Chapter 37- Flashback

4.8K 94 7
                                    

Ate Den/Dens na lang yung itawag sakin huwag Ate Author haha..

Spread my story malapit na siya matapos ^_^
join kau
Reader's page: fb.com/chocodenstories
--
*2 YEARS AGO*

Napamulat ako nang may naramdaman akong humahawak sa hita ko.

"Doc, she's awake" narinig kong sabi ng babae sa tabi ko

"Oh miss sorry if nagising ka dont worry nililinis ko lang yung dugo mo sa hita"

Nanlake an mga mata ko,naalala ko pala yung nangyare.  Ang baby ko??

"Doc ang b-baby ko??"

"Dont worry the baby is fine, malakas ang kapit niya "

Napaluha ako..  hinawakan ko yung tiyan ko , buhay ang baby ko thank u thank u Lord.

"Miss You should rest first habang nililinis pa namin to" utos ni Doktora pero di ako sumunod

"Doc may pabor ako,please wag niyo pong sabihin sa kamag-anak ko na buhay ang bata"

Nagulat si Doc sa sinabi kong pabor pati na rin yung mga tao na narito sa loob nagulat din.

"Miss hindi pwede samin yan"sagot niya

"Please Doc huwag niyo po sabihin please,may pinagdadaanan po ako..pag nalaman ng papa ko na buhay ang bata sasaktan niya ako " pagmamakaawa ko..

"Sinasaktan ka? Pwede ipademanda yan tatay mo iha"

"Kahit saktan niya ako di ko po kayang gawin sa kanya yun, naiintindihan ko naman po kung bakit niya po ginagawa yun.. Please doc parang awa mo na wag mong sabihin sa kanila" patuloy ko pa rin pagmamakaawa sa kanila.

Tumango sila . nagpasalamat naman ako

"Ahh doc last favor,pwedeng makahiram ng cellphone importante lang please sorry po kung makulit ako"

Natawa na lang sakin si Doc.

"Hey Shiela pahiramin mo siya ng cellphone" sinunod naman niya ito..

Tinawagan ko agad si Elmo
"Hello Elmo, si Lea to please pumunta ka sa bahay kunin mo sa kwarto yung envelope dalhin mo dito sa hospital"

"ANO?? NASA HOSPITAL KA?! ANONG NANGYARE? KAMU--"

"OA mo ah basta bilisan mo dalhin mo na dito mamaya ko na sasabhin kung anong nangyare " pagkatapos nun binaba ko agad yung telepono

"O Miss pahinga na matatapos na to" sabi ni Doc..

Sinunod ko na siya baka magalit pa kasi..

*END OF FLASHBACK*

After 2 days nun nakalabas na ako ng hospital

Tinulungan ako nila Elmo at Krissy kunin ung mga gamit ko dun sa bahay.  Kelangan ko kasi lumipat hindi ko pa kaya na harapin sila Papa at Klein..

Tsaka plano ko na rin hanapin ang tunay kong magulang nun.

Ang nakasulat dito taga Bulacan  daw sila. Tsaka may picture dito kaya siguro madali na lang sila hanapin.

Napaisip isip ko bakit ako napunta kela Papa? Pano ginawa ng totoong magulang ko sakin to.

Nung 5 months na ang tiyan ko doon ko nahanap ang mga magulang ko..

Nung nakita ko sila di ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko.

Paliwanag nila , iniwan nila ako sa harap ng gate nila Papa.  Ginawa nila un dahil sa sobrang hirap ng buhay hindi nila kayang ibigay ang mga kailangan ko.

 Oo nagalit ako sa kanila bakit pa nila ako nilabas kung itatapon din naman ako.

Ang totoo nun mahal na mahal nila ako.  Dumadalaw pala sila samin pero sa labas lang sila. Ayaw nila lumapit dahil nakikita na nila na masaya ako sa piling nila Papa, pero para sakin Hindi na ako masaya..

Humingi sila ng tawad sakin, pero hindi ko ito tinatanggap.

Gusto ko muna maintindihan lahat. Hindi biro ang nangyare sakin. Paunti unti ko silang patatawarin

Hanggang sa manganak ako sila ang nasa tabi ko, sila ang nag-alaga sakin parang bumabawi sila.. pero laking pasalamat ko sa kanila dahil kung wala sila hindi ko alam ang gagawin ko... At doon..

Doon ko tinanggap kapatawaran nila..
---

TW: chocoden14
FB: Denice Tiozon

Baby Dens~

Im Inlove with my Brother (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon