Chapter 6

92 5 0
                                    

Abel's Pov

Maaga akong umalis para maligo sa bahay at nag luto para samin sa hospital. Nakakasawa narin kase yong puro labas na pagkain. Naghahanda na akong umalis ng biglang tumawag sakin ang kapatid ko at umiiyak ito sa kabilang linya kaya kinabahan ako at agad na umalis. Iniisip ko nalang na sana mali ang nasa isip ko. Pagdating ko sa hospital ay halos takbuhin ko hanggang sa floor ni mama at pag bukas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ng yakap ni Alex na umiiyak. Maraming tao sa loob at nakita ko ang best friend ni Jobel don.

" Time of death 10:45 am " sabi nito kaya agad akong tumakbo ng akmang tatakpan nanila ng kumot ang nanay ko.

" HINDI. HINDI TO TOTOO MA. MA GUMISING KA PLEASE MAMA " sigaw ko at niyuyugyug si mama. Humahagulhol nanaman ako ng iyak ang kapatid ko umiiyak narin at yakap yakap ng mga kaibigan ko.

" MAMA NANGAKO KA EHHH. MAMA GUMISING KA PLEASE DI KO PO KAKAYANIN MA. PANU NA KAMI MA???. PANU NA AKO???. MAMA NAMAN EHH GUMISING KA PLEASE. MAMA GISING " wala na akong pakialam kong may mga tao dito sa loob niyakap ko nalang ang nanay ko at don ko nilabas lahat ng iyak ko.

" Ate iniwan na tayo ni mama " hagulhol ng kapatid ko ng yumakap ito sakin habang yakap yakap ko si mama.

" Boss kailangan na nilang kunin si tita " sabi ni Mark at sapilitang hinila ako paalis kay mama.

" HINDI. BITAWAN NIYO AKO. MAMA " sigaw ko sa loob nag wawala na ako para makawala sa pagkapit nila sakin. Lahat sila pinipigilan na ako kahit si Alex niyakap na ako pero ayuko ko. Ayukong mawala sakin ang mama ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at unti unting dumidilim ang paningin ko.

" Mama " tanging nasabi ko lang bago ako tuluyang mawalan ng malay.


Nagising ako sa haplos ng pamilyar na kamay sakin kaya agad ko itong nilingon at nakita ko ang nanay kong nakangiti sakin. Kaya agad akong bumangon at niyakap siya.

" Mama " umiiyak kong sabi.

" Anak tahan na " sabi nito at pinunasan ang mga luha ko.

" Anak kailangan mo na akong pakawalan " sabi nito pero umiling ako.

" Ayuko ma. Wag mo kaming iwan please. Wag ka ng umalis ma " sabi ko dito.

" Hindi pwedi anak. Tinatawag na ako ni lord oras ko na anak at kailangan mo na akong pakawalan. Di naman ako.mawawala sainyo ehh. Lagi lang akong nasa puso inyo at gagabayan ko kayo ng kapatid mo kahit saan man kayo mag punta. Di ako mawawala sa tabi niyo." Sabi nito kaya mas lalo akong umiyak.


" Alagaan niyo ang bawat isa. At lalo na si Doc Jobel mabait siya anak. Sa totoo lang alam kong nakukunsensya na siya ngayon pero nakiusap ako sakanya " sabi nito kaya naguguluhan ko itong tiningnan.

" Anong ibig niyo pong sabihin?." Sabi ko.

" Nakiusap akong wag sabihin sayo ang totoo. Nong una ayaw na ayaw niyang nagsisinungaling lalo na sayo. Pero pinilit ko siya na wag sabihin sayong may taning na ang buhay ko anak. Dalawang tumor ang nabuo sa utak ko bago ako maaksidente. Matagal na ito at palaki na ng palaki. Kaya habang may oras pa ako ay sinulit ko na ito na makasama kayo ng kapatid mo. Ng malaman niyang meron ako non ay huli na at wala ng pag asang makaka survive ako. Kaya nakiusap ako sakanya na wag sabihin sayo sainyo ng kapatid mo kase ayuko ng dumagdag sa pinoproblema niyo. Anak patawarin mo ako kong nagawa kong mag sinungaling sainyo at dinamay ko pa ang babaeng pinakamamahal mo. Patawarin mo ako anak." Sabi nito at talagang nagulat ako sa mga sinabi ni mama pero wala na akong nagawa at naiintindihan ko naman kong bakit kaya niyakap ko si mama ng mahigpit.

" Naiintindihan ko po ma. Kahit masakit po ito sakin. Pero kong di na po talaga kayo magpapapigil ay wala narin po akong magagawa. Ikamuzta niyo nalang po kami kina lolo pag nagkita kayo ma ahh. Ma mimiss ko po kayo " sabi ko dito at umiyak. Naramdaman ko namang niyakap ako ng mahigpit ni mama.

" Maraming salamat anak. Iyakap mo ako sakapatid mo ok?. " Tumango lang ako dito at bago pa siya mag laho ay hinalikan niya muna ako sa noo. Umiyak ng umiyak.

-
" BBBOOOSSSSSSS " Rinig kong sigaw kaya nagising ako at lahat sila nandon nakapalibot sakin kaya bumangon ako at niyakap ang kapatid ko.

" Ate nakahanda na po si mama." Sabi nito.

" Tara na " sabi ko at umalis na kami.

Nandito kaming lahat sa burol ng nanay ko. Nandito rin ang pamilya namin at ang mga malalapit na kaibigan ni mama. Nakaupo lang ako habang nakatingin sa kabaong ng nanay ko. Ng biglang may tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko ito at si Jobel pala kaya umupo ito sa tabi ko.

" Wag ka ng mag paliwanag dahil alam ko na ang totoo. Alam kong kinausapan ka ng mama ko na wag sabihin sakin ang totoo. Kong inaakala mong galit ako sayo ay nag kakamali ka. Naiintindihan ko kong bakit mo nagawa yon. At sabi nga ni mama pinilit kalang niya kahit ayaw mo." Inunahan ko na siya sa sasabihin niya dahil alam kong yon naman ang sasabihin nito.

" I'm sorry " sabi nito.

" Naiintindihan ko Jobel. Kaya wag ka ng mag sorry. Dahil kahit sino naman gagawin ang ginawa mo lalo na kong nanay na ito ng taong minsan ng naging kaibigan mo " sabi ko at tumingin ito sakin. Magsasalita pa sana ito ng may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sakin.


" Bebe " sabi nito kaya agad akong lumingon at ng makita ko kong sino ay agad akong tumayo at agad na lumapit sa kanila at niyakap ng subrang higpit. Don nanaman tumulo ang mga luha ko.

" Sige be iiyak mo lang lahat ng yan. Pero pagkatapos niyan ayaw nanaming may pumatak nanamang mga butil ng luha dyan sa mga mata mo. Alam naming masakit pero kailangan mong kayanin para sa sarili mo at sa kapatid mo. Maging matatag ka be. Ayaw ni tita na nagkakaganyan ka " sabi ni Meg isa sa mga ka close kong pinsan kasama nito si Deng na pinsan rin namin.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon