"Sa wakas, dumating din ang babaita! Sabi mo in a minute pero umabot ka ng hour!" salubong sakin ni Mara. Naabutan ko 'tong nasa labas ng gate ng bahay nila.
"Sorry, natagalan. Ang bobobo kasi ng mga tao sa mall eh!"
"Sus, ano na namang pinamili mo? Nagpangkabuhayan showcase ka na naman ba?"
"Konting panghanda lang tapos gifts," sabi ko sabay bitbit ng mga ito. "Tulungan mo 'ko. Meron pa dun," nguso ko sa likod ng kotse.
Sabay naming binitbit ang mga ito sa loob.
"Ano ba 'yan Barbs! Ano ba 'tong pinagbibili mo at ang bibigat?"
"Wag ka na ngang mareklamo dyan! Tara na sa loob!"
Sinalubong naman ako ni Mommy Martha ng yakap. Nagmano naman ako kay Tito.
"Salamat naman at nakarating ka ng maayos, iha," sabi niya.
"Si Barbie pa Nay. Alam niyo namang amazona pa yan sa lahat ng amazona!" sabat ni Mara.
"Tulungan ko na kayo," sabi naman ni Tito.
Nagsimula na nilang lutuin yung mga pinamili ko. Gusto ko sanang tumulong pero pinalayas ako ni Mara sa kusina.
Inabutan niya 'ko ng salad saka pinapunta sa sala. Manuod nalang daw muna ako ng TV.
"The ever glamorous 'Madam of the Year' will reveal her secret on how to stay young, beautiful and rich. Let's all welcome, Madam Bella Santos-Guevarra!" sabi ni Kris Aquino sa A&A Tonight. Nagpalakpakan naman ang mga tao nung lumabas siya. Sosyal, may escort pa talaga!
Natulala naman ako. Ang sarili ko palang ina ang guest nila ngayon.
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. 'I miss you, Mom!' sabi ng isip ko.
"Good evening everyone. Thank you for inviting me here!" nakangiti niyang sabi.
"It's our pleasure, Madam," sabi naman ni Kris.
"So Madam Bella, ano nga ba ang mga sikreto niyo? Maaari po ba kayong magshare?" tanong naman ni Boy Abunda.
"Hoy, tulala ka dyan! Ano ba yang pinapanuod mo?" tanong ni Mara. Hindi ko siya pinapansin. Basta tutok ang mga mata ko sa TV.
"Kaya naman pala. Ang ina niya pala ang guest..."
"Wag kang maingay," sabi ko sakanya.
"Okay, dyan ka lang ha. Wag kang iiyak!" asar niya bago umalis sa harap ko. Binato ko nga ng unan.
"Aray naman, Barbs!" sabi niya habang hawak ang batok. "Yan ba ang gusto mo? Sige, pagbibigyan kita!" saka niya binitawan yung sandok na hawak niya.
"Pillow fiiiiight!"
Saka kami nagbatuhan ng unan. Ang saya lang?
"Hetong sayo!" sabi ni Mara saka binato yung hawak niyang unan sa mukha ko.
"Heto pa!" sabi niya ulit. Sadista rin 'tong best friend ko eh!
"Oh, ako naman! Kame hame wave!" sugod ko at tinapal sa mukha niya yung pinakamalaking unan.
"Heto pang isa! Hiyah!" sabi ko ulit.
Gantihan lang kami. Para kaming mga ewan.
"At eto ang final wave! Matitikman mooooo~"
Then bumukas yung pinto...
Yung pagkahagis ko nung unan...
Yung pagkagulat ni Mara ng makita kung sino yun...
Yung paglaki ng mga mata ko...
Parang nagslow mo- lahat.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Teen FictionShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...