DAY 3

22 4 0
                                    

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang messenger kong tumunog. Agad kong hinarap ang laptop ko at agad na tinignan ang message niya. Kanina pa ako naghihintay na mag-chat siya.

Ayokong mag-first move, nahihiya ako at kinakabahan.

At buti naman ay naisipan na niyang mag-message talaga. Kanina pa ako mukhang timang na nakatingin lang sa screen ng laptop ko.

Imbes na gumagawa ng ire-report bukas ay heto ako at naghihintay na mag-online siya at mag-chat. Kabaliwan ko talaga.

Beatrix
Hey.

Mas napangiti ako nang makitang siya nga ang nag-chat. Mabilis akong nagtipa ng isasagot sakanya.

Zachary
Hey!

Beatrix
Kumain ka na?

Zachary
Oo. Ikaw? Kumain ka na?

Beatrix
Yep. Hey, sasama ako sa galaan ngayon, baka 'di ako maka-open hanggang mamayang gabi.

Zachary
Ba't sakin mo sinasabi? Paki ko naman sayo.

Beatrix
Kinakausap kita ng maayos ha!

Zachary
Maayos rin naman kitang sinagot ah!

Beatrix
Iniinis mo ba ako?

Zachary
Naiinis ka ba?

Beatrix
Oo.

Beatrix
Out na 'ko.

Natawa ako ng bahagya at mabilis ulit na nagtipa ng sasabihin. Napaka-asar talo talaga niya kahit kailan, kaya ang sarap niya inisin e. Bilis mainis, pero kapag siya nang-iinis ay ang tibay, go na go.

Zachary
Hoy, wait lang!

Zachary
Bigla ka na namang mawawala!

Zachary
Ingat sa galaan. 'Yon lang.

Sandaling natigilan ako sa sarili kong message sakaniya. Normal lang naman na message. Wala namang espesyal na dating. Ano 'yon? Hindi ko alam, parang may kung ano saakin ngayon.

Bago 'to, hindi ako pamilyar.

Binalikan ko ang conversation namin at napasimangot nang makitang sineen niya na lang ako.

Mahirap ba magreply ha? Ha? Ha?

Zachary
Bayad ba replies mo? Ayaw ako kausap o offline ka na?

Beatrix
Ang bilis mo naman ako mamiss. Ka-guilty tuloy hindi mag-online.

Zachary
Siraulo. Paki ko sayo.

Beatrix
Seryoso na 'yan o seryoso ka na sakin?

Zachary
Baliw.

Beatrix
Hmm? Sayo? Oo, yeah, yes.

Zachary
Alis na.

Beatrix
Kiss ko?

Zachary
Sending...

Zachary
Failed.

Beatrix
Bwesit ka.

Zachary
Matagal na, ngayon mo lang alam?

Beatrix
'Wag kang lalandi sa iba ha? Saakin ka lang lumandi!

Zachary
Wow naman, malandi ako ganon?

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon