DAY 7

1 1 0
                                    

Pagkamulat na pagkamulat ko palang ng mga mata ko ay agad akong napabaliktad pabangon at agad na napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang bigla at gulat.

Inilagay ko ang kanang kamay ko sa dibdib at pinakiramdaman ang heartbeat ko. Pakiramdam ko ay tila humiwalay ang kaluluwa ko mula sa katawan ko.

"ANONG GINAGAWA MO BA SA KWARTO KO, ADIE!" Malakas na sigaw ko sa kapatid kong nagisingan kong nakatitig lamang saakin.

Hindi ako nito sinagot, bagkus ay nanatili parin ang mga tingin niyang nakakairita dahilan upang batuhin ko siya ng unan. Ngunit hindi parin ito nagpatinag.

Sa tinging ginagawa nito ay para niya akong nilalait at hinuhusgahan.

"Tsaka bakit ba nandito ka? Akala ko ba magtatagal pa kayo sa manila?" Takang tanong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Bawal ba umuwi?"

Inirapan ko siya. "Sinabi ko bang bawal?"

"Indirectly, yes." Sagot pa nito.

Inis na napabuntong hininga nalang ako saka tinuro ang pintuan. "Lumabas ka sa kwarto ko."

"Ayoko. Mag-usap tayo." Matigas niyang saad.

"Pwede magpalit muna ako? Ni hindi pa nga ako nakakapag-dimpo. Labas na." Naiinis na turan ko.

"Umiyak ka ba?" Tanong niya dahilan para matigilan ako.

Halata ba? As in obvious na obvious?

Tumaas ang kanang kilay ko. "Hindi ba pwedeng ilang araw na akong puyat kaya ganito?"

Naglakad ito palapit saakin saka ako marahas na hinawakan sa magkabilang braso at sapilitang iniharap sa salamin.

"Ginagago mo ba ako, ate? Puyat ba ang tawag diyan?" Inis na tanong niya saka ako tinulak pa sa salamin.

Nang sandaling makaharap ako at makita ang repleksyon ko ay natulala ako.

Ako pa ba 'to? Bakit ang pangit naman yata? Pumayat ba ako? Ilang pa araw lang ah? Kailan ba ako last na tumingin sa salamin?

Napatingin ako sa kapatid ko sa salamin nang marinig ang malalim nabuntong hininga niya. Palihim na lamang akong napangiti. Ito ang pinakagusto ko sa kapatid ko, sobrang maalalahanin.

Tipong feeling niya lagi siya ang panganay at ako ang bunso.

Hinarap ko siya saka ako ngumiti at nag-open arms.

Inirapan niya ako. "Ang baho mo, ayaw kitang kayakap."

Inirapan ko siya pabalik at muling humarap sa salamin. Kahit halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon ay ayokong ipakitang apektado ako.

Kung pu-pwedeng dayain ko ang sarili ko ay gagawin ko.

"So, you did really cried, huh? Sino na namang nagpaiyak sayo? The last time I saw you cried is when you broke up with your bestfriend."

Napanguso nalang ako nang ipaalala niya na naman. Ang bestfriend kong si Cindy kasi, nakipag-friendship over. Pinagseselosan niya ako dahil gusto niya si Jhio na ako naman ang pilit kinukulit. Edi friendship over, alangang pigilan ko.

"Hindi nga." Pagtanggi ko ulit. "Ano namang iiyakan ko?"

"Yeah, ano nga namang iiyakan mo?" Pabalik na tanong niya gamit ang tonong mapanghinala.

Muli akong natigilan habang nakatingin sa mga mapanghusga niyang tingin. Inirapan ko siya saka tinulak-tulak.

"Lumabas ka na nga!" Singhal ko hanggang sa maitulak ko siya palabas at agad na sinara ang pinto.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon