Lea's POV
"OMG Lea! Do you see what I see?" manghang tanong ni Fiona ang bagong waitress dito sa resto.
"Huh? anong what I see ka jan?" takang tanong ko. May tinuro siya dun sa Entrance. at nanlaki ang mga mata ko. Holy shit bakit nandito siya? Paano niya nalaman na nandito ako??
At isa pa, kumindat pa siya sakin! Sinamaan ko siya ng tingin.
"O sya sis kunin ko muna yung order ni Pogi babush" maarteng sabi niya
Pumunta nga siya kay Klein. Oo tama ang basa niyo. Andito siya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng mga orders .
"Ms. Lea waitress" napalingon ako sa tumawag sakin. Walang iba kundi si Klein . lumapit sakin so Fiona
"Naku girl gusto niya daw ikaw ang kumuha ng order niya taray haba ng hair" sabay tawa niya atsaka umalis.
Sinamaan ko ng tingin si Klein . Bakit ako pa ang gusto niya kumuha ng order niya !
PSH.. Wala akong magagawa kundi lumapit na lang .
"What's your order?" Mataray Kong tanong
"Agad-agad? Wala man lang bati? Ganyan ba ang ugali mo sa mga costumers ?" Aniya. Habang nakangiti ng nakakaloko.
Sinamaan ko siya ng tingin " Anong ginagawa mo at nandito ka? " inis kong tanong.
"Ano ba ginagawa dito diba kumakain? " mapang asar niyang sabi.
"Arghh! Magandang tanghali Sir, What's your order? " sarcastic kong tanong.
"Ganyan dapat. May I take you?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Aalis na sana ako ng magsalita ulit siya.
"Joke.. 2 orders of menudo with rice and 2 iced tea" sinulat ko yung orders niya. Nagtaka naman ako bakit dalawamh orders kung nag -iisa lang siya. Nagkibit balikat na lang ako atsaka umalis at inasikaso ang orders niya..
"Ito na po Sir ang order niyo" nilapag ko yung pagkain atsaka aalis na sana nang magsalita siya.
"Lea samahan mo ko dito kumain" sabi niya. Nagtaka ako. Ako sasamahan siya
"Bakit kita sasamahan aber?"
"Huwag kang mag-alala nagpaalam ako sa amo mo pumayag siya tamang-tama daw oras naman ng break time mo."
Hayss wala na akong magawa kaya sumunod na ako.
"Kain na diba paborito mo yan? Natatandaan mo dati pinagluto kita niyan" masayang sabi niya.
"Hindi ko maalala" nagsimula na akong kumain. Hindi yun totoo na hindi ko naalala. Sa totoo lang namimiss ko na yung luto niya..oopss ano ka ba Lea!
----
Aish ano ba yan kung kailan uuwi na ako atsaka naman umulan ng malakas. Wala pa naman akong payong. Nandito ako sa waiting area kung saan nag-aabang ng jeep. "Katatapos ko lang kumanta sa bar naibigay na yung sweldo ko. Edi sana kung hindi umuulan makakabili pa ako ng pasalubong para kay Fabe
Nagulat ako nang may busmusinang kotse sa harap ko. Napatingin ako dito. Binaba niya yung bintana.
"Lea, halika na ihahatid na kita pauwi "
Bakit andito na naman siya?
"Ayoko nga"
"Aish matigas ang ulo" sabi niya. Bumaba siya sa kotse at tumakbo siya papalapit sakin.
"Bakit ka bumaba?! Tignan mo basa ka na!" Saway ko sa kanya
"Ang arte mo kasi. Sumakay ka na wala ka ng masasakyan dito maulan at anong oras na"
Wala na akong magawa kundi sumama na lang . Hinubad niya ang leather jacket atsaka pinatong sa ulo ko"Shit paano ka mababasa ka lalo?"
"Shut up Lea just go.."
Ayun nga pumasok na ako sa kotse at siya umikot pa sa harap at sumakay na sa driver seat.
Binigay ko sa kanya yung jacket kasi basang basa siya "no Lea sayo na yan, okay lang ako." Seryoso niyang sabi.
Pinunasan niya muna ang sarili niya atsaka pinaandar na ang kotse.
---
Sa wakas nakarating na kami sa bahay ko . Hindi kami nag-usap habang nasa byahe. Tsaka wala na rin palang ulan.
Bumaba na ako ng kotse at sumunod siya. Pumunta ako sa harap ng gate namin.
"Klein..uhmm.. s-salamat ah " nahihiya kong sabi.
"No problem Lea" sabay ngiti niya. Nakita kong nanginginig na siya sa lamig
"Hala Klein halika pasok ka muna. Magpalit ka muna baka magkasakit ka " inalalayan ko siya sa pagpasok
"Naks! Nag-aalala ka sakin at kusang papasukin mo pa ako ah" sabay ngisi niya. Pinalo ko siya sa braso loko talaga to.
Pagkapasok namin ,pinaupo ko siya sa sofa
"Wait lang kuha lang ako ng damit mo" sabay alis ko
Klein's POV
Yinakap ko ang aking sarili grabe anlamig.
"Nana! Mama! We're here!" Sigaw ng isang bata na pumasok at kasama ang isang matandang lalaki.
Nanlake ang mga mata ko. Kilala ko sila!
"Klein ito na ang da--Fabe?!"
"Kuys Pogi?"
"Iho?"
Bakit magkakasama sila??
------
Nalalapit na ang katapusan haha xD
Sorry ngayon lang nag update ngayon ko lang nakumpleto ang mangyayari sa chapter na to xD
PLEASE VOMMENT!
~Ate Dens
BINABASA MO ANG
Im Inlove with my Brother (COMPLETED)
Fiksi UmumMagkapatid kami, nagmamahalan kami Ano ang gagawin mo kung sakaling mahuli ka ng mga kaibigan at magulang mo? Pano kung my dumating na pagsubok sa inyong dalawa, ipaglalaban mo pa ba ang relasyon niyo? Magkapatid nga ba talaga sila? ...