Monster 14

64 2 0
                                        

Barbie

Maaga akong pumasok kinabukasan. Wala lang, trip ko lang. Tuwing naaalala ko yung kagabi, kinikilig pa rin talaga 'ko.

Not kinikilig na inlove. Kundi kinikilig na mayaman!

"Ah Barbie, hatid na kita," sabi ni Michael. Nandito kami ngayon sa harap ng gate nila.

"No need. Dala ko naman ang kotse ko," sagot ko pero deep inside, nagulat  ako. Bigla kasi siyang naging mabait eh.

"Ganun ba? Umm, edi pagdadrive kita tapos magcocommute nalang ako pauwi."

"Ehem! Narinig ko ata yon," singit ni Mara. Hindi siguro alam ng kuya niya na sumunod ito samin. Napapatawa nalang ako sa hitsura niya. Sobrang pula na ng mukha niya!

"Hoy Marang panget! Wala kang narinig! Subukan mong sabihin 'to kina Tatay, makakatikim ka sakin!" mahinang saad nito.

"Oo na po," sabi naman ni Mara sabay ngiti ng malapad. Abnay talaga 'to.

"Ahm. Uwi na 'ko ha. Thanks for the dinner!" sabi ko saka na pumasok sa kotse ko.

Kinawayan naman nila 'ko.

"Ingat ka Barbie ha. Mamahalin pa kita!" sigaw... sigaw ni Michael!

Waaaah! Mukha tuloy akong tangang nagdadrive kagabi. Pangiti-ngiti.

Aaminin ko, nagustuhan ko siya nung una ko palang siyang makita. Gusto lang naman 'di ba?

Wala namang masama?

At hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako. Nakakaloka lang? May continuation pa pala.

"Babe!"

Tawag kung saan. Hindi naman ako lumilingon kasi wala akong natatandaang may nagtatawag sakin ng Babe.

"Uy, babe! Tingin dito."

Hindi pa rin ako lumilingon. Ang bingi naman ng babae, kanina pa tinatawag, hindi man lang lumilingon.

"Babe! Barbie!"

Tuluyan na 'kong napatingin. Si Eldie pala, kasama ng mga kabandmates niya. Nandun sila sa may stage ng Mini Park. Hawak-hawak niya yung mic.

Teka, kami pala? Kami ng super ugly guy na 'to?

How do I say super ugly?

He has pimples all over his face. Halos wala na ngang space for the new one eh. Good news for him, right? Hindi na siya tutubuan.

Hindi rin ganun katangos ang ilong niya, pero mahilig siyang magsuot ng glasses. Alam niyo na, rockista eh.

Medyo red lips siya, pero masagwang tignan kasi he has black skin.

Curly hair, at ang attractive lang sakanya, his eyes. Pag tinitigan mo kasi, parang lagi siyang sincere sayo.

He's that ugly, but if you will just hear his voice, it's like you're listening to Jason Mraz. Yeah, magkaboses sila. Nakakaintriga 'di ba?

Pero yung lalong nakakaintriga ay yung kami pala? Bat di ko yata maalala?

Well, I don't care anyway. Dahil on this day, I'm going to break up with him.

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon