya uminit ang ulo ko kaya nasuntok ko ito at tinayo naman nila.
" Babasagin ko yang pagmumukha mong hayop ka"sabi ko dito at sinuntok siya. Napahiga naman ito at akmang susuntukin ko pa sana ng may yumakap sa likod ko kaya kumalma ako.
" Tama na please " sabi nito kaya nahimas masan ako. At don ko lang napagtanto na si Jobel pala ito.
" Ate ako naman." Sabi ni Alex at nakita kong sinuntok niya ang lalaking yon at nawalan ng malay.
" G*G* " sigaw nito kasabay ng sigawan ng mga tao.
" Lakas ng bunso namin. May papalit na kay The Great " sabi ni Carlos kaya nabatukan siya ng mga ito.
" Puro ka kalokohan " sabi ni Nicole pero nakita kong tahimik lang si Ej alam ko ang tumatakbo sa isip nito. Alam kong umiinit na ito at gustong patayin ang lalaking yon kaya nilapitan ko.
" Boi. Kalma ka na nawalan na nga ng malay sa suntok ni Alex ehhh. Kaya ikaw mag ingat ka at baka masuntok ka niyan at sa sementeryo ang bagsak mo." Biro ko dito na siyang ikinatawa nilang lahat.
" Tama si Boss. Kaya Ej ihanda mong mabuti ang sarili mo. Alam mo naman to brutal na amazona " sabi pa ni Nicole kaya lalo silang natawa.
Ng makapasok kami sa bahay ay siyang pagsalita ni Mark.
" Chill na kayo guys. Ampapangit niyo ehhh " sabi nito kaya binato siya ng lahat ng kong ano ano.
" Ok kalang?." Tanong ng katabi ko kaya tumango lang ako at tiningnan si Alex.
" Alex simula ngayong araw nato. Wag na wag kang lalabas na di kami ang kasama mo o kahit sino man samin maliwanag?. Ayuko ng maulit pa ang nangyari kanina at baka makapatay ako sa susunod kong maulit payon" sabi ko at tumango naman ito.
" Tama ang ate mo. Mabuti ng masigurado natin na ligtas ka. Kami narin ang bahala sa paghatid sundo sayo. Wag na wag kang aalis sa eskwelahan niyo kong wala kami maliwanag?." Sabi ni Mark at tanging tango lang ang natanggap namin na sagot mula sa kanya kaya napa buntong hininga nalang ako.