Continuation of Day 3

16 4 0
                                    

10:58 pm

Nanatili akong tulala sa kawalan habang iniisip kung ilang fishball ang kinuha ko noon na hindi ko binayaran--

Charot!

Hindi lang ako makatulog.

Para akong sabog na lutang na ewan. Basta hindi ko alam kung anong pinag-iisip ko. Malay ko ba sa isip ko. Para akong lumilipad e.

Dala ng boredom ay nagbukas nalang ako sa Real Account ko. Pagkabukas palang ay kita ko na ang pangalan ni Jhio sa unahan.

Si Jhio ay classmate ko na umamin saaking may gusto raw sakin. Ewan ko rin sa lalaking 'to, sabi ko tumigil na e. Daig pa ang multo kakaparamdam. Sobra na akong guilty sa pagmamaldita sakaniya.

Jhio
Hi, Alliah! Ba't gising ka pa? Masamang magpuyat, baka magkasakit ka na niyan.

Nasapo ko nalang ang noo ko at napabuntong hininga. 'Wag kang maging mabait Jhio, hindi ko kayang suklian 'yan.

Jusko, paano ko nagagawang sungitan ang taong 'to? Wala talaga akong puso.

And yes! Ako si Alliah sa totoong mundo at hindi si Zachary na nagpapanggap bilang lalaki.

Uulitin ko, CRP ako, as in Cross Role Player.

Alliah
Ako naman magkakasakit, wala ka na don.

Ayokong magpaka-bitchesa pero kasi ayoko talagang umasa pa siya. Hindi naman sa ayaw ko sakanya o ano, sadyang ayaw ko. Mabait naman 'to, maalaga at maalalahanin. Kaso sinasayang niya lang oras niya saakin.

Hindi niya deserve ng katulad ko.

Jhio
Liah, nag-aalala lang ako.

Alliah
I didn't told you to worry. I'm reviewing.

Jhio
Ah sorry. Goodluck. Goodnight.

Binack ko na para hindi na ako mag-reply pa. Guilt were eating me, wala namang mali sa pag-aalala niya, hindi ko lang talaga deserve ng ganoong trato mula sakaniya.

Minamalditahan ko lang siya para ma-realize niyang deserve niya sa mabait at gusto rin siya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko sa mga oras na ito. Nagpost ako ng isang kabaliwan na laman ng utak ko at isa pang nagpapanatili saaking gising. Ganito talaga ang isang bored at walang mapagkwentuhan na tao. Gawain ko na 'to noon pa.

Alliah Madrigal
  Just now.

Hindi ko na yata kayang tumagal sa fg na 'yon. Nakakabaliw sila sobra. Nakakabaliw siya.

Like.   Comment.   Share.

Pagka-post na pagka-post ko palang ay sunod-sunod na agad ang tunog ng notification ko. Agad ring nagcomment si Trina, kapitbahay ko rito sa condo na feeling close.

Sinasakyan ko nalang siya kaysa magmukhang isnabera, sabay rin kami kumain minsan, libre niya kaya G ako.

Trina Aurelia
Sino 'yan ha? 'Yong sinasabi mong Beatrix? BI ka na? HAHAHAHA.

Kiesha Sison
Aba'y marunong ka na palang lumandi ah. Kay Jhio ako boto.

Christian Madrigal
Insan, ipakilala mo saakin. By the way, Lt 'yong mga nantatag sayo sa CRPA mo ah.

Natawa ako sa mga comments nila pero nangunot ang noo ko sa sinabi ni Christian. Mga nantatag? Sino-sino?

Baka katarantaduhan na naman 'yon, sana talaga hindi ko nalang inadd sa Role Play Account ko itong pinsan ko. Nakakapansisi tuloy bigla. Lex Velle siya sa rpw, ginaya niya ang surname na inimbento ko lang din naman. Para raw hanggang doon magkamag-anak kami.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon