THE FINAL

0 1 0
                                    

"H-Hindi ko kaya, Louie."

"Ano ka ba, okay lang 'yan." Sabi naman ni Leah habang hinahaplos ang likod ko.

Ngayon ko lang nalaman na kinuha lang rin nila Leah, Dana, Klea, Aira, at Chloe sa totoo nilang pangalan ang mga pangalan nila sa mga RPA nila.

At totoong masungit si Chloe sa personal. Hindi ko na-keri.

Pero masakit talaga.

Kanina pa ako iyak ng iyak habang nakayakap saakin si Louie at nakapalibot naman saamin sila Aldrich.

Paulit-ulit rin ang isinasambit kong 'hindi ko kaya'. E sa nakakainis si Terrence! Bakit ba lagi nalang akong sinasaktan non? Mukha ba akong stufftoy?

"A-Ang s-sarap niyang b-bigwasan." Muling kumawala ang mahinang hikbi ko.

Rinig ko naman ang mga mahihina nilang tawa kaya mahina kong tinulak si Louie at pinunasan ang luha ko. Para na akong batang uhugin dito tapos tatawanan pa nila ako.

"Gusto mo ba siyang makita?" Tanong ni Jarren.

Tumango ako. "T-Taga saan ba 'yon?"

"Sa kabila." Sagot ni Cyrill at ngumiti.

"Anong kabila?" Tanong ko at muling pinunasan ang pisngi.

"Di ba may lumipat sa kabilang unit?" Tumango naman ako sa tanong ni Aira. "Siya 'yon."

Napanganga nalang ako tsaka hinagilap sa isipan ko ang itsura ng bagong lipat kong kapitbahay. Maputi, matangkad, light brown ang buhok-- sabi niya light brown ang buhok niya! Siya nga 'yon!

Bumukas bigla ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon. Pumasok ang hindi pamilyar na magandang lalaki. Nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ko siya kilala. Alam kong hindi ko pa siya nakita kahit kailan. Pero nakikilala siya ng puso ko. Alam ko ang ibig sabihin nitong parang nakikipag-karera kong puso. Nakikilala niya ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Ang ingay mo kagabi, Alliah. Hindi ako makatulog. Bigla ka pang sumigaw." Sambit nito.

Napatingin ako sakanila pero nagsingiti nalang sila ng hindi maintindihan. Hindi ko alam kung ngiti ba talaga 'yon o ngiwi.

Ngumiti naman si Leah saakin ng totoo. "This is why I didn't voiced-out and kicked you out of the game. You both did broke my rules."

"Ano 'to?" Tanga-tangahang tanong ko kahit na may clue naman na talaga ako.

"Reunion siguro." Sagot ni Aldrich na hinila agad ni Louie patabi.

"Bakit pakiramdam ko pinagtitripan niyo akong lahag? L-Lahat ba ng nangyayari ay planado? Ako lang yata ang clueless e." Sarkastik kong sambit at napakagat sa labi.

Tumango si Louie. "Sinadya kitang agawan sa code na pinili mo dahil kay Beatrix ka naman talaga dapat mapunta. Una palang ay dinaya ka na namin, Alliah."

"At noong nalaman naming babae ka, halos tumalon kami sa tuwa dahil parehas kayong cross player at pwede niyo parin naman palang ituloy sa totoo ang relasyon niyo." Dagdag ni Cyril sabay kindat.

"Gusto ka namin para kay Terrence, 'wag ka na magpaligaw, sagot na agad." Singit din ni Jarren na agad nakakuha ng batok mula kay Chloe.

Nginisihan ako ni Klea sabay akbay saakin. "Kung ako 'yan ay 'Yes, father, I do' agad."

"Lalabas muna kami para makapag-usap kayo." Bulong ni Louie at pilit hinila palabas ang tatlo na ayaw pang lumabas, 'di gaya nila Leah na nagsilayas agad.

Pagkalabas nila ay hinarap ko siya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Taas kilay na tanong ko kahit na gustong gusto ko na talaga siyang sugurin kanina pa.

"It's me, your handsome neighbor, Hon." Nakangising sagot niya

Hon...

Mas maganda pala kapag naririnig ko na ang boses niyang banggitin 'yon. Ang lambot ng boses niya at halata ring hindi basta-bastang tao, I mean may katayuan sa antas ng buhay. Aba'y sa pormahan palang at itsura ay malalaman mo na talagang mayaman siya.

Nakaka-insecure bigla. Ang puti pala niya. As in, parang oras-oras lumulunok ng gluta.

"Hindi kita kilala, pwede ka nang lumabas." Mataray na sagot ko.

Mas ngumisi siya. "Naipagpaalam na kita sakanila Tito at Tita, paano ba 'yan? Tayong dalawa ang lalabas."

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Nah. Remember when I asked you about your parents location? I went to them. I told them I love you. Ang bait pala ng soon to be parents-in-law ko." Aniya habang tumataas taas pa ang kilay.

Isang malaking HA? What the heck? Strict sila mama at papa, paano niya sila napapayag?! Gino-goodtime niya ba ako?!

"Funny? Ayaw nila mama ang mayayaman, masyado raw mayayabang." Pagsasabi ko ng totoo.

Pero mukhang hindi ito natinag dahil pinantayan niya ako ng taas. Oo na, siya na matangkad, ako na hanggang dibdib lang.

"Mahal nga kasi kita sabi."

Pagkasabi niya non ay agad kong naramdaman na naman ang mga luha kong dumausdos pababa sa pisngi ko

Maniniwala na naman ba ako?

Paulit-ulit nalang. Ang sakit na ng mata ko.

"Paasa-- " Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hilain niya ako at naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa labi ko.

Hinalikan niya ako.

Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko magawa. Napahawak nalang ako sa kamay niyang hawak ang pisngi ko.

Sige, maniniwala ako. Huli na 'to.

Pagkahiwalay niya ay ngumiti siya ng mapang-asar. "Akala mo ikaw lang magaling mang-asar ah."

Hindi ako umimik at nanatiling nakatitig sakanya. Mas ngumiti siya saka ako hinawakan sa kamay.

"Aish." Aniya saka ako hinila palapit at muling hinalikan.

At mukhang hindi pa ito nakuntento dahil mapaglaro siyang ngumisi bago ilapit muli ang labi sa labi ko.

"T-Terrence." Banggit ko sa pangalan niya at bahagya siyang pinalayo ng kaunti, pero mas lumapit lang siya.

"Hon, I love you." Bulong nito habang nagpipigil ng tawa.

Umiwas ako ng tingin.

"Mahal ko rin sarili ko, kaya salamat." Sagot ko nalang.

"I love you. I love you. I'm in love with you. I really do. Pakasal na tayo?" Tanong niya dahilan upang hampasin ko siya sa balikat.

Nagsalubong ang kilay ko. "Gago."

"Wag kang mag-mura, ang liit mo na nga."

Napangiti nalang rin ako kalaunan at inirapan siya saka niyakap ng sobrang higpit. Napairap pa ako sa kawalan dahil bibigay lang rin naman pala ako kahit sa kahuli-huliang pagkakataon

Putcha, marupok. Ang rupok-rupok.

Kung panaginip man ito ay sana mababangot nalang ako nang hindi na ako magising pa.

I will forever never ever get tired of reminiscing our love story. On how it started, and how it ended.

Nakakatawa lang. All this time, the one I used to call 'she', is the one who I supposed to call 'he'

"Buti pala in-add kita." Sabi niya sabay hagalpak ng tawa. "Weird ng simula ng love story natin, 'no? Pero buti nalang talaga... Thank God."

Muli siyang ngumiti ng malawak. "Thank God, we're both cross role players."


End.

____

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon