Chapter 9

3K 38 13
                                    

Hindi makapaniwala si Sarah sa reception na natanggap nila mula sa staff ng school. Hindi alam ng mga nasa principal's office kung paano sila aasikasuhin. Si Sarah ang nahihiya sa pagka star struck ng mga nanduon. Kulang na lang ay mag request ang mga ito na makahalik kay Sam. May mga hindi nakatiis na teacher na nagpakuha ng picture kay Sam. Buti na lang at ng dumating sila sa office ay katatapos lang ng break at karamihan sa mga teachers ay nakabalik na sa mga classrooms nila.

Very accommodating naman si Sam sa mga ito. Lumabas ang pagka charming at ang pagiging mapagbiro. Hindi kataka takang isa siya tinuturing na pinaka mabait na artista ng ABS CBN.

Hindi naman nagtagal at lumabas na ang principal. Pinatuloy sila sa office nito at duon na sila nag usap. Ang principal na rin mismo ang nag tour sa kanila sa school ng mag request si Sam kung pwede ba niyang malibot ang school .

Hindi na sila pumunta sa classroom ni Kevin. Ayaw din nilang ma disrupt ang klase kaya sa office na lang din sila naghintay hanggang sa oras na ng dismissal. Pagka dinig nga nila ng bell ay sinabihan sila na pwede na silang pumunta sa classroom ni Kevin para makilala ni Sam ang teacher ng anak. Alam na rin ng teacher na pupunta sila duon kaya pinag hintay na din nito sa Kevin. Kitang kita ang excitement sa mukha ng bata ng sabihing anduon ang mommy at daddy niya.

Inaabangan na sila ni Kevin sa may pintuan kaya ng matanaw sila ng bata ay excited na sinalubong sila na tuwang tuwa.

Umupo si Sarah para yakapin ang anak anakan. Hinalikan siya sa pisngi at ng tumingin ito kay Sam ay nakipag high five then inakabayan ni Sam ang anak at masuyong ginulo ang buhok.

"It's great to see you too, son!" Masayang sabi ni Sam.

"This is a big surprise! Come, my teacher is waiting for you."

Si Kevin na ang proud na nagpakilal kay Sam sa teacher nito. Impressed na impressed si Sam sa pagka smart at pagka bibo ng anak.

"Your son is the best in his classs. He excels in all subjects. He has shown good leadership too. He is also a very talented musician. At a very young age, he can play the piano and the guitar and like you and Ms Geronimo he has a voice to die for." Mahaba habang papuri ng teacher kay Kevin.

Halatang pinipilit nitong itago ang pagka star struck. Abot tenga naman ang ngiti ni Sam. Proud na proud sa anak.

Inilibot din siya ni Kevin sa classroom nila. Ipinakita mga arts na ginawa niya, ganoon din mga result ng mga tests nila.

"Son, I must admit, you are smarter than me when I was your age."

"Really? Well, you probably don't have a tutor as good as mom." Proud na sagot ni Kevin.

Napangiti si Sam, tinapunan ng tingin si Sarah na tahimik lang. Nagsasalita lang kung kinakausap or sumasagot sa tanong.

"You are right. My parents were not able to help me with my school works most of the time. You are lucky, your mom is always helping you."

"Yes, I am. Do you know that she is very good in computer but not very good in video games. Whenever we play video games, she always lose. She only wins when Tito Matty helps her."

"Hmmm," makahuluganang tiningnan uli nito si Sarah na nakikipag usap sa teacher ni Kevin.

"Ok son, lets thanks your teacher and let's get out of here so your teacher can go home too. Is there something you want to do this afternoon?"

"I don't have home works today, can we eat at Jollibee?"

"We have to check with your mom. It's ok with me but your mom might have some other plans.

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon