Third Person
Bumaba na 'kong 5th floor. Naabutan ko pa ngang nakatulala yung si Mitos sa hallway. Marahil e may hang over pa sa nabalitaan niya kay Barbie at Eldie.
Halata naman kasing gusto niya si Barbie dahil nakita kong tinititigan niya ang picture nitong nasa wallet niya.
'Hindi lang pala ako ang broken hearted,' bulong ng isip ko.
Medyo mainit ang ulo ko ngayon dahil bukod sa nakita kong eksena sa Mini Park, ang daming naglalampungan sa mga hagdan ng building.
Nakakairita! E sa bitter ako ngayon eh!
Nagpunta nalang akong cafeteria at doon, nakita ko ang malanding si Barbie na kumakain ng carbonara.
Ang arte talaga!
Linapitan ko naman siya bago umorder. Plastikang usapan lang ang naganap.
Paglingon ko sa pwesto niya, wala na siya.
Nakita ko ang cellphone niyang nakapatong sa mesa. Naiwan niya siguro.
Pasimple kong kinuha 'to at nangalkal ng mga pwede kong magamit tungkol sakanya.
Nagpasa ako ng mga pictures niya. Habang sinesend ko 'to sakin, may nagtext.
From: 0926*******
Hi babe! Dinner tonight, okay? Don't forget! I love you very much :* - Eldie
Napahawak akong mariin sa cellphone niya. Gusto ko itong ihagis pero pinigilan ko ang sarili ko.
Binura ko nalang kaagad yung message saka na kumain.
Bwisit!
![](https://img.wattpad.com/cover/37357162-288-k161831.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Ficção AdolescenteShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...