Chapter 44- Date

4.2K 103 12
                                    

Klein's POV

*After 2 days*

F*ck this life!

I can't finish those paper works.. Paano ko to matatapos kung si Lea ang lagging nasa isip ko.

*Tok Tok*

Pumasok siya. "How is it son?"

Psh andito na naman siya alam ko naman kung anong tinutukoy niya.

"Nothing Papa. I Failed. Iniiwasan niya ako " sabi ko habang sumandal sa swivel chair ko

"Make an effort son. Huwag mong hayaan na ganun na lang kayo. Kung kayo talaga para sa isa't isa kayo talaga.

"I know Pa, but I don't know how to start"

Bigla siyang tumawa. Kumunot ang noo ko , pagtawanan ba naman ako..

"Halatang hindi ka talaga nanliligaw anak"

"Nanligaw ako Pa ah. Niligawan ko si Lea"

"Oh really? Court her again. Huwag kang sumuko.. At gusto ko talaga siyang makasama ulit " biglang nalungkot si Papa

"Argh! Dad cut the drama I know that don't worry. Kikilos ako okay."

-----

Lea's POV

Day off ko ngayon kaya andito ako sa bahay. Nandito ako sa sala naglilinis. Si Fabe nandun sa kwarto tulog pa. Sila nanay at tatay nandun sa palengke nagtitinda.

Hayss grabe andami pa lang kalat. Mejo hindi pala naglilinin si Nanay wala rin masyadong oras eh. Kaya ito ako ang maglilinis.

Linis doon.. linis ditto..

*TOK TOK*

Sino yun?hindi naman sila nanay yun mamayang hapon pa yun uuwi. Pumunta na ako sa pintuan

Tsaka binuksan

O_______O

What the hell!

Bigla ko sinara ang pintuan. Paano niya nalaman na nandito ako?

Kumatok ulit siya " Let me in" sabi niya

" No bakit kita papasukin?!" sigaw ko. Hindi siya sumagot katok lang siya ng katok.

ARGH! Hindi ba siya titigil. Sa inis ko binuksan ko na

"Good morning" masayang bati niya.

"anong ginagawa mo dito?! Anong kailangan mo? Paano mo nala--" hindi ko niya ako pinatapos dahil

dire-diretso siyang pumasok ng bahay habang may hawak ng isang boquet ng bulaklak atsaka umupo.

Aba lintek to feel at home lang ang peg

"Hoy Mr. Klein Himenes FYI this is not your home so can you please get out now." Mahinahon kong sabi. Mahirap nab aka magising si Fabe hindi niya pwedeng Makita ito.

"I won't date with me first." Sabay ngisi siya

"WHAT?!" gulat kong sabi

"Narinig mo naman diba? Date with me first before I go out"

"No!"

"Oh edi ditto lang ako" ngumiti siya tapos nagdekwatro pa

Lungyung lalakeng to . nilapitan ko siya.. kinuha ko ang kanang braso niya at hinila ito pero hindi ko siya mapatayo "Get out!"

Pero imbes na tumayo ay hinila niya ako at yun napasubsob ako sa kanya. unting space na lang maari na kaming magkiss bigla akong kinabahan.

"Date with me and I'll leave" bulong niya

"o-okay"

Iitinayo niya ako " Okay alis na ako. Ayan yung mga flowers sana magustuhan mo " sabay wink niya.

Lumabas na siya ng bahay. Shit pumayag ba talaga ako. Eh kasi bakit pa niya ako nahila ayan tuloy nadistruct ako. ARGH!

------

"Mam alis na po ako " paalam ko

"Sige ingat ka iha" sagot niya

Tumango ako. Kapagod pero hindi pa dito nagtatapos may work pa ako na pang gabi. Lumabas na ako ng resto.

"Get in"

Nagulat ako nung may nagsalita. At walang iba kundi si Klein Psh

"Bakit ako papasok jan sa kotse mo?"

"You forgot? We have a date right?"

"Date? Ngayon agad?? No di ako pwede may pasok pa ako" Lumakad ako sa kabilang direksyon

"WAHH! HOY BITAWAN MO KO!" Binuhat ba naman ako na parang sako ng bigas

"Pasaway ka eh"

--

"Anong kakainin mo?" tanong sakin ni Klein

Binaba ko yung hawak kong menu "Ah..ehh. pwede yung katulad na lang sayo. Wala akong mainitindihan dito sa menu nila eh"

Totoo naman kasi eh andito kami sa isang Italian restaurant ngayon lang kaya ako kakain dito dati kasi di naman ako pumapasok sa mga ganito.

Siya na nga ang umorder para sa akin.. pagkatapos ilang minute ay naiserve na ang pagkain.

"How are you?" biglang tanong niya

"okay lang ako"

"no, I mean kamusta ka simula nung lumipas ang taon?" Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Ito na ba?

"Ah ehh okay lang din" walang gana kong sagot

"sure? Lea I have a favor for you"

"ano yun?

"Can you give me another chance again? Can I court you again?" tuloy –tuloy niyang tanong

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Di lahat minamadali . meron pang mga problema na hindi pa nasasagot. Atsaka hindi pa ako handa para sa kanya dahil may unting sakit pa na natitira dito sa puso ko.

Kinuha ko yung tubig atsaka dire-diretsong uminom.

"Lea?" pagmamakaawa niya

"No!"

-------

Yehey updated na siya sana nagustuhan niyo

Please Spread VOTE AND COMMENT tayo ^_^

tsaka please Tweet kayo gusto ko malaman kung anong masasabi niyo xD #CDstories

JOIN KAYO ^^

FB READERS PAGE: https://www.facebook.com/chocodenstories

FB READERS GROUP: https://www.facebook.com/groups/ChocodenReaders

Twitter: chocoden14

FB ACCOUNT: Denice Tiozon

~Ate Dens

Im Inlove with my Brother (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon