DAY 6

9 2 0
                                    

Dana
Goodmorning, mga hangal.

Aira
Good mood, Dan? May shoti kang nakita sa party, ano?

Luke
👍

Klea
HAHAHAHAHA ano ba Aira, nasa loob tayo ng laro, bawal 'yan.

Pagak akong natawa nang mabasa ang message ni Klea. Bawal? E bakit si Beatrix pwede?

Naglolokohan nalang yata kaming lahat dito kahit na laro naman ito.

Tinatamad na binuksan ko ang gc namin nang makitang nag-pop out ang chathead ni Bea. Wala lang, gusto ko lang makita kung ano sinabi niya.

Beatrix
Leah? Kahit sa public kailangan act like a real couple talaga?

Callix
Oo, 'di ba nilinaw ni Leah 'yan makaraan ilang araw natin?

Beatrix
Hindi ba pwedeng sa loob lang ng talagang laro? Kaumay e, bantay-sarado.

Vince
Ayaw mo na agad, Bea?

Blake
Mag-usap kayo ni Zach. Pag-usapan niyo 'yan. 'Wag ganito.

Beatrix
Makipag-usap siya kay Katty.

Callix
Kausap namin siya kagabi, dre. Hindi sila nagkausap ni Kat.

Dana
Anong meron?

Vince
Awayan.

Blake
Bakbakan.

Dana
Tangina niyo.

Leah
Anong nangyayari sainyo?

Aira
Leah, kausapin mo nga 'yang dalawa. Zach at Bea, LQ.

Beatrix
Wala nga sabing L, kaya wala ring Q.

Natatawang nag-type ako sabay send. Napabuga ako ng malalim na hininga nang magsimula na namang manikip ang hininga ko. Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko, hindi lang dugo ko ang mainit.

Ang sarap niyang sampalin.

Napaunat nalang ako sa pagkakaupo at saka muling tumingin sa screen ng laptop ko.

Zachary
See? Paka-deny pa 'yan kasi kausap niya si Lexus buong gabi.

Beatrix
Blake, pakisabi nga sa isa diyan na totoo naman kasi, 'di ba? So, ano kami? Lovers?

Blake
Pakisabi daw, Zach.

Zachary
On game, 'di ba? May sarili kang rules niyan? Hindi ka na dapat naglaro.

Blake
On game daw, Bea.

Beatrix
O h, laro lang naman pala talaga para sayo. Sayo na nanggaling, laro nga. So, anong nirereklamo mo?

Blake
Laro lang naman daw pala talaga para sayo, Zach.

Zachary
Alangan seryosohin ko. Laro nga.

Blake
Oh, bea.

Beatrix
That's what I did. Laro nga e.

Callix
Tangina mo, blake. Tumahimik ka diyan.

Leah
Pag-usapan niyo 'yan. I won't be considerated, kapag nagdesisyon ako ay pagsisisihan niyo rin kaya habang maaga pa, ayusin niyo na.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon