So, hanggang ngayon ay hindi parin talaga kami nag-uusap. Hanggang tingin lang ako sakanya na naka-online ang account. Hindi rin naman siya nagme-message kaya wala akong dahilan para kausapin siya. Ni hindi ko nga alam kung paano siya kakausapin kung sakali.
Samahan pa ng kada-oras na stalk sa account niya. Wala rin naman akong napapala dahil panay mga walang kwenta lang naman ang ipino-post niya at ishine-share.
Nabo-bother parin ako hanggang ngayon sa mga nalaman ko sa kapatid ko. Matagal na raw silang magkakilala, edi sureball na marami siyang alam tungkol kay Bea.
Kaso ayaw talaga magsalita ang loko. Ilang suhol ko pa ba ang masasayang sakaniya para dumada siya? Parang hindi kapatid.
Nakakaubos ng lakas 'to. Pero sa totoo lang ay hinihintay ko talaga siyang mag-message. Kahit sana na-wrong send lang, ano? Edi nagsimula sana ang usap.
Hihingi naman ako ng sorry e. Alam mo naman ang kasalanan ko. Pero badtrip talaga siya. Napaka-bipolar. Okay pa kami, tapos bigla-biglang magbabago ng mood. Hays, ewan ko na talaga.
Bored ako kaya bahala na. Magle-lyrics video nalang ako. Sariling edit 'to, 'no.
Zachary Velle
Just now.Ikaw na ang may sabi...
Like. Comment. Share.
Zachary Velle
Na ako'y mahal mo rin.Zachary Velle
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago,Zachary Velle
Ngunit bakit,Zachary Velle
Sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo?Zachary Velle
Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba...Zachary Velle
'Di ba nila alam?Zachary Velle
Na tayo'y nagsumpaan.Zachary Velle
Na ako'y sayo, at ika'y akin lamang...At gaya ng inaasahan ko, may mga tumahol. Expected ko na 'to pero 'wag naman sana sa kalagitnaan! I-edit ko pa 'to, hindi ko sila marereplyan isa-isa sa mga kalokohan nila.
Lintik talaga. Wala na silang pinalampas! Kanta lang naman e! Tsaka dala lang talaga ng boredom! Kung ano-ano na naman pinagsasabi nila!
Blake Roger
@Beatrix Allie, ikaw na raw ang may sabi na mahal mo rin siya.Callix Depogi
@Beatrix Allie, at sinabi mo raw na ang pag-ibig mo ay hindi magbabago.Luke Volkz
@Beatrix Allie, ngunit bakit sa tuwing lumalapit daw siya ay lumalayo ka?Vince Zou
@Beatrix Allie, puso niya raw ay laging nasasaktan pag may kasama kang iba.Dana Elarie
@Beatrix Allie, di raw ba nila alam? Na kayo ay nagsumpaan? Na siya ay sayo, at ikaw ay sakanya lamang?Nanlaki ang mga mata ko sa sunod-sunod na notifications. Hindi lang 'yon! Dahil sa mga pinagsasabi nila! Minention pa nila siya ha! Minention!
Nasapo ko ang noo habang nakatingin sa mga comments nila. Nakagat ko nalang ang labi ko dahil hindi ko alam ang ire-react, tatawa ba ako o maiinis? O parehas?
Mga panira ng momentum.
Ngumit mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bagong dating na notification. Nakagat ko bigla ang daliri ko dahil sa taranta.
BINABASA MO ANG
We're Both Cross Role Players
Teen FictionWarning: Profanities ahead. Two Cross Role Players of Role Play World accidentally met. Their paths cross by playing the most dangerous game in RPW, The Falling Game. It was suddenly and unexpectedly happened. Rp'ers will do understand their situati...