Monster 11

81 2 0
                                        

I took a quick shower and nagsuot lang ng simpleng outfit. Jeans and fitted pink blouse nga lang.

Dumaan nalang din ako sa mall para makabili ng gifts para sa parents niya, pati na rin konting paghanda. Parang bahagi na din kasi ako ng pamilya nila 'pag andun ako eh.

Pinabalot ko nalang din yung mga regalo sa cashier. Medyo madami pero sino bang may sabing may awa ako?

Hindi naman ito nagreklamo. Aba subukan niya lang. Kaya-kaya ko siyang patalsikin dito.

Alam niyo naman ako, mayaman!

"Bilis-bilisan mo naman ang kilos mo! Ang bagal!" maktol ko.

"Ang dami naman po kasi nit-"

"Sumasagot ka?"

Napatungo lang ito saka na pinagpatuloy ang pagbabalot. Panay ang tingin ko sa relo ko, malapit ng mag 6:30. Sabihin pang 7:30 ang dinner. Meron nalang akong isang oras.

Binaba ko ang bag ko sa cashier's table. E sa nabibigatan ako eh!

Amang kukunin ko na ang wallet ko sa bag nang...

"Ano ba 'yan?! Ang tagal naman!"

"Oo nga! Sino ba kasi yang babaeng 'yan?! Kung makapag-utos, parang anak ng presidente!"

"Kawawa naman yung cashier. Natsempuhan ng kamalasan!"

Rinig na rinig ng dalawang tenga ko ang bulungan mula sa likod. Alam kong mahaba na ang pila but I don't care! Nilingon ko ang mga ito.

"Do you know that it is rude to speak on someone's back especially when she actually hears it?" mataray kong tanong. Nagulat naman silang tatlo.

"In-english tayo bakla. Ikaw ang sumagot!" bulong nung babae sa baklang kasama nila.

"Shunga! Si Loida ang sabihan mo!" bulong ni bakla.

"Sabihin mo kay Loida!" bulong nito pabalik saka ito siniko.

"What?! Are you just going to whisper in one another's ears while I'm watching you?!"

"Don't english-english us! We knows we did the whisper-whispering and... and you don't care!" sagot nung si Loida daw.

[Translate: 'Wag mo kaming ini-ingles jan! Alam naming nagbubulungan kami at...at wala ka ng pakialam don!]

"Yes! You is here on Pilipins so... you... you speak Tagalog!"

[Translate: Oo nga! Nandito ka sa Pilipinas kaya dapat magsalita ka... ka sa Tagalog!]

"There are korek! Mind your own biznezz too!"

[Translate: Tama sila! Mag-isip ka rin ng sarili mong pagkakaabalahan!"]

Pagkatapos nilang maglitanya ay napatawa nalang ako. Grabe, dudugo na ata ang ilong ko sa mga 'to!

"Hey, why you is laughs?!"

"Tanga bakla, why you is laughing yun!"

Sa narinig kong 'yun, lalo pa 'kong natawa. Yung mga tao, halos nagpipigil na din ng tawa.

"Ang alam ko mga bakla, what is you laughs about yun eh!"

Hindi ko na napigilan at napahagalpak na talaga 'ko. Shet, ang sakit ng panga ko sa tatlong 'to!

"Can you get my hankie inside my bag?" utos ko sa cashier.

Inabot naman niya sakin ito saka ako nagpunas ng luha ko. Grabe, napaluha ako kakatawa sa tatlong 'to!

"Sabi ko sayo mali ka eh! Why you is laughs yun!"

"Makinig kayo sakin! Alam kong ako yung tama!"

"Hay, bahala kayo! Ako 'tong best in English satin nung elementary kaya dapat sakin kayo maniwala!"

Naririnig kong pinagtatalunan nila. Napapailing nalang ako. Tang ina, Best in English daw yung si Loida? Nakakatawa.

Tinalikuran ko nalang sila.

"Heto na po, Miss... ahmmm.. what's your name po?"

"I am Barbie, mayaman," sabi ko. Ayokong sabihin ang true name ko. Masyado kasing kontrobersyal!

"Heto na po, Miss Barbie," naiinis niyang sabi. Teka, bat siya naiinis?

"Come again? May reklamo ka ba? Bakit parang naiinis ka?"

"Wala po," nagpipigil niyang sabi.

"Anyway, I just want to say something. Next time darling, bawas-bawasan mo ang kolorete mo sa mukha and be careful in mixing colors. Look at your face, you look like a coloring book na pinaglaruan ng mga bata," sabi ko lang saka siya inirapan.

"And you," turo ko dun sa lalaking kasama niya. "Get these in my car. Now!" saka na 'ko umalis.

Sumunod naman kaagad yung lalaking tinuro ko. Kung magbuhat parang hindi kumain. Imposible namang nabibigatan siya sa mga pinamili ko.

He looks familiar pero hindi ko alam kung saan kami nagkita. Well, gwapo siya. Bakat din ang abs sa uniporme niyang suot kaya ko siya napagtripan.

"San ko po 'to ilalagay Ma'am?" tanong niya.

"Ilagay mo sa sikmura mo. Baka sakaling mabusog ka!" Gwapo nga, bobo naman! "Malamang sa likod!"

Pumasok na 'ko sa kotse. Tumango lang siya saka na nilagay ang mga pinamili ko sa likod.

"Okay na po, Ma'am," sabi nito at ngumiti pa sakin sa side mirror.

Hindi ko na siya pinansin. Kumuha nalang ako sa wallet ko ng 1000 saka hinagis yun sa bintana ng kotse ko.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Pinaharurot ko na kaagad yung kotse paalis.

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon