Jobel's Pov
Panibagong araw panibagong sakit nanaman. Di ko alam kong kakayanin ko pang mag trabaho ng maayos sa kalagayan ko ngayon. Pero mabuti nalang at nandito ang best friend ko at ang mga kaibigan namin para alalayan ako.
" Bess lalim naman ng iniisip mo. Alam kong siya nanaman yan pero bess. Sa ngayon kailangan mo na nating mag focus iwan mo muna ang problema nayan sa labas. Baka nakakalimutan mong ang sabi mo " pag trabaho trabaho " diba?." Sabi nito kaya tumango ako.
" Ok mag trabaho na tayo " sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko ng biglang may ang si pasok.
" Oh??. Seryoso niyo naman masyado. Kumain na nga muna kayo " sabi ni Carlos at nilapag ang mga dala nila sa table ko.
" May trabaho pa kami. Mamaya nalang " sabi ko.
" Doctora lunch time na po. Mamaya pa duty niyo kaya kumain na mo na kayo " sabi ni Ej kaya napabuntong hininga nalang ako ng makita kong anong oras na.
" Kain na " sabi ni Mark.
" Ang mahuli walang sisihan HAHAH " mga walang hiya talaga.
Nagpapasalamat talaga ako na meron akong sila. Nasira man kami ni Abel may mga kaibigan naman siyang naiwan para sakin.
" Lutang nanaman ang bessy ko " napabalik ako sa ulirat ng tapikin ako ni Bessy.
" Ano iniisip mo doc?." Tanong ni Nicole.
" Wala " tanging sabi ko at kumuha ng pagkain ng mapansin kong napaka raming gravy.
" Pasensya na nasanay kase kami na laging marami yan. Kase merong mag rereklamo pag kinulang sa gravy "pag papaliwanag ni Ej.
" Ok lang yon. Wag ka ng mag explain " sabi ko at kumuha na. Naalala ko nanaman siya kahit saanong parte talaga di siya nawawala.
" Sige na pagkatapos nyan ay aalis rin kami. May duty pa kami mamaya." Sabi ni Mark kaya kumain nalang kami ng kumain.
-
Ilang araw na ang lumipas simula nong araw na umalis siya at hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Di naman madaling kalimutan eh. Lalo na at minahal ko siya ng subra at nasaktan rin ng subra. Pero alam kong dadating rin ang araw na magkikita pa.kami at sana di pa huli ang lahat." JJJJOOOBBBEEELLLL " nagulat ako sa pagsigaw nayon kaya napalingon ako sa mga kaibigan ko at tiningnan sila ng masama.
" Bat kayo nasigaw " inis kong sabi.
" Kase naman po kanina pa kami nag sasalita dito pero di manlang kayo nakikinig. Di naman sumasagot pag tinatanong. " Sabi ni Carlos.
" Ano?. Aalis paba tayo o hindi?." Inis na sabi ni Alex naiinip na seguro to.
" Tara na para makarating narin tayo ng mas maaga. Mahaba haba ang byahe at baka gabi narin tayo makakarating don " sabi ni Nicole kaya sumunod nalang ako sa kanila at nilagay na nila Mark ang mga gamit namin sa Van.
" Hoy Carlos sa harap ka. Salitan tayong magmaneho. Hayaan mo lang silang dyan sa likod para makapag pahinga. Ej ikaw naman mamayang alas 3 para di tayo mapagod at kayo naman girls magpahinga lang kayo dyan at kami ng bahala. " Sabi ni Mark kaya nag si tango nalang kami.
Magkatabi kami ni Alex sa upuan at ang sa kabilang side naman si Bessy at sa likod.naman namin si Ej ayaw niyang tumabi kay Bessy kase matutulog raw muna siya para mamaya tuloy tuloy ang byahe.
" Alex matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita mamaya Kong mag sstop over tayo " sabi ko dito at tumango ito. Medyo antok pa kase ito kase maaga siyang ginising ng mga kuya at ate niya.
Sa bahay narin ni Abel si Alex tumitira at salitan silan silang apat sapag babantay kay Alex don. Yong mga nambastos naman non kay Alex ay nalaman nalang namin naging tanod na nila don at sila ang kadalasang nag babantay kay Alex pag wala ang apat kung nasa mission ang mga ito. Para makabawi raw sa nagawa nila. Pinagkatiwalaan naman sila ng apat sa sinabi nilang babawi sila pero pag may ginawa silang mali ay alam na nila kong san sila pupulutin.
Pagkatapos kase silang bogbogin dati nina Abel ay tumanda na ito at natakot na sa susunod na mangyari sakanila kong sakaling uulit pa sila.
Minsan naririnig ko rin na naguusap sila pero ni na ako nagtanong pa. Kase alam kong magiiba lang ang mood niya. Pero kahit anong tanong nila kong nasan ito ay di niya sinasabi. Wala siyang sinasabi na kahit ano. Basta ok raw siya don at masaya. Nasasaktan parin ako kase napakalayo na niya sakin at na mimiss ko narin siya.
Tinitis ko nalang kase deserve ko naman yon. Pero sana kahit ilang saglit lang kahit limang minuto lang ay pakinggan naman niya ako. Kase nasasaktan rin ako ehhh. Kahit pagkatapos ng paliwanag ko ay kahit anong gusto niyang gawin hahayaan ko siya. Yon lang naman ang hinihiling ko ehhh. Ang pakinggan niya ako.
Pagkatapos ng mga pangyayaring yon ay siya ring pagbago ng lahat. Lalo na sakin. Di na ako kagaya ng dati na palatawa minsan nalang ako tatawa at kadalasan napaka seryoso. Isang tanong isang sagot lang ako ayuko na ng mahabang usapan. Kahit pamilya ko nag aalala na sakin nong una nagalit sila sakin pero nong enexplain ko sakanila ang mga nangyari ay naintindihan nila ako. Ang sabi lang nila sakin ay hayaan ko nalang mo na siya dahil nasaktan lang naman siya. Pano naman ako?. Nasaktan rin naman ako pero wala na akong magagawa deserve ko naman ang masaktan dahil sa nagawa ko.
Ngayon ay papunta kami ng resort nina Ej makapag relax relax daw mo na sa mga nakaka stress na araw at sa lahat ng mga nangyari. Ok narin yon para makahinga narin kahit papano. Makalimutan kahit saglit ang mga nangyari. Pero di parin mawawala sa isip ko ang isipin kong ok lang siya o kung ano ng ginagawa niya ngayon. Di ko mapigilang mag alala kase mahal na mahal ko siya. Subrang mahal na mahal.
Kong babalik man siya sana di pa huli ang lahat. Sana pakinggan na niya ako at kaya niya kong patawarin. Di ganun kadali pero sana. Sana lang talaga. Handa akong mag hintay ng matagal hanggang sa bumalik siya.
" Maghihintay ako sapag babalik mo mahal ko " tanging sabi ko bago ako tuluyang makatulog.