Abel's Pov
Halos 1month na ang nakalipas. Nasa bahay ko lang si mama at ayaw niya munang umuwi samin. Alam rin naman ng kapatid ko yon at halos isang buwan ko naring kinukulit si Doc Jobel HAHAHA. Yes, isa siyang doctor nalaman ko lang yon nong sinundo ko si Nicole sa hospital ewan ko don kung anong pinagagawa niya.
Ngayon nandito ako sa firing station namin kasama ang mga kaibigan ko. Mamaya pa naman ang pasok namin kaya dito na muna kami.
" Kamuzta naman boss yong pagsuyo mo kay doctora?." Tanong ni Ej
" Sinusungitan ka parin ba?." Tanong ni Nicole.
" Naku. Ang sabihin mo bat ka laging nasa hospital. Sino ang binabalik balikan mo don?." Balik kong tanong dito kaya natahimik ito bigla.
" Huli pero di kulong HAHAHA " Sabi ng mga kaibigan ko kaya nagtawanan kami pero si Nicole tahimik lang at sinimulan ng pumotok HAHAHA.
" Una na ako. May pupuntahan pa ako ehh " sabi ko at tumango lang sila alam naman na nila kong san ako pupunta ehh HAHAHA.
Bago ako dumiretso ng hospital ay dumaan mo na ako para bumili ng bulaklak. Kong di niyo naitatanog ay lihim ko itong nililigawan kase nahulog nayong loob ko sakanya in short mahal ko si Doc kahit ubod ng sungit yon.
Pagdating ko sa hospital ay agad akong pumonta sa office nito. Di na ako kumatok kase sanay naman na itong bigla bigla akong pumapasok. Pero pag bukas ko ay naabutan ko itong nakikipag tawanan sa kapwa nito doctor nakaramdam ako ng selos pero di ko pinahalata.
" It looks like you have a visitor doc " sabi nito at nakangiting tumingin pa kay Jobel.
" See you nalang later. Wait muko dito mamaya at susunduin kita. Ok?." Sabi nito at umalis na.
" Hi doc " sabi ko at ngumiti ng pilit.
" Ginagawa mo dito?. Talagang di ka marunong kumatok ahhh." Inis na sabi nito.
" Flowers for you " sabay abot ko ng red roses kase favorite niya yon pero di manlang niya nagawang abutin tiningnan lang niya ito.
" Umalis ka na " sungit talaga.
" Ayuko. Wag kang sasama don mamaya ahhh " sabi ko at umupo nakita ko namang tumaas ang kilay nito.
" At bakit?. Sino ka para sabihan ako?." Sabi nito kaya another sakit nanaman po. Natahimik nalang ako sa sinabi nito.
" W-wala. Sige alis na ako. Pasensya na sa abala" sabi ko at tumayo na. Ayuko na subrang sakit na ehhh.
" Ano namang kadramhan yan Abel?." Sabi nito sa tagal kong pabalik balik dito ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko.
" Wala. Alis na ako para naman makapag ready ka na sa lakad niyo mamaya " sabi ko at aalis na sana ng hawakan ako nito sa braso at h ok hinarap sakanya .
" Ano bang problema mo Abel?. " Sabi nito pero di ako sumagot. Tahimik lang ako.
" Yan kong tinatanong ka di ka sumasagot tas bigla bigla kang aalis." Inis na sabi nito.
" Alam mo kong ano ang problema sayo Jobel?. Napaka manhid mo. Di mo nga alam na nililigawan kita ng palihim dahil sa mahal kita tinitiis ko lahat ng kasungitan mo sakin pero subra na." Sabi ko dito at di ko siya hinintay na sumagot pa at tuluyan ng lumabas. Kong kailangan kong makipag sabayan sa lalaking yon gagawin ko.
Jobel's Pov
2weeks na ang lumipas simula nong araw nayon. At hanggang ngayon wala akong nakitang ni anino ni Abel. Nakakamiss yong mga ka bwesitan at pangungulit niya. Habang patagal ng patagal parang kinakain ko na ang sinabi ko non na di ako maiinlove sakanya. Pero ewan ko ba di pa ako sure kase baka na mimiss ko lang yong pangungulit niya.
" CALLING THE ATTENTION OF DOC SANTOS PLEASE PROCEED TO EMERGENCY ROOM." rinig kong pagtawag sakin kaya agad na akong tumayo at pumasok sa loob ng emergency room.
" Anong nangyari?." Tanong ko sa mga nurse ng makapasok ako.
" Sabi sa nag sugod sakanya dito Nabagok daw ang ulo doc " sabi nito kaya agad ko ng ginawa ang dapat kong gawin bilang isang doctor.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin kami at hinihintay nalang namin ang kamag anak ng patient. Dinala na sa private room ito at inaasikaso ng mga nurse ang higaan nito ng biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko.
" Ma?. Ano bang nangyari?." Tarantang sabi nito ng humarap ito sakin ay mas lalo kong ikinagulat.
" Abel " tanging sabi ko.
" Doc anong nangyari?." Puno ng pag alala ang mga mata nito.
" Nag karoon siya ng intracranial hemorrhage bleeding between the brain tissue and skull or within the brain tissue itself – can cause brain damage and be life-threatening. Some symptoms include headache; nausea and vomiting; or sudden tingling, weakness, numbness or paralysis of face, arm or leg." sabi ko
" Ano ang mga possible cause nito doc?." Sabi pa nito.
" There are many causes, including trauma, rupture of a bulging blood vessel (aneurysm), poorly connected arteries and veins from birth, high blood pressure, and tumors. Diseases can cause spontaneous leakage of blood into the brain. A head trauma can result in multiple severe intracerebral hematomas." Nakatingin lang ito sa mama niya habang sinasabi ko ang mga yon.
" May chance pang gagaling ang mama ko diba?." Tanong nito.
" We found that hemorrhagic stroke is associated with a very high risk for death in the acute and subacute phase. The survival rate after hemorrhagic stroke was 26.7% within a period of five years. " sabi ko at parang nanlumo ito sa kanyang narinig.
" 26.7% . Doc gawin niyo lahat ng magagawa niyo. Iligtas niyo lang ang mama ko " sabi nito at hinawakan ang kamay ng nanay niya.
" Mama si Abel po to. Magpalakas ka po ahhh. Nandito lang ako. Wag niyo kong iwan ma please. Di kopo kakayanin kaya please mama magpalakas ka po." Sabi nito at nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nito. Kaya tumalikod na ako at umalis. Nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang nakikita ko ang mga yon.
Unabot ng gabi at palagi akong naka check sa mama ni Abel. Di basta basta ang case nito kaya kailangan itong icheck. Naabutan kong natutulog si Abel sa gilid ng mama nito at hawak hawak ang kamay. Naka uniform pa ito at halatang galing ito sa trabaho.