DAY 24

0 1 0
                                    

Nagtuloy tuloy 'yong ganoong gawain namin, 8:00 am hanggang 4:00 pm ay tinuturuan niya ako. Honestly, mas understandable siyang magturo kesa doon sa prof ko.

Kaloka talaga.

Pero ang saya ah. First time kong maka-perfect sa up to 500 na Quiz. Sabi na't mas effective 'yong pagtuturo niya e.

Kaya nga sobrang saya ko talaga. First time talaga 'to. Tuwang tuwa rin parents ko, may nagawa rin daw ako sawakas na tama.

First time ko rin maramdaman 'tong ganitong pakiramdam. Masaya palang mapuri ng magulang.

By the way, heto na, nagchat na siya. Gustong-gusto talaga niyang nag-aaral ako e.

Beatrix
Nag-aral ka na?

Zachary
Oo. Nag-aaral kasi uso.

Beatrix
Batukan kaya kita?

Beatrix
Gusto ko sa mga maaaral. Kaya mag-aral ka lang.

Napangiti ako ng malapad. Pati ba naman sa ganitong eksena ay pakikiligin ako nito? Kaasar!

Nakakarami ka na talaga, Beatrix. Ikaw na talaga!

Zachary
Pakialam ko naman sayo.

Beatrix
Asus, pakialam daw tapos nagpipigil na pala ng ngiti, ano?

Zachary
Manghuhula ka ba? Ang pangit kasi ng hula mo.

Beatrix
Ganon ba? Sige, try ko hulaan future natin.

Zachary
Haha funny.

Beatrix
Oks lang, saakin ka naman natutuwa e.

Zachary
Kapal nito. Mas bet ko si Aldrich sayo!

Beatrix
👍

Ang bilis talaga nito mapikon kapag gumagamit na ako ng ibang tao sa asaran namin.

Nagseselos ba siya?

Bruh, gaga ka, Alliah. Bakit naman siya magseselos? E nasa laro nga kayo, 'di ba? Laro lang kasi. Tinototoo mo na naman.

Zachary
HAHAHAHAHAHA pikon. Bleeeh.

Beatrix
Hindi ah.

Zachary
Weh? Talaga ba? Uhu, ang Bea nila ay napipikon. Nyenyenye.

Beatrix
Hindi sabi.

Zachary
Talaga lang ah? Yayain ko si Lexus maghanap ng party, tas maki-celeb kami?

Beatrix
Subukan mo lang.

Zachary
Susubukan ko talaga.

Beatrix
Iniinis mo ba ako?

Zachary
Naiinis ka ba?

Beatrix
Not funny, Velle.

Zachary
Asus. Kunwari ka pa, babes mo naman 'yon ah.

Beatrix
We're the same gender.

Zachary
Pareho nga kayong lalaki?

Beatrix
Babae.

Hindi parin ako kumbinsindo kahit ilang beses na niyang sinabing babae siya. Bakit ganito? Pakiramdam ko talaga ay hindi talaga siya babae.

What if-- nasisiraan na talaga ako ng ulo! Ito kasing babaeng 'to, napaka-makasalanan.

We're Both Cross Role PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon