Pagdating ko sa mansyon ay kaagad kong dinial ang numero ni Mara.
"Hello best?" sagot niya.
"Mara, pwede ka ba ngayon?"
"Ahmm. Ewan ko. Nagluluto kasi ako ng hapunan eh."
"Ha? O sige."
"Bakit? May problema ka ba? Aray, walangyang mantika 'to tumatalon!"
Natatawa nalang ako dito kay Mara. Kahit na busy siya sa pagluluto, nagawa pa nitong sagutin ang tawag ko.
"Busy ka ata?"
"Mara, anak, sino yang kausap mo?" naririnig kong tanong ng Mama niya.
"Si Barbie po, Nay!"
"Naku, papuntahin mo dito. Si Barbie pala iyan!"
"Hindi naman masyado. Nga pala, anniversary nila Nanay. At the same time, debut ni Kuya. Gus-"
"Wait, you have a brother?"
"Oo. Uuwi siya ngayon dito. Stay in kasi sa trabaho yun at minsan lang umuwi. Gusto mo bang magdinner nalang dito? I'm sure hindi ka pa kumakain."
"How do you know?"
"E kasi naman po. Linggo ngayon. Day off ng mga katulong niyo. Siguradong aasa ka na naman sa mga delivery dyan!"
Tama siya. Sa araw-araw ba namang dinadala ko siya dito sa bahay. Katuwang ko kasi yan 'pag may assignments at projects sa school. O di kaya'y pag may problema ako.
"Sige. I'll be there in a minute!" sabi ko then I hang up.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Teen FictionShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...