DAY 1

28 5 0
                                    

I was expecting this another day of silence. But I was wrong. Magmula kasi kagabi ay hindi na natigil ang pag-ingay ng messenger ko after ko sumali sa Falling Game na 'yon

Sabi na sakit lang sa ulo 'yon e.

Natigil ako sa pagkain at napataas ang kilay nang biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

Pagkatingin ko sa pangalan nito ay nanlaki ang mga mata ko.

Nakalimutan ko pala siya, omy.

Mukhang hindi na nga talaga matitigil at matatahimik ang bawat araw ko hanggang hindi matapos ang laro na ito. I found it boring. Ano kaya ang magiging reaksyon ng partner ko if ever malaman niya that we are the same girl and the same have beauty? Baka nga mas maganda pa ako sakaniya e. I just wanna laugh at her unstoppably, really.

Tsk, this stupid game is boring at all. Not as scary as I thought. Akala ko pa naman ay macha-challenge ako dito dahil first time ko.

Binuksan ko ang message niya at binasa.

Beatrix
Hoy! Oo kumain na ako at mag-iingat ako palagi at 'wag akong papalipas ng gutom! Ang bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord! Spell U.N.G.E.N.T.L.E.M.A.N? It's you! Remember the rule number 3?!

Natawa nalang ako ng malakas pagkatapos basahin sa message nito. Hmm, nagbago isip ko, mukha naman palang mage-enjoy ako sa larong 'to dahil napaka-interesting ng partner ko.

Kagabi pa kasi siya panay reklamo pati noong nagset kami ng relationship status. Nakalagay sa rule na lalaki ang dapat na magset non pero siya ang nagset saaming dalawa. Bukod kasi sa nakalimutan ko ay wala talaga akong balak gawin 'yon. Ang korni kaya, napilitan nga lang ako dito e. Siya na mag-adjust. Ang sungit nga niya, pero titiklop rin 'to, kaunting paawa lang siguro dito ay hulog na agad.

We'll see.

Zachary
Ay sorry na. Kumakain ako, e. Oy kain pala.

Beatrix
Lamunin mo pagiging magaling niyo sa umpisa. Mga lalaki nga naman.

Napabuhanglit ako tawa ng wala sa oras dahil sa sinagot nito. Oo nga naman, tama siya. Lalaki moments.

Zachary
Inaalok ka na oh. Kain na.

Beatrix
Sige lang, 'wag ka sanang hindi mabulunan.

Zachary
Galit na galit, gustong manakit.

Beatrix
Talagang nananakit ako kapag naasar kaya manahimik ka!

Zachary
Init ng ulo ah, red day?

Beatrix
Duh! Isusumbong talaga kita!

Zachary
E di magsumbong ka! Sumbunggera. Pangit.

Beatrix
Wth! Gwapo ako!

Napakunot ang noo ko at akmang magta-type na ng sasabihin pero naunahan na ako nito. Hindi ko alam, sanay naman ako sa mga babae na todo kung makasabi ng gwapo o pogi daw sila dahil isa ako doon minsan, pero bakit iba ang pakiramdam ko sa isang 'to?

Pinagdududahan ko ba siya?

No, I shouldn't. Una palang 'to ay pagdududahan ko na agad? Ni hindi ko pa nga kilala. Tignan ko muna kapag tumagal-tagal. Pero kasi...

Well, natural naman na pagdudahan ko siya dahil hindi ko siya kilala. Although we need to act like a real couple, I don't think we can act like one. Ngayon pa nga lang ay para na kaming aso't pusa. I'll bet hindi kami tatagal, baka nga mainis lang si Leah saamin e.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon