DAY 26

2 1 0
                                    

3 weeks. 3 freakin' weeks has passed. And I don't know what to feel. I just want to stay here forever.

Kung p'wede lang sanang i-extend ay nakiusap ako kay Leah. Ito talaga ang pinaka-ayaw ko, ang masyadong ma-attach sa ibang tao na nandito rin sa pekeng mundo na ito. Alam ko namang peke talaga ang lahat.

Kaya mga Role Play, 'di ba?

Pero ewan, minsan feeling ko totoo talaga lahat. O baka sadyang pilingera lang ako.

3 weeks na bawat araw na dumadaan ay mas nagiging komportable ako sakanya. Oo, sobrang komportable ko na nga sakanya.

At pakiramdam ko ay gusto ko nang hilinging sana ay 'wag na itong matapos.

Na sana ay ganito na lang lagi.

Kaso, hindi pwede. Isang buwan lang talaga ito.

May isang linggo pa naman para matapos 'to.

Siguro kapag natapos na 'to ay pwede pa kaming maging magkaibigan? Parehas naman kaming babae.

Oh yeah, 'yon yung kinakatakot ko e. Parehas kasi kaming babae, tapos nakakaramdam ako ng ganito.

Mahal ko na siya.

Nagmahal ako ng kaparehas ko ng kasarian. Okay pa ba 'yon? Naiiyak na ako.

Minsan pa ay hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at parang sinsilaban ang tiyan ko tuwing nakikita kong nagkakausap sila ni Wena sa comment section.

Alam kong magkaibigan lang sila, pero ewan din kung bakit ganito. Napa-praning na nga siguro talaga ako.

O baka dahil wala talaga ako sa mood lagi? Tama bang makaramdam no'n kapag wala sa mood? Ang duga naman, ang sakit sa tiyan e.

Yun lang naman 'yon, 'no? Wala nang iba. Siguro naman wala nang iba. Kasi pakiramdam ko ay ayoko nang may iba pang ibig sabihin 'yon. Ayoko na.

Pero gaya ng sabi ko ay hindi ako ganoon katanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman ko, at para hindi malaman kung gaano na ito kalala.

Nanghihina ako sa tuwing maiisip ko ang mga ganitong bagay. Sobra.







11:11 am

Zachary Velle
   Just now.

There are three words that I've been dying to say to you. I was always afraid that this time would really come. The time that I am slowly losing my sleep from thinking,

'Why the hell it's just a game?'

'Why the hell we have the same sex?'

'Why the hell all of the time I am only thinking of you?'

'Why we meet on the wrong world?'

'Why of all words around, the word 'fake' is the one we bed through?'

I need you to stay like you wouldn't leave forever. That's how selfish I am.

Like.           Comment.        Share.

Nanatili akong nakahilata sa kama ko habang nakatulala sa kisame at hindi alintana ang cellphone kong kanina pa tunog ng tunog. May tumatawag pa nga kanina, eh. Paniguradong sila Luke 'yon.

Pero ayoko muna talagang makipag-usap. Nanlulumo ako sobra.

Kasabay ng pagkawala ko ng isang malalim na buntong hininga ay ang pagkawala ng mga luha sa mga mata ko.

"Karma ba 'to? Ang daya naman, ang sakit oh." Mahinang kausap ko sa sarili ko at natawa ng mapakla.

Siguro nga. Siguro nga karma ko na ito dahil nagpapanggap akong lalaki kahit na babae naman talaga ako.

Pero 'di ba role play? Kahit anong role puwedeng-pwede?

Pero hindi pwede sa Falling Game, Alliah. Sumuway ka. Nilabag mo ang dalawa sa rules ni Leah. Nilabag mo ang pang-una at pang-huli. Karma mo na talaga 'to.

Karma, bakit ba hindi pwedeng parusahan mo ako ng hindi nanghihila ng ibang tao para ipangparusa saakin? Dahil ba pumasok ako sa larong bawal ang kasariang ginamit ko sa kasariang mayroon ako?

Ang dami kong tanong sa sarili ko na sa tingin ko ay hindi ko kailanman masasagot. Syempre paano ko nga ba sasagutin ang sarili ko kung ang itatanong ko ay kung bakit ang sakit? Bakit ang sakit nito?

Totoo nga ang sabi nila Klea, peke lahat puwera ang sakit. Peke ang lahat puwera sa nararamdaman ng totoong taong nasa likod ng pekeng pagkatao.

So, ayon nga, wala na akong gana mabuhay-- charot, gutom na ako. Pero tinatamad ako mag-luto. Noodles na lang siguro.

Pagkatapos kong kumain ay nilabas ko sa ref ang whiskey na bigay ni Trina saka siya pinuntahan sa kabila para ayain.

Ilang beses pa akong kumatok bago nito buksan ang pinto, nakataas pa ang kilay niya. Nakangiti kong itinaas ang bote ng alak.

"Tara shot puno."

Agad ako nitong binatukan kaya napa-aray ako ng malakas. Matalim ko siyang tinignan.

"Anong shot puno?! Hindi lang dapat shot kapag mag-aaya ka, Alliah! Bumili ka naman ng isang case!"

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon