Barbie
Habang naglalakad kami ni Mara papuntang room, iniisip ko pa rin yung locker ko. Paano nangyaring nabuksan nila yun?
Paano nangyaring naisagawa nila yun in a minute?
Dati binasa nila yung mga gamit ko. They even put a rat. Ganun na ba talaga kalaki ang inggit nila sa 'kin?
Pagdating namin sa room, as usual, magulo. May nakaupo sa mga tables. Kanya-kanyang grupo. Soundtrip dito. Tawanan don. Kwentuhan dito. Picture-picture don.
And as usual, all eyes on ME.
Tumahimik sila ng ilang seconds bago sila nagsimulang magbulung-bulungan ulit.
"Oh gosh! Dumating na pala ang linta."
"Biglang uminit. Naman! May BITCH kase."
"Ayan na pala ang kakambal ni Medusa!"
Bulung-bulungang rinig ko naman!
Hinila na ako ni Mara sa table namin. "Hayaan mo na lang sila, or else, gusto mo silang iinform," she whispered.
"No. Ayokong malaman nila."
"I respect your decision."
"Guys did you know Eldie? Yung panget?" tanong nung mukhang siopao na classmate namin.
"Hahahaha! Of course! Faaaaamous kaya yun dito sa school!" sagot naman nung mukhang kikiam.
"Porke vocalist ng isang banda pinatulan na. Sabagay, ikaw nga naman kantahan niya sa harap ng madaming tao, 'di ka ba naman kikiligin?" sabi nung mukhang fishball na isa pa.
"Pero ako masusuka ako nun eh!" sagot nung nasa likod na hindi na 'ko nag-abalang tignan pa kung sino.
Nathalie, Gillian, Lyca, Kylie, Lianna, Jessa, Mikka and Mia. They are the MEAN GIRLS. That's what they call themselves.
Kala mo naman kung sinong mayayaman!
Nagtatawanan lang sila except sa mga lalaki naming mga kaklase na nakikinig lang sa mga sinasabi nila. Kapag tumitingin ako sa pwesto nila, umiiwas sila.
"Kawawa naman si Barbie, pinagtutulungan na naman," narinig kong sabi ni Michael.
"'Wag nalang tayong makialam pare. Usapang babae 'yan eh," si Lloyd.
"Pero kahit na, naaawa rin ako sa kanya," si Francois.
This is bvllshit! Eto ang ayoko sa lahat, kinakaawaan ako! Napakuyom nalang ako sa galit.
"See oh, namumula na siya. Ang hirap naman pala 'pag masyado kang maputi. Halatang-halata 'pag naiinis kana." - Lianna
"Mukha siyang kamatis. Sooo gross." - Mikka
"Hahahahaha!"
Tangna, anong oras na ba? Ba't ang tagal naman ng teacher namin? Baka hindi na 'ko makapagpigil at tuhugin ko na ang mga 'to!
"'Wag mo nalang silang pansinin," si Mara ulit yan.
"Lagi nalang bang ganito?"
"Sorry best. I just don't know what to do."
Niyakap niya nalang ako. Ganyan yan pag sobra na 'kong naiinis. Yayakapin nalang niya 'ko. Minsan, nagtatampo ako kasi bakit ganun, bakit hindi niya ko magawang maipagtanggol. Pasalamat siya, malambing siya.
"Fine. Okay. I'll just calm myself like you always tell me."
"Thank you," mahina niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Fiksi RemajaShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...