Monster 8

64 2 0
                                    

Halos mabilaukan si Lola sa sinabi ko. "Ano kamo iha?! Buntis ka?!"

Nalintikan! Nagbibiro lang naman ako eh.

"Joke lang, 'la. Di ka na mabiro," sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

Napanatag naman siya, "Naku kang bata ka! Papatayin mo 'ko sa kaba!"

Napapangiti nalang ako. Bigla kong nakita sa aura niya kanina si Lola Angelina eh, yung kakambal niya.

"'La, kumusta na kaya si Lola Angelina?"

"Yung demonyita kong kakambal? Bakit apo?"

"Wala lang po. Bigla ko lang po siyang namiss."

"Hayaan mo apo. One of these years, dadalawin natin siya."

Napaubo naman ako sa sinabi niya, "One of these years talaga?!"

"Joke lang naman, apo. Di ka na mabiro," sabi niya. Ginaya niya 'ko!

"Hay naku, ayoko lang kasing nakikita ang sarili ko. Kung bakit naman kasi magkamukhang-magkamukha kami?!"

Natatawa nalang ako. Yung itsura kasi niya parang bata. Kung makapagmaktol, daig pa ang hindi nabigyan ng kendi. 

"'La, may pinagkaiba naman kayo 'no! Ugali. Napakastrikta at sungit kasi nung si Lola Angelina. Dun ata nagmana si Mommy eh!"

"Pano kasi'y nung pinagbubuntis ko ang Mommy mo, lagi kong inaasar 'tong si Lola Angelina mo. Wala lang, ang sarap niya kasing pagtripan at pikunin. Lagi ko rin siyang nilalait at gustung-gusto ko siyang inuutusan nun lalo na nung kabuwanan ko. Nasasarapan kasi akong makinig sa mga reklamo niya," mahaba niyang sabi saka kami nagtawanan.

Naku, kay Lola pala ako nagmana ng pagiging mapangtrip, mapangpikon at mapanglait!

"Heto ang paboritong mango shake ng pinakamagandang Senyorita!" sabi naman ni Mommy Suzy sabay hain nito sakin.

"Salamat po Mommy Suzy," sabi ko naman.

Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni Lola na magmovie marathon sa sala. Ang pinanood namin ay Power Puff Girls.

Seriously?!

Si Mommy Suzy daw yung pink ang buhok na may ribbon.

Ako naman daw yung yellow na medyo curly ang hair sa baba. Si Bubbles ba yun?

At siya naman si Buttercup. Yung kulay green. Boyish daw kasi 'tong si Lola nung kabataan niya.

Napapailing nalang ako na natatawa.

Para kaming mga bata.

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon