Monster 20

35 2 0
                                        

Barbie

"Beeeeest!" salubong sakin ni Mara ng makita niya 'ko sa cafeteria. Bruhang 'to! Para namang isang taon kaming hindi nagkita.

"Hoy ikaw? Saan ka nanggaling?" tutok ko ng tinidor sakanya pagkaupong-pagkaupo niya. "Hindi kita makontak ah!" nguso ko sa cellphone kong nakapatong sa mesa.

Nagtaas naman ito ng dalawang kamay. Parang yung huhuliin? Baliw talaga.

"Oops! Hinatid ko kasi si Kuya sa trabaho. Alam mo na, minsan lang umuwi sa isang buwan kaya ayun, drama-drama konti," simula niya. "At kilala mo naman si Nanay kapag nagbilin. Nobela," dagdag pa niya.

Tumango lang ako saka sinubo ang carbonara ko.

Kailan naman kaya ang balik ni Michael?

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Sa 8 ang balik ni Kuya Michael. Punta ka ah," nakakaloka nitong ngiti. "Ingat ka Barbie ha. Mamahalin pa kita! Ayieee!" tukso pa niya.

"Mag-order ka na nga! Bwisit!" irap ko. E sa kailangan kong itago ang kilig eh. Mahirap na. Baka isipin pa nyang patay na patay ako sa Kuya niya.

Binelatan lang ako ni Mara bago tumayo. Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na. May practice pala 'ko ngayon ng ballet.

"Abnay! May practice pala kami! Una na 'ko!" sigaw ko sakanya.

Mukhang hindi niya 'ko narinig. Ang dami kasing tao dito sa canteen eh. Pero kasi kailangan ko na talagang umalis.

Pinunasan ko na ng tissue ang bibig ko saka na lumabas ng cafeteria.

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon