Monster 23

13 0 0
                                        

Barbie

"Nasan na ba yung cellphone ko? Bakit wala dito sa bag ko?!"

Para akong ewan na tanong ko sa sarili ko. E sa hindi ko mahanap!

Teka....

*isip isip*

Ang huling ginawa ko ay ang kumain ng carbonara... gamit ang tinidor... pinunasan ko ng tissue ang aking bibig... at.... at.... at... mali eh!

Hay! Hayaan na nga, pagod na 'kong mag-isip. Mayaman naman ako eh! Bibili nalang ulit ako ng bago. Tsaka meron pa naman yung iPad ko e.

Nagligpit na ako ng mga gamit ko at tinanggal sa pagkakabun ang aking buhok.

Pagod na pagod ako at medyo masakit din ang aking katawan. Nasaan na ba si Ma'am? Kailangan ko ng magpaalam at may susunod pa akong klase.

Naligo na ako and fixed myself. Nasa harap ako ng malaking salamin dito sa locker room nang makaramdam akong parang hindi lang ako yung nandito sa loob. Dali-dali kong pinunasan ang aking mukha at nagkabit ng contact lenses.

Pero may tao talaga eh...

"Sinong nandyan?", marahan kong tanong.

Nagbihis akong mabilis at kahit hindi pa nakakapagsuklay, lumabas na ako. Nakakaasar ha. Sirang-sira na naman ang beauty ko!

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway habang nagpupunas ng buhok. Pano hindi ako nakapagliptint! Ang pale-pale ko!

"Barbie, nakita mo na ba yung nasa social media?" tanong nung kaklase ko ata sa isang subject yun.

"Wala naman akong pakialam kung ano yun," sagot ko naman saka ko siya nilampasan.

"Maldita," bulong nito pero rinig naman.

Ano ba? Pagod ako, at kapag pagod ako, masama ang araw ko.

"Miss Santos! Bakit ganyan ang footwear mo? Don't you have shoes?" tanong ni Sir pagkaupo ko mismo sa pwesto ko.

"My toes ache, Sir, because of the rigid ballet training I had awhile ago," sagot ko naman.

Tumango na lamang ito at nagsimula na siya sa klase. Pinagtitinginan pa ng mga kaklase ko yung paa ko. Parang patay raw. Hay, mga maisyosa talaga!

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon