DAY 11

5 1 0
                                    

Zachary
Hoy! If you think na magso-sorry ako, nagkamali ka! Look, sinimulan mo 'to. Kasalanan mo ngayon kung bakit marere-arrangge tayo. At hindi ako magsasawang sisihin ka oras na nagalit sila saakin! Napaka-arte mo! Ang dami kong hinala sayo noong una palang, at alam kong kaunti doon ay totoong-totoo. Nakaasar ka! Talagang natiis mo ako ng isang linggo?! Akala mo may paki ako? Duh, sino ka ba? Sikat ka, oo, pero matuto ka naman tumanggap ng pagkakamali! Sinabi mo pang free ka landiin. Sa harapan ko pa? Wow lang! Magsama-sama kayo ng mga babes mo!

Pagkasend ko noon ay agad akong naglog-out sa CRPA ko saka pumunta sa real account ko. Kagat-kagat ko ang mga daliri ko at nagsisimula nang manalangin na sana ay ma-hack ang CRPA ko o hind kaya ay atakihin nalang ako sa puso bigla para mategi na at wala nang problemahin pa.

Ano ba naman kasi pinagsasabi mo! Hays, ang gaga mo talaga, Alliah!

My goodness! Mababaliw na yata ako kakaisip rito! Ano ba naman kasi itong pinasok ko? Nakakaasar naman kasi e.

Sana hindi na ako nagmagaling at sumama pa diyan sa FG-FG na 'yan. Sakit lang pala sa ulo at puso.

Napapala ng bida-bida, Alliah.

Nang makita kong online ang RA ni Callix ay agad ko itong chinat. Oo, syempre alam na namin ang real account ng isa't-isa. Wala rin lang silbi ang pagtatago dahil alam na nilang babae ako kaya noong tinanong nila ang real account ko ay hindi na ako nagdalawang isip na ibigay ito. Gusto ko rin naman.

Gaya ng sabi ko ay gusto ko silang maka-close at maging kaibigan sa totoo at walang halong peke.

Alliah
Hoy huhu, chinat ko si Bea at sinumbatan. Tingin mo kakausapin niya ako? Medyo nakaka-offend din kasi mga sinabi ko.

Louie
Ano ka ba? Kakausapin ka niyan.

Naisip ko lang minsan, bakit parang sobrang close nilang lahat na nandoon? Alam ko namang nasa iisang laro kami, pero halata naman ang closeness ng mga karamihan, at tingin ko ay matagal na silang magkakakilalang lahat.

Baka ako lang talaga baguhan sa grupo. Outcast ganon. Hindi belong.

Louie
Pustahan pa tayo. Hindi ka non matitiis. Ipupusta mo ba bahay mo?

Alliah
Gagong 'to. Sure na 'yan?

Louie
Oo. Chill ka nga lang, Alling.

Alliah
Baduy mo naman!

Alliah
By the way, pwede magtanong?

Louie
Nagtanong ka na HAHAHAHA.

Alliah
Callix! Seryoso ako.

Louie
Mukha nga. Ano ba 'yon?

Alliah
Doon ko nalang pala sa gc itatanong. Gusto ko sagutin niyo 'kong lahat.

Louie
Nakakakaba ka naman bigla, Alliah.

Yes, may group chat na kami dito sa RW gamit ang mga RA namin. Ang lakas ko sakanila e. Ganito kapag maangas pero tiklop sa partner sa fg ng RPW.

Ang gumawa ng pangalan sa grupo namin ay si Vince. Kinuha niya daw sa mga umpisa ng mga pangalan namin.

Weird rin nila.

[Āajcl Cincó]

Alliah
Babae ba talaga si Bea?

Ilang beses ko na itong natanong. Pero wala akong balak baguhin hanggang hindi sila nagsasabi ng totoo. Ni wala ngang umiimik sa tuwing tatanungin ko 'yan e. Hindi ko talaga sila titigilan.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon