Monster 22

85 3 4
                                        

Eldie

Ilang beses ko ng tinatawagan si Barbie pero hindi niya sinasagot. Bakit kaya?

May nahanap na kaya siyang kapalit ko?

Sinubukan kong tawagan siya ulit. Nagriring naman ito, pero wala eh. Ayaw niya talagang sagutin...

Hanggang sa wala na talaga akong marinig...

Lowbat na siguro siya...

May date kami ngayon.

Oo, para sakin DATE yun kahit na ba para sakanya, isa lang yun na dinner. Tinext ko naman siya kaya imposibleng nakalimutan niya. Nilagyan ko na nga ng pangalan ko yung dulo ng message ko e para iwas 'Who are you?'

Alam ko naman kasing hindi nakasave ang number ko sa cellphone niya...

Aminado naman akong napilitan lang siyang sagutin ako.

Aminado naman akong ayaw niya lang akong mapahiya sa harap ng maraming tao.

Aminado naman akong kahit kailan, hindi niya 'ko magagawang mahalin.

Oo, alam kong nagmumukha na 'kong tanga sa inyo. Pero anong magagawa ko?

Mahal ko siya eh. Mahal na mahal!

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas, masabi ko lang sakanya 'tong nararamdaman ko.

Nang una ko siyang makita, bigla na 'kong nakaramdam ng malakas na kabog ng puso.

Sino nga ba namang hindi magkakagusto sa isang Barbara Guevarra?

Animo'y dyosa sa paningin, pantasya ng mga kalalakihan, kinaiinggitan ng mga kababaihan. Bonus nalang yung sobrang yaman nila.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung tatapusin niya na ang one week palang na relasyon namin.

Hindi naman kasi ako kagwapuhan. Hindi rin nila 'ko kasingyaman.

Sinindian ko na ang kandila na nasa harap ko. Kakain nalang siguro ako mag-isa.

Happy Valentine's Day to myself.

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon