Monster 7

81 2 0
                                    

"Apo!" salubong sakin ni Lola nang makita niya 'ko. Kaagad naman niyang binitawan ang hawak niyang magazine saka ako niyakap ng mahigpit.

"I miss you, 'la," sabi ko.

"I miss you, too, apo. How's your day? Kumain ka na ba?"

Umiling ako. Hindi pa nga pala ako naglulunch.

Mababanaag sa mukha niyang nag-aalala siya, "Why? May problema ba tayo?"

Ngumiti lang akong mapait. Nagtungo kaming kusina at nagpahanda siya kay Mommy Suzy ng pagkain. Sinaluhan na rin ako ni Lola.

"Mommy Suzy, you forgot something... special," nagtatampo kong sabi ng akmang aalis na siya.

Napaisip naman ito saglit saka ngumiti, "Oo nga pala, ang paborito mong mango shake."

Tumango lang ako saka niya na 'ko pinanggawa.

"May dapat ba tayong pag-usapan, apo?"

Tumango lang ako. Alam kong siya lang ang makakasagot ng problema ko.

"La..."

"Ano yun apo?

"La, kasi po..."

"Kasi...?"

"Buntis po ako."

Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon