Monster 15

38 3 0
                                    

[A/N: Pabitin effect muna! Next chapter ang serenade scene. ♥]

Eldie

Maaga akong pumasok kasi sabi kahapon, magpeperform daw kami ngayon. Kami pala ang pambungad ng program.

Excited na 'ko. Magdamag kong prinaktis yung kakantahin ko ngayon. Syempre, para kay Barbie eh...

Nabalitaan ko nga rin pala yung nangyaring eskandalo sa hallway. Anak pala siya ni Madam Bella? Yung pinakasikat at pinakamayaman na personalidad dito sa Pilipinas.

Dahilan kaya maraming manunuod ngayon dahil gusto nila siyang makita at makipagfriends.

Ganyan naman sa highschool 'di ba?

At eto na nga... nakikita ko na siya. Mukhang papunta na siya sa room niya. Nalimutan niya sigurong walang klase ngayon.

Ilang beses ko siya tinatawag, pero hindi siya lumilingon. Kinakantsawan na nga 'ko ng mga kabanda ko. Nakalimot na daw ata siya.

At sabihin pang ang dami ng mga students na nanunuod samin. Lalo tuloy akong kinabahan.

Hindi pa rin ako sumuko. Tinawag ko pa rin siya...

Sa pangalan niya...

Lumingon naman ito. Yun nga lang, walang ekspresyon ang maganda niyang mukha.

"I just want to dedicate this song to you... so please listen..." sabi ko sabay strum ng hawak kong guitar.

At dun ulit, sinariwa ko ang lahat...

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon