Chapter 37

1.3K 41 18
                                    

Matapos masiguradong ok na si Sarah sa bath tub ay lumabas na si Sam. Pilitin man ni Sarah na huwag ng umiyak ay tumulo pa rin ang luha nito. Nag iiyak ng nag iiyak. Sa mga kinikilos ni Sam, lalo pa niya itong minahal. Ni wala itong sinabing masama tungkol sa Mommy niya, sa halip ay ipinukos ang atensyon sa kanilang dalawa ni Kevin. “Hindi ko siya kayang layuan Ma, alam ng Diyos kung gaano ko din kayo kamahal pero alam ko karapadat si Sam sa pagmamahal na iniuukol ko sa kanya. Darating ang panahon mapapatawad mo din ako.” Nabuo na sa puso’t isipan ni Sarah ng oras na yun na hindi niya lalayuan si Sam. Itakwil man siya ng Mommy niya, kahit sa malayo, mamahalin pa rin niya ito.

Samantala, nagpupuyos pa rin ang kalooban ni Mrs. Geronimo. Hindi pa rin niya matanggap na sumama sina Sarah kay Sam.

Pagsisisihan ninyo ang ginawa ninyong ito. Lumapit ito sa telepono, nag umpisang magtatawag.

Si Sam naman paglabas ng banyo ay tinawagan agad ang manager niya. Ikinuwento ang nangyari  sa bahay nina Sarah.

“Ano sa palagay mo ang ibig niyang sabihin na sisirain ka niya?” Tanong ni Warren, punong puno ng pa aalala ang boses nito.

“Hindi ko din exactly alam , sinasabi ko lang saiyo para mapaghandaan natin kung saka sakali.” Sagot ni Sam na nag aalala din. Ayaw niyang masangkot sa intriga ang dalawa. Gusto niya hanggang maaari maayos ang hidwaan nila sa maayos na paraan.

“Sige I will keep my ears and eyes open. Will let you know right away if something comes up.” Sabi ni Warren. “Huwag kang mag aalala, maganda ang image mo sa mga tao at maging sa mga reporters. I am sure , kung may lumabas mang foul against you, either it’s false or bibigyan ka nila ng benefit of the doubt.”

“Ang inaalala ko sina Sarah at Kevin. Hindi sila sanay sa mga intriga at kung ano  anong mga pangyayari sa mundo ng showbiz.”

“Marami kang kaibigan sa industriya, huwag kang masyadong mag aalala.”

“Thanks Warren.”

“Sige, tawagan kita bukas pag may narinig ako. May taping ka bukas, mid afternoon ang call time mo ha.” Paalala nito kay Sam ..

Pagkababa ng telepono ay bumalik si Sam sa banyo. Nakaahon na si Sarah, nasa shower na ito at nagbabanlaw.

Hinintay na niyang matapos ang dalawa , paglabas ni Sarah ay masuyo niyang ibinalot ang tuwalyang hawak hawak sa dalaga. Kumuha ng isa pang tuwalya at pinunasan naman ang buhok nito para matuyo. Wala silang kibuan, iniisip ni Sarah kung magsasalita siya baka humagulgul na siya ng iyak.

Matapos mapunasan ang buhok ni Sarah ay kumuha ng t shirt niya si Sam at yun ang isinuot sa dalaga.

“Do you want to blow dry your hair?” Mahinang tanong ni Sam.

“Tumango ang dalaga, “just a little bit.” Kinuha nito ang hair dryer kay Sam. “I can do it, thank you.”

Habang pinatutuyo ni Sarah ang buhok niya ay nakatayo lang sa may pinto si Sam, pinanonood siya. Pagkatabi ni Sarah ng blow dryer ay naramdman na lang ni Sarah na yakap yakap siya ng binata.

“I’m sorry, Hon,” Sam whispered into her  hair. His arms tightened around her , gathering her  deeper into his arms. Sarah let herself fall into his embrace as she started to cry again.

“Hon please,” narinig ni Sarah na sabi ni Sam.

“Bakit ka nag so sorry, ako nga dapat magsabi niyan. Nahihiya ako saiyo, sa mga sinabi ni Mommy.”

“Shhh,”  I am sorry that you are hurting right now because of our love. I wish I know how to ease the pain that I see in your eyes.”

“You being here, doing these things for me, is more than enough. I love you even more. Thank you for being you. I wish my mother will open her heart and eyes and see how  wonderful a  person you are.” Naiyak na namang sabi ni Sarah.

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon