Monster 2

146 3 0
                                    

Mitos

"Girls, I have a plan."

Narinig kong sabi ni Mikka sa mga kasama niya. Hindi naman sa tsismoso ako pero sinadya kong lumapit ng kaunti sakanila at nagkunwaring kinabit ko yung headset ko pero wala namang nagpeplay na music.

"Last time, binasa natin yung mga gamit ng locker niya pero parang hindi man lang siya nainis. Second time, naglagay tayo ng daga pero parang wala pa rin," simula ni monkey girl 1.

"Alam ko na," si monkey girl 2.

Then nagbulungan na naman sila. Langya, di ko marinig. Parang nagsesenyasan lang sila. Ang gagaling eh.

"Ayos ba?" tanong ni monkey girl 3 na nangingiti-ngiti.

"GO GO GO!"

At yun, sabay-sabay na silang umalis. Nagtatawanan pa. Agad ko namang kinalkal yung wallet ko para kunin dun yung duplicate key ng locker ni Barbie. Opo, meron po ako. Simula palang, hiniram ko na yung locker key niya sa principal's office para mapagawan ko ng duplicate. Kung tinatanong niyo man po kung anong klaseng pagmamakaawa ang ginawa ko sa principal's office ay kayo na po ang bahala.

Hinintay ko munang makabalik sila. Ang galing lang dahil in five minutes, mukhang naisagawa na nila yung plano nila. Sabagay, class hours ngayon pero wala kaming teacher. Review lang kasi ng mga lessons ang ginagawa every Sunday.

Pasimple akong lumabas at agad na tumakbo papunta sa girls' locker room. Walang tao. Bubuksan ko na sana yung lock nang biglang...

"Hey, anong ginagawa mo sa locker ko? At bakit ka nandito?"

Napahinto ako. Nagulat. Kaagad kong hinila yung susi at saka ako humarap ng nakabulsa ang mga kamay. Syempre, ayokong malaman niyang may duplicate key ako ng locker niya.

"Mitos?"

"Ah ehh... so-sorry... g-gusto... gusto ko lang...ahhh... gusto ko lang namang..."

"Tabi nga."

Inis nyang sabi saka niya ko tinulak...

Nakakabakla man pakinggan pero OUCH.

Pagbukas niya nung locker niya, napatakip siya ng bibig niya.

Puro vandal yung loob. Malandi. Epal. Mang-aagaw. Papansin. Feelingera.. at kung anu-ano pa yung mga nakasulat. Then, yung mga pictures niya inedit din nila at nilagyan ng mga malalaswang salita. May white T-shirt din dun na may stains ng red ink na may nakasulat na, I AM BITCH. WANNA HAVE A NICE SEX WITH ME?

Parami na ng parami yung mga student sa girls' locker room. ALL staring at her and sa locker niya.

"WHAT?!" sigaw niya.

Natakot ata yung mga babae kaya lumabas na sila.

Pababa na rin ako ng hagdan ng marinig kong sabi niyang...

"Do I need to report this to Mommy?"

Napahinto ako sa pagbaba. Anong report this to Mommy? May Mommy siya dito sa school?

"You should."

"Pero maeexpel sila."

"Masyado ka ng mabait. Pano sila matututo?"

Dahil parang papalapit na yung boses, binilisan ko na ang hakbang ko pababa.

Pero parang nakita pa rin nila 'ko...

"Tingin mo narinig niya yung usapan natin Mara?"

"Hindi naman siguro."

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon