Chapter 12

71 3 0
                                    

Jobel's Pov

Subrang saya ko ngayon kase kami nani Abel. Malapit ng matapos ang rounds ko at pagkatapos non ay out kuna. Kanina pa walang text sakin si Abel seguro busy siya ngayon kase aalis sila bukas.

" BESSY" sigaw ng taong nasa likod ko at alam kong ang best friend ko ito kaya nilingon ko ito at ang lapad ng ngiti ng ngiti nito.

" Oh?. Anong ngiti yan ha?." Tanong ko dito.

" May nanliligaw na sakin ngayon " sabi nito.

" At sino naman yan ha?. Baka mamaya niyan kagaya lang siya ng ex mo ahh. Naku ipapabugbug ko talaga yan " sabi ko dito.

" Mabait siya bes promise. Hayaan mo soon pag naging kami na ipapakilala ko siya sayo kase ngayon busy sila ehhh" sabi nito kaya di nalang ako nag salita pa at nakinig nalang sa kwento nito. Kase kilala ko naman tong best friend ko. Muka lang addict pero alam niya kong ano ang pinapasok niya.

" O siya. Dito na ako at hihintayin ko pa si Abel " sabi ko dito. Kilala niya si Abel pero ang mga kaibigan nito hindi pa.

" Byee bessy HAHAHA enjoy" loko loko talaga tong babaeng to. Binuksan ko na ang pinto at nagulat ako sa naabutan ko. Si Abel lang naman at mukang sarap na sarap ang tulog nito. Dahan dahan ko namang sinara ang pinto at umupo sa harap nito.

" Ano bang ginawa mo mahal ko at mukang pagod na pagod ka " sabi ko at inayos ang buhok nito. Nagising naman ito.

" Ouch " daing nito at ng makita ako ay nanlaki ang mata niya.

" Love andito ka na pala. Kanina kapaba?." Tanong nito pero di ko siya pinansin at hinawa ang buhok na nasa mukha niya at nakita kong may sugat ito. Kunti lang naman kaya tinaasan ko siya ng kilay.

" Sorry naman po. Nauntog ako kanina don sa karenderya ni ate Baby ehhh. Di ko namalayan na may maliit na pako pala don kaya nasugatan ako " sabi nito kaya walang kibo akong tumayo at kinuha ang first aid kit.

" Sasusunod kase mag ingat mabuti nalang maliit lang yan." Sabi ko at naglagay ng alcohon pero ng akma ko itong ilapat sa sugat niya ay umatras ito.


" Bakit?." Tanong ko.

" Wag yan love " sabi nito.

" Laki laki mong tao sa alcohol takot ka halika dito at ng malinisan natin yan " Sabi ko at pikit mata ito habang nililinis ang sugat niya.


" Ayan tapos na para kang bakla kong makapag react" sabi ko at di naman ito nag salita. Tumayo ito at kinuha ang mga hawak ko.

" Halika may ipapakita ako sayo " sabi nito at kinuha lahat ng gamit ko tsaka kami umalis.

" San ba tayo pupunta??" Tanong ko dito pero di ito nag sasalita. Hanggang sa huminto kami at piniringan niya ako.

" Magtiwala kalang sakin mahal ko. Magugustohan mo rin to " sabi nito kaya tumahimik nalang ako at di na nagreklamo.

Umandar ulit ang sasakyan Hanggang sa huminto kami naramdaman ko nalang na inalalayan na ako nitong bumaba hanggang sa makarating kami ng hagdan.

" Tatanggalin ko na ahhh. Pero wag ka mo ng didilat ok?." Tumango lang ako sakanya at tinanggal nito ang pagkakapiring sakin. Pero gaya ng sabi niya at di ako nag dilat.

" Ok love. Pwedi ka ng dumilat ngayon " sabi nito kaya dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko blurred pa sa una pero nong naging clear na ay na surprise ako sa ginawa niya.

" Surprise " masayang sabi nito at napatakip ako ng baba sa mga nakikita ko. Napaka ganda as in subrang effort ng ginawa niya.

" Nagustohan mo ba?." Tanong nito.

" Subra. Thank you love " sabi ko at niyakap ito ng mahigpit.

" Para pala sayo mahal ko " sabay abot nito ng red roses na subrang favorite ko.

" Thank you love" sabi ko.

" Tara kain na tayo baka lumamig ang mga niloto ko para sayo lahat ng yan " sabi nito kaya umupo na kami at masayang kinain lahat ng mga hinanda niya. Kaya pala pagod na pagod ng maabutan ko kanina ito pala ang ginawa niya.

Pagkatapos naming kumain ay masayang enenjoy namin ang mga oras na natitira bago niya ako hinatid pauwi kase bukas pareho kaming magiging busy.


" Text mo ko pag nakauwi ka na ok?. Mag ingat ka at dahan dahan sapag mamaneho" sabi ko dito at sumaludo naman ito sakin.

" Yes ma'am. Sige na pumasok kana at aalis nako pag nakapasok ka na sa loob " sabi nito.

" Ingat ahhh " sabi ko pa at hinalikan niya ako sa noo bago ako pinagbuksan ng pinto ng bahay. Sinilip ko mo na siya sa bintana ng bahay at nakita kong nakangiti itong nakatingin sa bahay namin tsaka ito umalis.

" Anak andito ka na pala. Kasama mo ba si Abel?." Tanong ni papa. Kaya lumapit ako dito at nag mano.

" Opo. Kaso agad ring umalis kase may gagawin raw sila bukas " sabi ko at tumango ito.

" Ganun ba. Sige na magbihis ka na at mag pahinga maaga pa tayo bukas " Sabi nito kaya umakyat na ako sa taas at ginawa ang routine ko. Hihiga na sana ako ng mag vibrate ang phone ko.


From: Capt. Love

  I'm home love. Safe po akong nakauwi pahinga ka na po. Wag ka na pong mag reply segurado akong maaga kapa gigising bukas. Good night Baby I LOVE YOU 😘

Napangiti naman ako sa message nito kaya diko napigilang di mag reply sakanya.

To: Capt. Love

   Sorry matigas ulo ko ehh. Ikaw rin magpahinga ka na wag ng mag puyat ok?. Good night and I LOVE YOU TOO LOVE 😘

PS. WAG NG MAG REPLY HAHAHA.

Pagkatapos non ay tinabi ko na ang phone ko at natulog narin. Segurado akong maaga pa akong gigisingin bukas ni papa para sa gagawin namin. Buti nalang talaga at wala akong pasok bukas mabuti narin yon para kahit papano maibahagi ko rin sa iba ang mga natutunan ko kahit sa simpleng pamamaraan lang. Marami narin kaseng trahidya ang nangyayari dito sa bayan namin. Kong di naman nakawan sunog. Kaya seguro gusto ni papa na maturuan lahat ng mga tanod niya para handa sila kong sakali man.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon