Chapter 22

53 2 0
                                    

Abel's Pov

As usual kagaya ng dati. Nakakulong nanaman ako sa apat na sulok ng kwarto ko. Nakasanayan ko na itong gawin tubing araw ng kapanganakan ko. Wala naman akong gagawin bukod sa matulog hanggang sa matapos ang araw nato. Nag lagay narin ako ng Warning don sa labas ng pinto ko dahil alam kong manggugulo nanaman ang mga kaibigan ko kagaya ng lagi nilang ginagawa. Matutulog na sana ako ng may marinig akong sigawan sa labas.

" BBOOSSSS LUMABAS KA DYAN MAY KAILANGAN KANG MALAMAN "sigaw sa labas pero di ko ito pinansin at baka pakulo lang to ng mga to.

" BOSS BUKSAN MO TO "

" EMERGENCY BOSS "

" BOSS "  Yan ang mga sigawan sa labas di ko naman sila pinapansin hanggang sa tumigil na sila. Mabuti naman kase matutulog na ako.

" BOSS SI DOC NAHIMATAY DAW SA GYM HABANG TUMUTURO NG FIRST AID SA KA BARANGAY NILA SABI NI TITO " sigaw nila kaya napabalikwas ako at nahulog sa kama ko. Agad naman akong bumaba at binuksan ang pinto.

" Anong sabi niyo?." Tanong ko sa kanila.

" Kaya kami nandito para dahil sinabi samin ni tito na sunduin ka. Nahimatay si Doc kanina habang tumuturo sa barangay kaya tara na at baka napano na siya." Sabi ni Carlos kaya nag madali akong sumunod sa kanila at nag drive na si Mark.


" Mark wala na bang mas mabilis dyan?." Di na kase ako mapakali at nag aalala na ako binilisan naman ni Mark ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa harap mismo ng gym.

" Mauna ka na sa loob at kailangan ko pang ipark to. Mas kailangan ka nila sa loob " sabi ni Mark kaya nag madali na akong tumakbo papasok pero subrang dilim kaya nag sisigaw na ako.

" JOBEL NASAN KA??." sigaw ko pero walang nag salita.

" LOVE SUMAGOT KA. ANDYAN KA BA?." sigaw ko ulit hanggang sa bumukas ang mga ilaw kaya napapikit ako sa liwanag na tumama sa mata ko.

" SURPRISE HAPPY BIRTHDAY " sigawan nila nong naging clear na ang lahat sa paningin ko ay natigilan ako.

" Happy birthday mahal ko " sabi nito at niyakap ako. Napaiyak naman ako sa mga nakita ko.


" Ginawa mo lahat ng to?." Tanong ko sakanya.


" Kaming lahat. Pinagtulongan naming gawin ito para sayo. Pero hindi lang kami lang kasabwat dahil meron pa." Sabi nito at lumabas ang tatlong tao sa isang gilid at yon ay ang ama ko at ang dalawang kapatid ko. Lumapit naman sakin si LA at Alex.

" Happy birthday ate " sabi ni Alex at niyakap ako.

" Happy birthday bro " sabi ni LA sunod na lumapit naman sakin ay si papa.

" Anak. Happy birthday" sabi nito kaya niyakap ko siya ng mahigpit kasabay non ang pag agos ng mga luha ko.

" I'm sorry pa " sabi ko at naramdaman ko naman ang pag hagod nito sa likod ko.

" Wala kang kasalanan anak. " Sabi nito at bumitaw sa pagkakayakap ko sakanya.

" Ako ang may kasalanan sayo. Magsimula tayo ulit anak?." Sabi nito kaya tumango ako at niyakap siya sa pangalawang pagkakataon.

" SIMULAN NA ANG KASIYAHAN " sigawan nila kaya tinulak nanila ako sa gitna. Niyakap ko naman ang magulang ni Jobel at nakipag fist bomb sa mga kaibigan kong baliw.

" Magandang gabi po sa lahat na nandito specially sa mga magulang ng ating lovebirds." Sabi ni Carlos at nag tawanan naman ang lahat.

" Kami po mo ng apat ang magiging host niyo for tonight kase bukas di niyo na makikita ang mga pagmumukha naming to" sabi pa niya kaya mas lalong natawa ang lahat.

" Boss, buddy, parekoy, Captain De Leon ang leader ng grupong Task Force Squad. Ang leader naming bossy mainitin ang ulo. Laging seryoso laging galit pero nakahanap rin ng katapat at yon ay si Doc. Pagpasensyahan mo na kong masyado naming ginalingan kanina kase kong di ka namin pwepwersahin aabutan kami ng umaga kakasigaw don sa labas ng bahay mo. Or may mas worst pa na baka tuluyan na Kaming mawalan ng boses sa kakasigaw namin don. Kaya ginamit nanamin si Doc para palabasin ka." Sabi ni Mark.

" Alam niyo po kase. Ang boss naming to subrang takot nito sa sikat ng araw tuwing birthday niya. Kaya mabuti nalang talaga at matalino si Jobel para maisip ang bagay nato na subrang agree din kami kase para naman mabago ang routine ni boss pagdating ng kaarawan niya." Sabi pa ni Ej.

" Mamaya na ang drama at baka umiyak ang pasaway naming boss " sabi ni Nicole kaya binatukan siya ng tatlo.

" Simulan nanatin to ng makakain na " sabi ni Carlos kaya natawa nlang kami ng paghahampasin at batukan siya ng mga kaibigan niya.

Nagsimula na ang kasiyahan nag blow narin si Abel ng candle niya at nag kanya kanyang wosh narin para sakanya. Sina mama papa at mga ka barangay namin na nag mamahal sakanya. Sumunod naman nito ay ang papa niya.

" Happy birthday anak. Ayuko na ng kong ano anong drama pa kase masaya na ako na napatawad mo ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sainyo. Pero salamat kase kahit ganun nalang kalaki ang kasalanan ko sainyo ay binigyan mo parin ako ng isa pang pagkakataon para maging ama sainyo ng kapatid mo. Wala na akong hihilingin pa kundi ang bigyan ka pa ng panginoon ng mas mahaba pang buhay at lagi ka niyang gabayan sa lahat ng mga pagsubok mo sa buhay. At maging masaya ka anak " sabi nito at niyakap si Abel sumunod naman si LA.

" Ano ba dapat?. Ate?. HAHA o sige bro nalang para mas cool. Alam kong sa una nating pagkita ay naging pangit yon dahil sa alam mo na HAHAHA pero wag kang mag alala kong ano yong napagusapan natin yon nayon. Sana makilala pa kita ng lubusan at makapag bonding rin kasama ang isa pa nating kapatid na subrang kulit. Mahal na mahal kita bro be happy and enjoy your day Happy Happy Birthday " sabi nito at niyakap rin si Abel pero binatukan lang ito ni Abel.

" Magandang gabi po salahat. Di ko alam kong anong sasabihin ko kase hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na napalabas niyo ang nagiisang Abel De Leon sa lungga niya na walang sino man ang makakapag palabas sakanya simula noon. Kahit takutin pa ng pamalo o susunugin ang pinto niya ay di parin siya lalabas. Kaya mga kuys aamin na ako. Believe na ako sainyo." Sabi nito kaya naghiyawan naman ang apat. Mga baliw talaga.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon