DAY 12

4 2 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa meeting place namin nila Blake, o mas tamang sabihing nila Aldrich.

Yes, opo! Magkikita na kami!

Actually halos hindi pa nga ako makatulog kagabi dahil sa excitement nang sabihin nilang magkita-kita na kami at maging magkaibigan na kami sa totoo.

Wala lang. Sobrang saya lang. Ganito pala pakiramdam ng saya sa friendship na never kong naramdaman noon kahit nagkaroon ako ng kaibigan ng ilang taon.

Pero syempre kami-kami lang nila Louie, Cyrill, Jarren at Aldrich. Walang babae, ako lang. Pero may tiwala naman ako sakanilang apat kaya okay lang. May manlilibre raw e, go ako.

Kami pa lang naman ang magkakakilala-kilala sa totoo. Kung kami nga lang. Nasabi na kasi ni Louie na kilala niya sa personal si Klea. Tapos si Leah ay kilala rin si Bea sa personal.

I wonder kung gaano kaganda si Beatrix sa personal, siguro kakabugin ang aking beauty. Si Klea at Leah rin kaya? Paniguradong ang gaganda ng mga 'yon.

Sana all nalang sakanila.

"Hoy! Dito!"

Nilingon ko ang tumawag saakin saka kumaway sakanila. Mga pormado pa ang mga lintik. Parang mga a-attend sa isang engrandeng party.

"Oh, nagsipormahan ha? Pinaghandaan niyo naman yata ng sobra." Nakangising bungad ko.

"Syempre! Malay mo may chix kaming makita, 'di ba? Hindi pwedeng palampasin 'yon." Nakangisi ring sagot ni Louie.

Babaero naknamputcha.

"Sumbong kita kay Klea ha." Pananakot ko.

Ngumiwi ito. "Wag! Dragon pa naman 'yon magalit."

Nagsihalakhakan sila bago mga nagsi-upo. Makikita sa mga itsura nila ang saya, lalo sa mga malalapad nilang mga ngiti na halos hind maalis sa mga labi nila. Pwera lamang may Aldrich na hindi alam kung ngi-ngiti, ngi-ngiwi, o magseseryoso.

"Baka may balak kang umupo, Alliah?" Sarkastik na tanong ni Jarren. Hinila naman ni Cyrill ang upuan para makaupo ako.

Ngumiti lang ako at nagpasalamat sakanila.

Naks naman, gentledogs.

"So, anong mayroon at naisipan niyong magkita-kita tayo?" Tanong ko na ikinasimangot ni Aldrich.

"Ayaw mo ba kaming makita? Itong mga nagga-gwapuhang mga mukhang 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya inirapan ko siya.

"Arte mo! Hindi naman kayo gwapo!" Singhal ko na nagpasinghap sakanilang lahat.

"Langya naman oh, sinong hindi gwapo sa mga mukhang 'to?"

"Dinamay pa tayo!"

Reklamo noong tatlo, nailing nalang ako tsaka kakain na sana nang makatagpo ko ang seryosong mukha ni Aldrich. Tinaasan ko siya ng kilay pero nanatiling seryoso ang ekspresyon niya kaya napaayos ako ng upo

Parang may mali, kanina pa kasi siya ganiyan tuwing titingin saakin. May mali ba saakin? O may mali sakaniya?

"Bakit ka pumayag agad na makipag-meet up? Paano pala kung ibang tao ang mga nakausap mo, ha? Alliah, wala ka bang isip? Ipapahamak mo ng maaga ang sarili mo."

Napanganga ako. "Pagkatapos mong mag-drama kung ayaw ko kayong makita--"

"Oo! Pero dapat nagiging maingat ka parin! Babae ka for pete's sake!" Nagtaas na siya ng boses kaya hinawakan siya ni Louie sa balikat.

"Tayo naman 'to." Aniya pero hindi parin natutuwa si Aldrich.

"Kahit na! Lalaki tayo, hindi siya dapat nakikipag-kita sa mga lalaki nang basta-basta." Wika nito sabay irap.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon