"And once again, the day is saved. Thanks to the power puff girls!"
Napamulat ako. Nakatulog na pala kami ni Lola dito sa sala. Nakakumot din kami. Kinumutan siguro kami ni Mommy Suzy.
Napatingin ako sa orasan. Alas singko y media na pala ng hapon. Ang tagal kong tulog!
Hinalikan ko nalang si Lola sa noo saka na 'ko nagpaalam sa mga kasambahay. Binilinan ko na din si Mommy Suzy na sabihin nalang kay Lola na umalis na 'ko.
"Sigurado ka bang kaya mo iha? Bakit kasi hindi ka nalang dito magpalipas ng gabi?"
Nginitian ko lang ito, "Next time po, promise. Marami pa po kasi akong kailangang gawin eh."
"O siya, sige na. Mag-iingat ka ha. Medyo madilim na sa dadaanan mo."
"Opo," saka na ko sumakay sa kotse ko. Kumaway pa 'ko sakanila bago ako tuluyang makalabas ng gate.
Ano ba 'yan. Hindi rin nalutas yung problema ko. Nagbonding lang kami ni Lola eh!
Pero di bale na, sa mga ilang araw ko nalang siguro iisipin yun. Hindi rin naman ako makakapagconcentrate.
Kailangan ko lang sigurong magrelax para makapag-isip ng maayos.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Teen FictionShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...