DAY 27

1 1 0
                                    

Ouch. Aray. Agoy. Pighati. Kirot. Dalamhati. Ang sakit ng ulo ko! Kulang ata sa inom.

Another day to spend. Wala na akong ganang mag-saya. Wala na rin talaga akong gaanong tulog. Isang oras na tulog? Okay lang 'yan, bawi next life.

Tumayo ako sa pagkakahiga at pinatay ang alarm clock kong nanggising saakin. 6:30 am na rin pala.

"GOODMORNING, PIPOL!" Malakas na sigaw ko dahilan para makarinig ako ng kalabog sa kabilang unit.

Hala, mukhang may nagising ako. Lagot ka, Alliah. Lagot. 'Wag naman sanang kumalampag bigla 'yan sa pinto at habulin ako ng itak.

By the way, charot lang 'yong wala na akong ganang mag-saya. Back to normal na. Kakausapin ko pa rin naman sila.

Kakausapin ko pa siya.

Pero hindi na ako didikit gaano para bawas sakit kapag natapos na ang itinakdang araw.

Ang tili-tilino ko talaga. Woooh! Magpapa-party ako dahil nagising pa akong may mata. Grabe naman kasi 'tong mga matang 'to, ayaw tumigil kakaiyak. Naknamputcha.

Bumaba ako para sana mag-jogging pero saktong pagbukas ng elevator ay ang pagbungad ng pagmumukha nila Blake.

"Alli! Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag namin? Nag-alala kami, alam mo ba? Kumain ka na ba? Kamusta tulog mo?" Sunod sunod ang tanong na bungad ni Callix.

"Okay lang ako. Pasensya na sa pag-aalala. Saan punta niyo?"

Ngunit walang sumagot sakanila. Napansin ko rin ang pagtatagal ng mga titig nila saakin. Nakakailang tuloy sila bigla, ano ba 'yan.

"Umiyak ka?" Tanong ni Blake at lumapit para tignan ng malapitan ang mukha ko.

"Umiyak siya." Siguradong sabi naman ni Luke nang hindi inaalis ang tingin saakin.

"Bakit ka umiyak?" Tanong ni Vince--

Okay. Mas tama yatang sa totoong pangalan nila ang banggitin ko. Parang mas masakit kapag pangalan nila sa pekeng mundo ang nababanggit ko.

Pilit akong ngumiti at napakamot sa ulo. "Natanggal kasi 'yong ulo ng anime figure ko."

Bunalik kami sa itaas at pinapasok ko sila sa condo ko, pero hindi ko na sila naihandaan ng pagkain dahil para silang mga police ngayon at sunod-sunod na ginigisa ako ng tanong.

Ni hindi rin sila kumbinsido sa dahilan ko kaninang naputalan ng ulo ang anime figure ko. Hay bubay, kakasinungaling ko ay baka dila ko na ang maputol ng wala sa oras.

"So, umiyak ka because?" -Blake

"Pumayat ka lalo, kumakain ka ba talaga?" -Vince

"Natutulog ka pa ba? Para ka nang panda." -Luke

"Naiinis si Bea kasi tinry ko niyang tawagan pero hindi mo sinagot. Chance mo na sana 'yon, alam mo ba?" -Callix

Napairap ako. "Yun lang....naman......pala-- WHAAAAT?!"

Agad silang napatakip sa tenga dahil sa malakas na sigaw ko. E, sa nabigla ako.

Si Bea? Tinry akong tawagan?! Hindi ko nasagot! I can't believe this! ARGH! Gusto ko magwala! Magwala! Magwala!

"Bibig mo! Sinisigawan ka na nong kapit bahay mo, kanina ka pa raw." Suway ni Vince at sinara ang kurtina.

Mahina akong napahikbi kaya pare-parehas nanlaki ang mga mata nila at agad akong dinaluhan.

"H-H-Hoy! B-Bakit ka u-umiiyak?" Natatarantang tanong ni Blake at hindi alam kung hahagurin ang likod ko at bibigyan ako ng tubig, o tissue.

"Putangina niya!" Parang bata na atungal ko at sinubsob ang mukha ko sa lamesa. "Hindi niya sinabing siya pala 'yong tumatawag huhuhu."

Napanganga sila Luke at agad namang naka-recover si Callix saka ako binatukan.

Napapansin kong panay batok ang mga tao saakin ah. Masakit!

"Paano niya sasabihin kung pati mga messages niya nga hindi mo sini-seen?"

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko,
Hindi ko sila pinansin at hinayaan lamang na mag-ingay sa dining.

Agad akong nagbukas ng account ko sa RP at dumeretso na agad sa messages saka mabilis na clinick ang pangalan ni Bea.

Beatrix
You okay?

Beatrix
I saw your post.

Beatrix
Bakit hindi ka sumasagot?

Beatrix
You won't even open any of my messages?

Beatrix
Do we have a problem, hon?

You missed a call from Beatrix Allie.

Beatrix
Hey, hon. I'm worried.

Beatrix
Are you really okay?

Beatrix
Where are you?

Beatrix
Pati tawag nila Blake ay hindi mo raw sinasagot. Mag-seen ka nga.

Beatrix
Online ka naman.

Beatrix
Nakatulog ka na ba?

Beatrix
O wala ka na naman sa mood?

Beatrix
Please, talk to me.

Beatrix
It's raining.

Beatrix
Hon, are you crying?

Beatrix
Is it me? I won't leave, hon. I won't.

Beatrix
Just tell me about it, okay? I love you. Goodnight.

At sa isang iglap ay nawala ang mga bakod na hinarang ko para kako hindi masyadong masakit kapag nagtapos.

Dahil sakanya na naman umiikot ang mundo ko.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon