Monster 19

31 2 0
                                    

Mitos

"Grabe si Eldie no? Effort kung effort?"

"Oo nga girl! Kahit na ugly siya, still, hindi siya nahihiyang mag-express ng feelings niya."

"Pero napanganga naman ako kay Barbie. Talaga yung babae yung 'no? Bago pumayag sa invitation ni Eldie, nag-iwan pa ng malupit na lines!"

"Tama. Himala at tumagal sila ni Eldie."

Naririnig kong usapan ng mga babaeng nakatambay sa isang classroom. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng marinig kong pumayag daw si Barbie na makadate si Eldie.

At ano yung tungkol sa malupit na lines na yun? Cheesy ba? Nakakakilig ba?

Talaga bang seryoso si Barbie don?

Tahimik akong tao pero sa ganitong sitwasyon, sumasabog ako. Nakakapagselos lang.

Mahal na mahal ko si Barbie eh!

Bakit ganun?! Bakit hindi ko man lang magawang tanungin siya ng ganun?!

Andito ako ngayon sa CR. Napapasabunot nalang ako sa buhok ko. Neird na nga, torpe pa! paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.

"Oh pre, anong problema? Bakit mo inuuntog yang ulo mo sa pader?"

Narinig kong tanong ng isang lalaki bago pumasok sa cubicle. Hindi ko siya pinansin. Wala 'ko sa mood makipag-usap.

"Baliw ka ata eh! Dyan ka na nga!" sabi pa nito pagkatapos niyang umihi.

Nababaliw ako kay Barbie! Hindi ko alam kung bakit ganito?!

Totoo pala yung sinabi ni Anya, yung classmate kong t-boom. 'Ang taong tahimik, masama kung magselos.'

Napapailing nalang ako. Lalabas nalang ako para malaman ang tunay na kwento.


Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon