Monster 32

9 0 0
                                        

Mitos

Filipino time na nang makabalik si Barbie sa classroom.

Blanko pa rin ang expression ng mukha nya, pero pag tinitigan mo ang kanyang mga mata, tila waring nangungusap at nangungulila.

"Good afternoon po. Sorry for being late, Sir. Miss Sara just talked to me in her office awhile ago po," she said, bago tuluyang pumasok sa klase.

Tumango lang naman si Sir Myke bago nagpatuloy sa discussion.

"Napakadaming simbolo ng nobelang ito ni Rizal, class. Kung babasahing mabuti at susuriin ang bawat pangungusap, ay lalo nyong maaappreciate at maiintindihan ang galit, poot at hinanakit ng manunulat. Since patapos na tayo sa kwento, sino sa inyo ang gustong magbahagi ng kanyang kritisismo o repleksyon ukol sa nobela?"

Tahimik ang klase, waring nag-iisip kung ano nga ba ang repleksyon namin sa nobelang El Filibusterismo ni Rizal.

Pero siya, si Barbie, confidently raised her hand.

Nagkataon nga lang na sabay kaming nagtaas.

"Yes, Mr. Mitos?"

Tumayo naman akong marahan. Nahihiya man, ay buong kumpyansa kong sinabing:

"Sa aking palagay Sir, ang 'El Filibusterismo' ay isang makapangyarihang akdang nagsisilbing babala sa mga Pilipino tungkol sa mga masalimuot na epekto ng pakikibaka para sa kalayaan. Makikita dito ang malupit na katotohanan na minsan, ang paghihiganti at pagkamuhi ay nagdudulot lamang ng mas malaking gulo at paghihirap. Nakakalungkot isipin na kahit ang mga mabubuting hangarin ay minsang nauuwi sa mas madilim na landas kapag hindi tama ang paraan ng paglaban. Sa aking repleksyon, natutunan ko na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa puso at isipan, hindi lamang sa galit o poot, kundi sa pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa at pag-unawa sa isa't isa."

Tahimik ang klase, pero kitang-kita ang pagninilay-nilay nila sa sagot ko habang nagsasalita.

Napailing si Sir, sabay sabing, "Magaling, Mitos. Talagang nakikita mo ang mas malalim na mensahe ng nobela. May iba pa ba sa inyo na gustong magbahagi ng kanilang opinyon o repleksyon ukol sa 'El Filibusterismo'?"

Muling tahimik ang klase, hanggang si Barbie naman ang tumayo.

"Sa aking palagay, ang nobelang ito ay isang paalala na hindi pwede ang magbulag-bulagan sa katiwalian at paghihigpit ng mga makapangyarihan. Sa kabila ng mga kabiguan at paghihirap na dinanas ng mga Pilipino noon, nananatili pa rin ang pag-asa na balang araw ay makakamtan din natin ang tunay na kalayaan. Nais ko pong ipunto na kahit sa kasalukuyan, maraming mga kabataan ang nakakaranas ng ganitong pakikibaka—hindi man sa armadong paraan, kundi sa pamamagitan ng edukasyon, pagpapahayag, at pagkilos para sa tama. Mahalaga na huwag tayong magpabaya sa ating responsibilidad bilang kabataan upang makamit natin ang pagbabago na ating minimithi."

Tila natahimik ang klase sa malalim na pag-iisip, na may mga mata na nakatuon kay Barbie, nagpapahiwatig na may mga aral pa ring makukuha sa mga akdang tulad nito, kahit sa kasalukuyan.

Kaagad na napangiti si Sir Myke. Marahil mas nagustuhan nya sa pandinig ang sinagot ni Barbie.

"Mahusay, Barbie. Parehas na maganda ang inyong sagot ni Mitos. Ngayon naman, para sa inyong performance task ay gagawa kayo ng dula-dulaan. Makikipag-coordinate ako sa inyong ibang guro para maging integrated nalang ating performance tasks. Magtulong-tulong kayong magkakaklase at nawa ay walang bangayang magaganap. Maaasahan ko ba kayo tungkol dito?"

"Opo, Sir."

"Mabuti naman. Ang deadline ay sa huling linggo ng Marso. Mayroon pa kayong isang buwan para makapagpractice. May mga iba pa bang katanungan?"

"Wala na po, Sir."

"Okay. Kung wala ng ibang tanong, paalam na."

Tumayo naman ang buong klase at sabay-sabay na sinabing:

"Paalam po, Ginoong Myke Quizon."

"Paalam," ani Sir saka na lumabas ng klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon