DAY 17

2 2 0
                                    

Ito na nga ang simula ng araw na wala na naman si Bea. Ewan lang kung saan na naman siya nagpunta, basta sabi ay hindi siya makaka-online ng dalawang araw.

Dalawang araw na walang Bea. Kay boring naman noon, walang maaasar.

Parang tinatamad din tuloy akong mag-on. Ayain ko nalang pala sila Blake na mag-ingay sa TL ng isa saamin.

[Falling game main]

Zachary
Gais, ang lilinis ng mga Timeline niyo ah. Baka naman.

Leah
Happy birthday, Zach! Have a nice day.

Aira
HAPPY BIRTHDAY, ZACH!!!

Klea
Natanggap mo ba, gurl?

Dana
Happy birthday!

Chloe
Happy Birthday, kid.

Blake
Yiii, magandang kaarawan bibi Zach namin!

Luke
Malaki ka na, bata! Heypi bertdey!

Callix
Ahohoho, happy bornday, Zakzak!

Vince
'Pi birtdey Zach namin!

Callix
Ay wala si Bea.

Dana
Nang-aasar ka na niyan, Cal?

Callix
Oy, hindi ah!

Zachary
Thank you, guys! Natanggap ko mga padala niyo HAHAHAHA salamat sa mga pagkain.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Callix.

Oo nga pala. Wala nga pala si Bea. Sayang naman. Hays. Walang bati mula sa pinakahihintay kong tao.

Itulog mo nalang, Alliah.
















Zachary Velle
  Just now.

Wala siya. Birthday ko pa naman ngayon. Hindi niya ako mababati. :<

Like.          Comment.         Share.

Bet ko mag-emote ngayon HAHAHA wala akong maaasar ih. Kaboring-boring ngayon. Palang normal na araw lang.

Awts, anong inaarte mo, Alliah? Nandiyan sila Blake, remember?

Nga naman. Nandiyan naman sila. Kahit isang taon pang 'di magparamdam 'yong Bea na 'yon, Oks lang.

One year talaga? Isang buwan nga lang ang laro e!

Nakakabaliw talaga. Nakakabaliw mag-isip. Nakakabaliw siya isipin.

Bakit ba kasi kailangan na naman niyang mawala? Aish. Hindi na ako sanay sa ganito. Masyado na niyang nakontrol ang pagkatao ko.

Okay. Ang drama ko na masyado.

Pero hindi rin ako ganoon katanga para hindi malaman kung ano 'tong nararamdaman ko. Kahit sabihin pa nating first time in my life na makaramdam ako ng ganito.

O kay lungkot naman ng birthday na 'to. Actually hindi ko naman first time mag-celebrate ng mag-isa, kasi taon taon, oras oras at minu-minuto naman akong mag-isa sa buhay.

Pero iba parin 'yong ngayon. Madami akong iniisip na hindi ko naman talaga dapat isipin. I just can't help it.

Mali ba talaga 'tong nararamdaman ko? O ako lang ang nag-iisip na mali kasi simula palang nang una ay takot na talaga akong mahulog?

Nasaksihan ko kasi kung paano magdusa ang mga tao sa paligid ko na biktima ng pekeng pag-ibig. Kaya natakot ako.

I can't help myself from falling.

Did I just digged my own grave? Did I felt the wrong feelings? Do I supposed to let it grow? Or let it fade?

Ang gulo. Ang gulo-gulo ko na. Litong-lito ako.

Si Bea kasi e! Beatrix moments!

I fell in love with my co-rp'er and partner in falling game I called chicken because I thought this would really be easy as easier.













Zachary Velle
  Just now.

"If you fall, you lose."?

I guess, I would forever hate this rule.

Like.        Comment.        Share.

Pagka-post ko ay agad tumunog ang notification ko. At pagtingin ko ay hindi ako nagkamali, sila Blake nga. Wala lang naman 'yan, hindi ako makatulog lagi kakaisip sa rule na 'yan.

If you fall, you lose? Bruh.

Minsan talaga napapaisip ako kung inaabangan nila ang bawat pag-post ko. Ang bibilis e.

Chloe Taylor Amanda
(2). It sucks.

Callix Depogi
Bibi namin, okay ka lang?

Luke Volkz
But either you like it or not, if you fall, you fall. And you still lose the game.

Blake Roger
And I guess, RPW will always remain fake, bib.

Vince Zou
@Blake Roger, well, you can't call it 'ROLE PLAY', if it's real.

Dana Elarie
@Vince Zou, But the pain is.

Klea Ycxy
It's your birthday, Zach. You suppose to have fun. Don't think too much.

Aira Aria
Oo den. Mag-dramahan muna tayo-- charot. Zach, mwa mwa ka sa'kin. Ngumiti kalang diyan, wag malungkot.

Natigilan ako sinabi nila Klea. Oo nga naman, tama siya. I'm supposed to have fun. Hindi dapat ako malungkot. Masaya dapat ako, and not with these heavy thoughts.

Katty
Indeed. Nakakainis talaga, lalo na kapag hindi mo napigilan ang nararamdaman mo.

Callix Depogi
May ligaw na chicks. 🐤

Luke Volkz
HAHAHAHAHAlt, chicks.

Dana Elarie
@Katty, ikaw 'yong once na pinagselosan ni Bea, 'no? Ba't nandito ka? Shoo!

Katty
Excuse me?

Dana Elarie
You're excused.

Aira Aria
Booooom! Ika'y tinamaan~ sakanya'y tinamaan~

Katty
Whatever. Hindi ako na-inform na bastos ang mga players ni Leah. Well, example na si Bea. Si Zach lang talaga naligaw sainyo.

Blake Roger
You're goin' too far, sweety. Shut your mouth up.

Blake Roger
Hala, sorry! Alam ko namang babae ka, pero 'wag ka namang bastos.

Callix Depogi
Bastos talaga kami. Thanks.

Chloe Taylor Amara
Tumigil. Tinatanggap niyo lalong bastos kayo.

Blake Roger
Totoo naman. Masama mag-deny.

Chloe Taylor Amara
Shut up, Roger.

Blake Roger
Yes, ma'am!

Malakas akong napabuntong hininga at napaupo sa upuan. Nag-aaway na sila niyan?

Hindi ko na lang pinansin 'yon at nananghalian nalang muna. Kanina pa kumakalam ang mga alaga ko sa tiyan ko.

Hindi parin tumatawag sila mama. Baka walang signal sakanila.

Hindi na rin ako mababati ni Bea ngayon. Ang lungkot.

Hay, Light 18th birthday, Selp. Ss saatin.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon