Mara
* Booogssh! *
Ayun, at tuluyan na ngang naglanding ang unan sa mukha ni Kuya Michael.
"Ang ganda naman ng bungad niyo sakin. Halatang pinaghandaan," sabi niya.
"IKAW?!" sigaw ni Barbie.
Napatingin naman si Kuya sakanya. Halatang nagulat din.
"Ginagawa mo dito? Mara, kilala mo ba 'to?!"
Mabagal akong tumango. Magkakilala sila?
"Bakit?" tanong ko.
"E yan yung nasa mall kanina eh! Oh, eto, 1000 mo!" sabi niya sabay hagis nung pera kay Barbie. "Ginawa mo pa 'kong mukhang pera!"
Napatingin naman ako kay Barbie.
Barbie
"Hoy lalaking kung kumilos parang gutom! Wala akong sinabing mukha kang pera! Tip 'yon! Tanga!" sabi ko, pero sapat na para marinig niya.
"Tsk! Parehas lang 'yon!"
"Okay. Kung ayaw mong tanggapin, edi 'wag!" sabay bulsa ko ng pera. Bwisit!
"Mara, palayasin mo na nga 'tong babaeng 'to!" duro niya sakin.
Duro niya sakin?! Tang ina! Kahit kailan wala pang nangduro sakin!
"Don't you dare to point your finger at me!" sabi kong binend pataas yung finger niya. Napasigaw naman siya sa sakit.
"Aray! Aray! Bwisit kang babae ka!" sigaw nito.
"Anong nangyayari dito?!" si Mommy Martha. Si Mara, ayun, palihim na pumuntang kusina. Pinandilatan ko nga pero binelatan lang ako. Takot niya nalang madamay!
"Yang babaeng 'yan! Palayasin niyo dito 'yan!" sigaw niya.
"At bakit naman, aber? Inimbitahan ko nga siya dito eh! Isa pa, sakanya galing ang mga handa."
"E kahit na Nay! Nageskandalo nga kanina sa mall yan eh!"
"Excuse me?! Trabaho kaya ng cashier ang magbalot ng gifts! At ikaw, anong trabaho mo don? 'Di ba kargador? Pinakarga ko lang naman sayo ang mga pinamili ko ah!" depensa ko. Totoo naman! Mabait pa nga 'ko at binigyan ko siya ng tip!
"E yun naman pala anak eh. Isa pa, matagal ng nagpupunta dito 'yang si Barbie. Ngayon mo lang ba siya nakita?"
Tumango naman ito. "Alam niyo namang stay in ako Tay, at minsan lang umuwi,"
"O siya, sige na. Tara na sa kusina, at kakain na tayo," sabi ni Tatay Mike.
Sumunod naman kaming dalawa.
"Ikaw kasi," sabi niya sabay siko sakin. Aba't!
"Anong ako, ikaw!" siko ko pabalik.
"Ikaw,"
"Ikaw,"
"Ikaw kaya,"
"Ikaw nga,"
"Ikaw,"
"Ikaw,"
Hanggang makarating kami sa kusina, nagsisikuan at nagbubulungan kami ng 'Ikaw.' Nakakaloka din 'tong kuya ni Mara, isip bata.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Teen FictionShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...