Chapter15

3.1K 39 23
                                    

"Matt, come on in." Masayang bati ni Sarah sa kaibigan.

"Hello Sars!" Humalik sa pisngi ni Sarah ang binata.

"You look awful! Anong nangyari? Kelan ka pa dumating?" Sunod sunod na tanong ni Sarah.

"Kadarating ko lang, dito na nga ako tumuloy. Kanina sa airport sa Cebu habang naghihintay, nakita kong may binabasa tabloid yung katabi ko. Headline na may bago ng girlfriend si Sam. Picture ninyo habang kumakain sa isang restaurant at kung hindi ako nagkakamali sa favorite restaurant pa natin." Hindi pa nakakaupong sagot ni Matteo.

Huminga ng malalim si Sarah. Tama nga si Grace.

"Tutuo ba?" Malungkot na tanong ni Matt.

"Hindi no?" Frustrated na sagot ni Sarah.

Hindi inaasahan ni Sarah ang sumunod na ginawa ni Matteo.

Matteo hugged Sarah tightly, lifting her off her feet and kissing her soundly on the mouth. "I knew it pero halos maloko ako sa kaba habang nasa eroplano. Hindi ko yata kayang mapunta ka sa iba. I love you so much!" Hindi na napigilang pagtatapat ni Matteo habang mahigpit pa ring yakap si Sarah.

Sa sobrang gulat ni Sarah ay hindi ito nakakibo. Napatitig na lang sa matalik na kaibigan.

Lalong humigpit ang yakap ni Matteo kay Sarah. " Yes, nuon pa mahal na mahal na kita. Wala akong pinangarap kung hindi one day malaman mo kung gaano kita kamahal."

Bahagyang itinulak ni Sarah si Matt. Kumawala sa pagkakayakap sa kanya.

"Sars?", nag aalangang bulong ni Matt. Galit ka ba?"

Tumalikod si Sarah, naglakad palayo kay Matt. "Nagulat lang ako. Hindi ko inaasahan ang sinabi mo."

"For sure alam nararamdaman mo naman kahit na paano na mahal kita di ba?"

'Alam ko mahal mo ako,kami ni Kevin. Mahal ka din namin. Ikaw na halos ang nakagisnang ama ni Kevin. Ikaw ang karamay namin sa halos lahat ng bagay. Ikaw ang bestfriend ko. Soulmates nga tayo di ba?"

"But?.... not good enough to be your boyfriend or husband?", may pait at hinanakit ang boses ng binata.

"It''s not that Matt. Maswerte ang kahit na sinong babaeng mamahalin mo. Napaka buti mong tao. Sweet, thoughtful, gwapo, maalaga. Ikaw na nga ang ideal na boyfriend."

Lumapit si Matt, sa kinatatayuan ni Sarah. "Alam ko nabigla kita, hindi ko din inaasahan ang naramdaman kong sakit sa dibdib ng makita ko ang picture ninyo ni Sam. I came straight to here from airport, I have to know. Ilang beses akong nag try na tawagan ka or i text pero hindi ko magawa. I have to come to know if its true."

Hindi makatingin si Sarah sa kaibigan. Ramdam na ramdam nito ang nararamdaman ng binata.

"Kumain lang kami sa labas, birthday niya. Hindi tutuong tumakas kami sa surprise birthday party niya para lang mag celebrate together. Nagkataon lang na nuong kakain na kami, may lasing na lumapit sa akin. Muntik ng mapaaway si Sam kaya nuong ihinatid niya kami, at yayain niya akong kumain , hindi na ako nakatanggi dahil bukod nga sa birthday niya , talagang gutom na rin siya."

"Nanliligaw na ba siya saiyo?"

"Matt, let's not talk about him right now ok, naguguluhan na rin ako. Sunod sunod na mga pangyayari , hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong asikasuhin. Halika sa kusina, kumain ka muna. It looks like youy need something to eat and drink. "

"Sars, what I want to know is what you gonna do to what I just told you. I love you not just a friend."

"Right now? Naguguluhan ako. Mahal kita, ayaw kong masaktan ka, sa ngayon yun ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Ayaw kong mawala ka bilang kaibigan. Can we just leave it at that?" Hindi na maitago ang frustration sa boses ni Sarah. Ang gulo gulo ng utak niya. Kanina kanina lang pino problema niya si Sam.  Laking tuwa niya ng makita si Matt. Not in her wildest imagination na panibagong dagdag sa gulo ng utak niya ang  biglaang dalaw ng bestfriend.

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon